May kung anong kumikiliti sa paa ko kaya ako nagising mula sa malambing na tulog. Ano ba kasi 'tong gumagalaw sa may paa ko? Wait— Naglalakad 'yon paakyat sa hita ko. Dumilat na ako ng mata. At mas nagulat pa ako nang makita ang mukhang kinasusuklaman ko.
"Panaginip." Bulong ko sa sarili ko. Kinusot ko ang mata ko hanggang sa dumilat na din ang gago. Nang ngumiti ito sa'kin at napatunayan kong hindi ako nananaginip, sumigaw ako't itinulak siya. Pero gaya ng nangyari noon. Ako ang nahulog!
"Aw! Awr! Awr!"
Ang sakit na nga ng puwet ko, tatakutin pa ako ng asong 'to? Dahil hindi ko naman maigalaw ang puwet kong bagsak na bagsak sa sahig, pumikit nalang ako. Tinanggap ko na ang tadhana kong mamamatay ako dahil sa kagat ng aso. Pero wala namang kumagat sa'kin. Tumahimik narin ang asong kumakahol kanina. Pagdilat ko ng mata ko, mukha ni Uno ang sumalubong sa'kin, ang lapit ng mukha niya sa'kin kaya iniwas ko ang mukha ko.
"Ouch!" Hiyaw ko ng tumama ang noo ko sa paa ng bedside table niya. "Aray ko."
"Gabriella, sorry." Sambit niya saka umambang hawakan ako. "Sorry Gab. Sorry."
"Wag mo 'kong hawakan!"
Sinubukan kong tumayo mag-isa pero takte, ang sakit din pala ng likod ko. Nakakainis talaga 'tong tao na 'to! Kahit talaga kailan, pahamak siya sa buhay!
"Hindi mo naman kaya e." Talak niya saka diretso akong binuhat at pinaupo sa kama.
"Gabriella, Gabbi, Gab, Ella, Gabriel! Out! Out!" Sigaw niyang nagpakunot ng noo ko. I looked past behind him and I saw five dogs heading out of the room.
"Seriously Uno?"Nanggagalaiti sa inis na singhal ko.
"Seriously what? Gabriella?" Sasagot na sana ako pero napakamot siya. "Gabriella, it's not you. I'm not talking to you." Sabi niya sa asong karga-karga niya palabas. Ni-lock niya ang pinto at nilapitan ako. "What were we talking about Gabriella?"
"You are a moron." I told him with emphasis and a glare.
"I know that. Okay? I know Gab."
"But seriously? Ipinangalan mo sa'kin ang mga aso mo? Gago ka ba?"
"Gabriella, hindi lang ikaw ang Gabriella sa mundo."
"Ang kapal talaga ng mukha mo!" Sigaw ko sabay hampas sa kanya ng unan. Nakakainis dahil tumawa lang siya. Hindi na talaga ako nakapagtimpi, inabot ko ang maliit niyang alarm clock at 'yon ang hinagis sa mukha niya. Woah.
"Aw!" He groaned. Tumakbo agad siya sa salamin para tingnan ang natamaang parte ng pisngi niya. "Gabriella, bakit ang bayolente mo?" Sita niya sa'kin nang harapin ulit ako.
"Kasi ang gago mo!" Walang kiming sigaw ko.
"Ano ba'ng ginawa ng mukha ko sa'yo? Gabriella naman, aso na nga lang ang nagmamahal sa'kin ngayon e pinagseselosan mo pa."
"Ano?"
"Ano'ng ano?"
"Alam mo, ikuha mo 'ko ng icepack do'n at nang maibsan man lang 'tong sakit ng puwet at likod ko. Wala ka talagang kwenta ano?"
"Fine. Ikaw naman lagi ang masusunod." Napahiga ako sa kama at tinakpan ng unan ang mukha ko. Sumigaw ako sa sobrang inis. Bakit ba kasi ako napunta dito in the first place? Nakakabwiset! Kasalanan 'to ng driver na 'yon e! Kung hindi niya sana binanggit ang salitang sunog, hindi na sana ako concern sa kanya! Peste talaga! Ang kapal ng mukha ng Uno na 'to! Ipinangalan pa sa'kin ang mga aso niya! Iyon ba 'yong nangingiliti sa'kin kanina kaya ako nagising? Nakakainis.
"Let me check your forehead." Biglang sabi niya. Hindi ko man lang siya namalayang bumalik. "Gabriella. Move that pillow. I'll check your forehead." Sumunod nalang ako dahil medyo masakit din kasi 'yon. Baka namaga na nga e. "May bukol, pero mawawala din 'yan after a few minutes. Sa'n pa nga 'yong masakit sa'yo?" Tanong niyang nagpalaki ng mata ko. "Gabriella, tinatanong kita."
BINABASA MO ANG
TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fiksi Penggemar[The Palmer Brothers: UNO] I was just heartbroken one night. In the morning when I woke up, I was naked. Then, my world ended.