Nagboluntaryo akong tawagan si Uno pero nag-insist si Maloney. Naging marupok ako e, oo lang ako ng oo sa gusto niya. Baka kapag ito humingi ng halik, hindi ako magdadalawang-isip na bumigay. Bwahahaha. Managinip ka ng gising, Gabriella.
"Okay dude. I'll wait here..." Grabe ang perfect niyang ngumiti. Para siyang hindi tao sa sobrang gwapo niya. "By the way, I'm with your girl."
Tsk. Bago pa ako mahuli ni Maloney na naglalaway sa kanya, nagbe-busy-busyhan ako sa kusina. Kung ipagluto ko nalang kaya sila ng dinner? O kaya gayumahin ko nalang si Maloney?
Gabriella, umayos ka.
"Aww!"
"Hey! Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Maloney habang napilitan akong tiisin ang sakit ng sugat sa'king daliri na dala ng pagkahiwa ng kutsilyo. "It's bleeding. We have to clean that up."
"Ako na." Giit ko nang punasan niya ng alcohol ang sugat ko gamit ang cotton buds na kinuha niya sa medicine kit.
"No. Let me."
Ayan kasi Gabriella! Naghihiwa ka ng patatas ng sumusulyap sa gwapo! Ganyan ang nangyayari kapag pinagsabay mo ang trabaho at paglalandi. Ugh.
"What happened here?"
Damn. Binawi ko kaagad ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Maloney nang marinig ang boses ni Uno. Hindi ko pa siya tinitingnan pero alam kong pinapatay na niya ako sa tingin niya. Ang galing mo Gabbi! Heee! Galing ng timing! Iisipin pa nitong ang landi-landi ko! Nakakaasar!
"Your girlfriend accidentally sliced her finger dude." Nakangiting sagot ni Maloney na parang wala lang nangyari. "I'll leave you for a while. Don't be so hard on her." Narinig kong pabulong na sabi nito kay Uno.
"Really Gabriella?"
Kahit malayo ang kusina sa sala kung nasaan si Maloney, alam kong maririnig nito ang boses namin kapag magsisigawan kami ni Uno. Kaya ang ginawa ko nalang, niligpit ang mga gamit at ibinalik ang medicine kit sa cabinet. Pagkatapos ay pumunta ako sa bedroom. Sumunod naman si asungot do'n na naniningkit ang mata.
"What's that stunt Gab?"
"Narinig mo diba? Nahiwa ko ng hindi sinasadya ang daliri ko. Ayaw ko namang magpatulong sa bisita mo na gamutin 'yong sugat ko pero makulit e—"
"And you want me to believe that?"
"Uno. Ano bang gusto mong sabihin ko? Na nilalandi ko ang kaibigan mo?" Naiinis na asik ko sa kanya.
"Ask yourself that." Tugon niya tsaka ako iniwan.
Ilang oras akong nakaupo sa sahig habang nakasandal ang ulo sa kama. Pinapagalitan ko ang sarili ko sa pagpapabaya ko kanina.
Hindi ka na dapat sumusulyap pa, Gabbi. O kaya, hindi ka nalang umaray nang mahiwa ka. O kaya hindi ka nalang nagluto. Ang tanga mo Gabbi! Tumigil ka nalang din kayang huminga? Nakakainis ka!
"What now?"
Napatayo ako nang marinig siya. Matapos i-lock ang pinto ng kwarto, tinitigan niya ako na para akong tinutunaw.
"Uno, maniwala ka, hindi ko 'yon sinasadya. Sorry."
"Tsk."
Nakagat ko ang labi ko sa sobrang kaba. Ano ba ang dapat kong sabihin? Nasabi ko na naman ang totoo!
"I'll stay here tonight." Sabi niya mayamaya. Hindi naman ako mapakali kaya kinukurot ko nalang ang daliri ko. "I'm leaving for Singapore tomorrow. I want you to pack my things."
"O—kay."
Nanlaki ang mata ko nang ilabas ni Uno halos lahat ng polo at pants niya sa loob ng closet. Napakamot ako ng ulo nang makita ang bag na gusto niyang pagkasyahan ko ng mga gamit niya. Kasing laki lang ng laptop-bag!
BINABASA MO ANG
TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfiction[The Palmer Brothers: UNO] I was just heartbroken one night. In the morning when I woke up, I was naked. Then, my world ended.