9. Broken Hearts & Egg

6.2K 184 70
                                    

Maaga akong gumising at nagluto ng almusal para sa'min ni Uno. Akala ko kasi darating siya, akala ko kukunin niya ako para ihatid sa academy. Akala ko gaya lang ng dati, magiging okay kinabukasan. Bigla akong nalungkot dahil mali pala ako. At the same time, kinakabahan ako na natatakot. Hindi ako mapakali kaya hinanap ko ang mga kapatid niya sa school. Ayaw niya kasing sagutin ang mga tawag ko e. Kahit sino lang sa kapatid niya, kailangan kong makita. Gusto ko lang matiyak na ok siya. Kung umuwi ba siya sa kanila kagabi.

"Ate Gabbi?" Tawag ni Seven nang makita niya akong naghihintay sa sa tapat ng highschool building. Yumakap ako sa kanya nang makalapit siya. "Are you okay ate?"

"Seven? Umuwi ba kagabi ang kuya Uno mo?" Walang pasubaling tanong ko matapos siyang bitawan.

"O—oo. Pero... Sa pagkakaalala ko, umalis siya after dinner. I cannot remember him coming home, siguro tulog na ako."

"Pero kaninang umaga? Nasa bahay ba siya?"

"Ate Gabbi, kalma lang. Relax lang. Walang mangyayaring masama kay kuya Uno. Malaki na 'yon. Trust me, Kuya Uno is the guy who never fails. He's always sure with what he does so stop worrying. And ate, to answer your question, para sa ikakakalma mo, he joined breakfast this morning."

Napatango ako habang kinakapa ko ang dibdib ko. Gabbi naman, oa ka masyado. Sinabi na ngang okay lang siya e.

"Teka, nag-away ba kayo? Kaya ba bad mood si kuya?" Nanunuksong tanong ni Seven.

"Ah. Nag-nagkasagutan lang kami. Seven, can you call him for me? Ayaw niyang sagutin ang tawag ko e."Pakiusap ko rito.

"Sure ate Gabbi. Anything for you."

Nagri-ring ang phone nang iabot 'yon ni Seven sa'kin. Matapos ang ilang ring ay sumagot si Uno. Napahinga ako ng maluwag nang marinig ang boses niya pero bumibilis parin sa pagtibok ang puso ko.

"Seven, I'm at work."

"Uno..." Mahinang sambit ko. Hindi siya nagsalita ulit kaya nanlamig ako. "Wag mong ibaba please?"

"Look, I'm busy."

Kahit pinigilan ko, tumulo parin ang luha ko sa pagiging cold niya. Dati na naman siyang ganito sa'kin, ano ba'ng iniiyak-iyak ko?

"I'm sorry. Uno, mag-usap tayo please—"

"Hindi mo ba narinig? I'm busy Gabriella! I don't have time for your drama."

Tahimik akong humagulhol at naghintay nalang na ibaba na niya ang tawag.Tumatango ako na para bang nakikita niya ako.

"Gab, please." Utal niya sa mahinahong boses.

"Okay. I'm sorry." Sambit ko saka pinatay ang tawag. Sinauli ko ang phone kay Seven at tumakbo papalayo.

Naghahabol ako ng hininga nang nasa CR na ako, hindi 'yon dahil sa pagtakbo kundi dahil sa paninikip ng dibdib ko.

"Gabbi?"

Nang marinig ang boses ni Sydney, lumakas ang hagulhol ko. Niyakap niya kasi ako na lalong nagpaiyak sa'kin. Ibig sabihin ba nito okay na kami?

"Gab? What's wrong? What happened? Relax. Please breathe in... Breathe out... It's okay, Gabbi. It's okay."

Tumango ako at sumunod sa instructions niya. Matapos ang ilang minuto, nawala 'yong paninikip ng dibdib ko pero kumikirot parin 'yong puso ko.

"Gab? What happened? Please don't tell me it's about Tatay Pogi and Dandan? Or nanay Julianna?"

"Hindi. Hindi, Syd." Sagot ko sabay pakawala ng pilit na ngiti. The mention of my mother's name made my heart skip a beat.

TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon