32. Breaking

4.1K 102 32
                                    

Hindi ko alam kung paano inayos ni Uno ang tungkol sa expulsion ko. So, hindi ako tuluyang nakalipat ng paaralan pero next semester, lilipat na ako dahil hindi naman naibalik ang scholarship. I can still remember what they all said. Hindi raw ako magandang halimbawa dahil nakikipag-live in ako kay Uno. They even offered to get me back to the dormitory. At idi-disciplinary action lang daw ako which means hindi na ako makikipagkita kay Uno. That sounds stupid right? Oo, kasi alam kong pakana 'yon ni Jillian. Tsk. Asa pa siyang susukuan ko si Uno. Manigas siya kasama ang lipstick niya!

"Ate Gabbi!" Tawag ni Seven sa'kin habang naglalakad ako palabas ng campus.

"Seven?"

"Ate. May kailangan kang malaman." Aniyang nagpakaba sa'kin.

"Seven, ano 'yon?"

"Kausap ko si Daniella kanina lang. Ate Gabbi, she's crying. May nagsabotage ng project na ginawa niya for the science fair." Uminit ang ulo ko sa galit. No one bullies my sister!

"Ano? Wait. Hindi iiyak si Daniella sa ganyang bagay—"

"Kasi hindi naman 'yon ang iniyakan niya ate Gab. Wala na rawng trabaho ang tatay niyo ate. At..."

"At ano?" Hindi siya sumagot kaya natakot ako bigla. "Seven ano?"

"Hinuli daw po ng mga pulis ang tatay niyo. Ayon kay Danni, inakusahan daw ang tatay niyo na nagnakaw sa kompanya."

Diretsong tumulo ang luha ko sa sinabi ni Seven. Naiintindihan ko kung bakit hindi direktang sinabi sa'kin ni Daniella 'yon. Kapag masyadong mahirap para sa kanya, pakiramdam niya no'n mas hindi ko kaya. Totoo naman dahil mas matatag at mas matapang si Daniella kaysa sa'kin.

"I'll talk to Jillian. This has to stop Gabriella!" Galit na saad ni Uno nang malaman niya ang nangyari.

"Hindi ka aalis! Hindi ka aalis Uno!"Galit na sigaw ko sa kanya.

"Nagpadala na ako ng pangpiyansa kay tatay. But it doesn't mean it's done so I have to see her. I have to end this Gabriella. Ayokong madamay ka o ang pamilya mo dahil sa pagkakamali ko noon."

"Hindi si Jillian ang may gawa nito Uno. Baka may naiinggit kay tatay sa trabaho! Baka—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan ako ni Uno sa labi. It was quick. Mas matagal ang pagyakap niya sa'kin na nagdulot ng kakaibang takot sa dibdib ko.

"Mahal na mahal kita Gabriella. Mahal na mahal."

"Hindi si Jillian 'yon Uno. It's not her. Please, 'wag kang umalis." Pakiusap ko dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Bumibilis 'yon sa kabang hindi ko maipaliwanag.

"Babalik ako. Baby, babalik ako. I promise. I love you Gabriella. I will fix this, okay?"

Naniwala ako sa sinabi niyang babalik siya pero nakatulog nalang ako sa paghihintay, wala akong nasilayang Uno Palmer na bumalik. Nagising ako ng madaling araw, hindi parin nakauwi si Uno. Wala akong magawa kundi ang umiyak lang hanggang sa makatulog ulit.

Napanaginipan ko si Uno. Nakaupo siya sa dulo ng kama habang hinahaplos ang pisngi ko. It seemed so real. Parang totoo kaya dumilat ako.

"Uno?" Napabangon ako kaagad nang makita ang maleta sa may pintuan. "Uno? Ano 'to?"

Masakit 'yong mata ko dala ng pag-iyak ko magdamag pero hindi parin 'yon pagod lumuha. Hindi nagsalita si Uno. Mabilis na kinuha niya lang ang mga gamit at bumaba.

"Uno? Ano ba?" Sigaw ko habang hinahabol siya. Nang makita ko siyang malapit na sa pintuan, binilisan ko ang pagbaba ko ng hagdan at nasa dulo na ako nang matapilok pa ako't madapa.

TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon