Tumakbo ako sa banyo at isinara iyon. Iyon ba ang nangyari sa gabi na 'yon? Ibig sabihin, may nangyari nga talaga sa'min? Bakit Gabriella? Umaasa ka pa palang wala?
"Gab? Gab, what's wrong?"
"Uno...wa-wala."
Napahawak ako sa dibdib ko para pigilan ang sarili kong umiyak.
"Na—nasusuka lang ako." Pagsisinungaling ko. Dahil sa sinabi ko, naalala ko ang nangyari kahapon. Ang pagkahilo ko? Ang pagsusuka ko? Ibig sabihin... Posible ngang buntis ako?
"Gabriella, let me in. Tinatakot mo naman ako e. Nahihilo ka ba? Gab? Kausapin mo 'ko." Bakas sa boses ni Uno ang pag-aalala at pagpapanic pero nagwalang-bahala ako. Napakuyom pa nga ako ng palad dahil sa galit. Galit para sa sarili ko.
Hindi ako pwedeng mabuntis. Hindi pwede.
"Gabriella? Open the door. Please open the door!" Sigaw ni Uno sabay katok ng pinto. "Gabriella, please! Baby please?"
Pinatahan ko ang sarili ko bago binuksan ang pinto.
"Gab? Ano'ng nararamdaman mo? Nahihilo ka ba ulit? May gusto ka bang kainin? Gabriella, just tell me."
"Uno... Anong mararamdaman mo kapag totoong buntis ako?" Hinaplos ni Uno ang pisngi ko. Dahan-dahan na bumaba ang kamay niya sa baba ko at ngumiti.
"I'll be happy, Gabriella."
"Yan dapat ang maramdaman ko... diba?" My voice trailed off. This time, hindi ko na napigilang umagos ang luha ko. "Dapat masaya ako. Di ba?" Pag-uulit ko ng tanong na nagpalungkot sa mga mata ni Uno.
"Bakit Gab? Hindi ka ba masaya?"
Nahihirapan akong ayusin ang pagsasalita ko dahil sa'king pag-iyak. Pero nangibabaw ang kagustuhan kong ilabas ang totoo kong nararamdaman maliban sa sakit. "Magsisinungaling ako kung sasabihin kong masaya ako."
Napabitiw si Uno sa paghawak sa'kin. Tumango siya at binigyan ako ng malungkot na ngiti.
"Do you hate me? A real hate? Not the kind that you don't want to fade?"
"No—"
"Did I ruin your life? Did I shatter your dreams? Did I make you miserable Gabriella?"
"Uno?"
"Gabriella, it's okay to be honest this time."
"Hindi mo kasalanan. Hindi mo pagkakamali na tanga ako."
"Hindi ka tanga!"
"Kung hindi ako tanga, bakit ako nandito?" Sumbat ko dahil hindi na ako nakapagpigil. " Kung hindi ako tanga Uno, bakit nagbago ang buhay ko? Bakit ka dumating? Kung hindi ako tanga, bakit ako ganito ngayon?"
Uno gave out a defeated smile. Sumikip ang dibdib ko na makita 'yon pero binalewala ko dahil pakiramdam ko ng mga sandaling 'yon, deserve naming masaktan.
It's okay to see him hurt, Gabbi. It's okay so you won't suffer the pain alone.
Gaya ng napagkasunduan namin ni Uno, bumisita kami sa isang clinic. Kakilala niya ang obe-gyne na kikitain namin ngayong araw. Mabilis ang hakbang kong naglakad dahil ayoko siyang kasabay.
"Gab." Tawag niyang nagpaurong sa'kin sa paglalakad.
Hindi kasi kami nakakapag-usap matapos ang sagutan namin kahapon. Umalis si Uno pagkatapos kong ilabas ang saloobin ko. Umalis siya at hindi ko siya pinigilan. Nagpakita lang siya ulit kaninang umaga para samahan akong magpatingin.
"Ano'ng gagawin ko Gab para maibalik ang ngiti mo?"
Huminga ako ng malalim saka siya hinarap.
"Hope that I'm not pregnant."
BINABASA MO ANG
TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfiction[The Palmer Brothers: UNO] I was just heartbroken one night. In the morning when I woke up, I was naked. Then, my world ended.