1. Gabbi

13.3K 239 80
                                    

Hingang malalim. Gabbi, okay lang. Okay ka lang. Walang nangyari, umayos ka. Okay ka lang, magtiwala ka. Punasan mo 'yang luha mo. Lumabas ka diyan, magbihis ka at umuwi sa dormitory mo!  Habang pinapagalitan ko ang sarili ko, pumasok sa banyo ang lalaking kanina ay tulog. Nanlaki na lamang ang mata ko bago mapagtanto ang ginawa niya. Tanga ka talaga Gabbi! Tumalikod ka! Wag kang manilip! Hindi na nga ako tumalikod, tumili pa ako. Ang galing ko talaga kahit kailan!

"What are you doing in my room?" Tanong niya sa nakakasindak na boses sabay hawak ng magkabilang pisngi ko.

"Nasasaktan ako, ano ba?"

"Are you setting me up?"

Set up? Ano'ng sinasabi niya? Pinipikot? 'Yon ba ang ibig niyang sabihin? Ang kapal ng mukha nito! Dahil do'n, walang pagdadalawang isip na sinampal ko siya. Nang maaninag ko ang galit na rumehistro sa mukha niya, tumakbo agad ako palabas ng banyo. Tanging kumot lang ang nasa katawan ko. Hinanap ng mga mata ko ang mga suot ko kagabi. Ayun! Nasa sahig! Pupulutin ko na sana ang PE pants ko nang bigla akong hablutin ng timang. Nagpumiglas ako na siyang dahilan at muntik akong natumba. Mabuti nalang sa kama bumagsak ang mga siko ko. Nakatuwad ako habang binabalanse ang katawan ko upang maiwasan ang tuluyang pagbagsak. Nasa may likuran ko ang gago na ngayon ay nakatuwad rin, nakahawak sa baba ko para tingnan ako sa mukha.

"What are you doing?" Sita niya pa sa'kin. Hindi ba't ako ang dapat na magtanong niyan?

"Uno, anak, may narinig akong sumigaw. Are you oka—" Hindi natapos ng babae ang sasabihin nang makita kami sa ayos namin. Gabbi, babae? Anong pinagsasabi mo? Mukhang ate o nanay niya 'to e!

"Mom!"

Putek! Tuluyan kong ibinagsak ang sarili ko sa kama para matakpan ang mukha ko sa kahihiyan.

"Is kuya alright— oops." Isang lalaki ang narinig kong nagsalita. "May babae na naman si kuya!"

"Dos, labas." Dinig kong saway ng nanay nila doon sa lalaki. "Uno, get yourself changed. We'll wait for the two of you downstairs. Maghahanda narin ako ng breakfast."

Pwede na ba akong mamatay? Pwede ba? Mga anghel, kunin niyo na ako. Ayoko na dito sa earth. O kaya mga lupa, lamunin niyo ako ng buhay. Mariana Trench, higupin mo ako! Parang awa niyo na. Nakakahiya!

"You!" Singhal ng mokong sa'kin matapos dagilin ng marahan ang paa ko gamit ang tuhod niya. "Why are you here? What do you need?"

"Excuse me! Baka nga ikaw ang nagdala sa'kin dito! Bahay mo 'to diba?"

"You are absolutely not my type. I would never take you home."

Ang kapal ng mukha! E bakit ako napunta rito sa kwarto niya, sa bahay nila, at to mention, nagising akong walang saplot! Ano'ng ginawa ng gagong 'to sa'kin?

"You are here to set me up. Hey woman. Ngayon palang, sinasabihan na kita, I will not marry you. Now, leave."

"Thank you. Nakakatakot naman kapag naikasal ako sa isang asungot ano!" Pagsusungit ko sa halip na sumbatan siya sa ano man ang ginawa niya sa'kin. Siya pa ang may ganang mang-akusa sa'king nangset-up sa kanya. Gano'n ba siya ka-gwapo sa paningin niya? Ang kapal ng mukha!

Isa-isang pinulot ko ang mga damit ko. Hindi na ako nag-abalang pumunta sa banyo dahil di ba nga, hindi niya daw ako type! Habang nagbibihis, napatalon ako nang marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto.

"Are you two decent now? Can I get in?" Mama niya pala. Ugh. Nakakahiya. Paano ko haharapin ang mommy niya?

"Move fast." Utos ng gago sa'kin.

TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon