22. Missing You

5.9K 138 11
                                    

Akala ko ay nananaginip lang ako. May naririnig kasi akong tumutugtog ng piano mula sa baba. Nagmamadali akong nag-ayos saka tumakbo pababa. Ayun si Uno. Nakatalikod sa'kin habang tinutugtog ang paborito kong kanta... kanta na minsan kong pinahiram sa kanya. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko ang kanta na 'yon. Pero sa naalala ko, no'ng una kong marinig 'yon, napaiyak ako at sumisikip ang dibdib ko. Hanggang ngayon, iyon ang pakiramdam ko sa tuwing naririnig ang awitin na 'yon... lalo na't iyon ang huling kanta na inawit ko kay nanay. Hindi naman tugma ang lyrics para sa kanya no'n, pero ngayon, it's making sense.

Biglang lumingon si Uno sa'kin. Matamis na ngiti ang ibinigay niya habang patuloy ang mga daliri niya sa pag-hit ng mga keys. Tsk. What can't Uno Palmer do?

If I let you go I will never know
What my life would be, holding you close to me

Huminto siya sa pagkanta, kinagat niya ang kanyang labi para pigilan ang luhang nakaawang sa gilid ng mga mata niya. Patuloy parin sa pagtugtog ang mga kamay niya kahit sa'kin nakatoon ang kanyang mga mata.

Will I ever see you smiling back at me?

How will I know...

if I let you go ?

Hindi ako nagalaw, kahit nasa dulo na sana ako ng staircase... nakatayo lang ako na pinapanood siya. Pumatak 'yong luha ko dahil sa saya. Na tapos na lahat ng nangyari kagabi. Na nandito parin siya.

"Gabriella Lacsamana..." Sambit niya matapos lisanin ang piano. Huminto siya sa tapat ko at lumuhod. "Will you marry me?"

Oo ang sinisigaw ng puso ko. Oo ang dapat na sagot ko. Pero ang salitang oo ang hindi ko mabanggit-banggit sa sandaling 'yon. I was thinking, maybe nabigla lang ako.

"I want to make things right with you Gabriella, I want to be with you for the rest of our lives. I want you to marry me."

Lumapit ako sa kanya at inalalayan siyang tumayo. Yumakap ako sa kanya at umiyak ng walang pagpipigil. Ang lakas nga ng hagulhol ko. Iyon lang ang narinig kong pumupuno sa tahimik na condo.

"It's a no. Am I right?"

Kumawala ako sa yakap niya para salubungin ang titig niya.

"It's a yes but not today. It's too soon, Uno."

"Nothing's too soon, Gab. Wala namang magbabago kapag pinakasalan mo 'ko. Pangalan mo lang ang babaguhin ko. Ang pangarap mo, ang buhay mo, it will still be the same as you wish them to be."

Umiling ako.

"Uno, hindi pa ako handa. Sorry. Uno, mahal kita. Gusto ko, oo. Gusto kong makasama ka habang buhay. Pero hindi ngayon ang tamang oras para sa hinihingi mo."

Tumingin siya sa malayo at ngumiti. Isang malungkot na ngiti.

"I'm sorry Gab." He whispered when he faced me. "I'm sorry. I was being selfish."

Kumirot ang dibdib ko sa mga tinging pinupukol niya sa'kin. Nilulunod ng sakit at kalungkutan ang mga mata niya. Bigla-bigla, nakaramdam ako ng takot.

"Wala namang magbabago sa'tin ng dahil... ng dahil dito diba? Uno, mahal mo parin naman ako diba? Hindi mo 'ko iiwan?"

Ngumiti siya't hinagkan ako sa noo. Bumaba 'yon sa tungki ng ilong ko. His lips stayed there as he whispered the words I wanted hear. The words I needed to hear.

"I love you, Gabriella. I will not let you go and baby, I will wait for that day... that day you will say yes. When the time is right."

"I love you, Uno." I whispered.

TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon