5. The Palmers

6.8K 207 47
                                    

Malungkot na pinapanood ko si Sydney sa malayo. Kasama niya sina Audrey at ang mga maaarteng kaibigan nito. Pareho ang kursong kinuha namin at ang mas masaklap, blockmates kami.

"Sydney, hindi mo ba kukumustahin ang ahas mong bestfriend?" Pagpaparinig ni Audrey.

Nababadtrip parin ako sa kakaisip kay Uno kaya ayaw ko ng madagdagan pa ang stress ko. Ako nalang ang umiwas. Pero iba din talaga si Audrey, siya ang babaeng mahilig sa away. Kapag may mga catfights, siya halos nagsisimula niyan. Ugali niyang pag-awayin ang mga tao.

"Can we talk, Gabbi?" Mahinahong sambit ni Sydney bago ako makalayo.

Lumingon ako at nginitian siya. Lumayo kami sa mga kasama niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ramdam ko parin 'yong sakit sa puso ko sa ginawa niyang pagkampi kay Audrey. Ni hindi ko nga siya matitigan ngayon e.

"I decided not to be friends with you anymore." Deklara niya. Malungkot ang boses niya. Feeling ko nga naiiyak rin siya gaya ko.

"Okay lang." Mahinang tugon ko. "Tanong ko lang Syd, bakit? Bakit mas pinili mong paniwalaan sila? Kilala mo naman 'yang si Audrey diba?"

"Oo. She may be a wreck and all but she's not like you. Hindi siya nanggagamit ng tao at hindi siya nang-aagaw!" Lumuluhang sumbat niya.

"Wala akong inagaw sa'yo Sydney. Hindi kita ginamit at alam mo 'yan. Oo, mahirap lang ako, wala ako sa kalingkingan ng yaman mo pero kailanman hindi kita ginamit. Itinuring kitang kapatid at ano? Dahil lang sa tsismis na nilalandi ko si Carter? Sydney, hindi ko nga makikilala 'yong taong 'yon--"

"Wow. You have the guts to deny it after you've been spotted riding in his car?"

"Not until that day—"

"Shut up Gabbi. Tama si Audrey. You're not as innocent as we thought."

Natameme ako do'n dahil naalala kong naisuko ko nga pala ang iniingatan kong kayamanan sa isang taong hindi ko kilala. Maybe, she's right. I am not as innocent as I thought of myself afterall.

"Kung 'yan ang gusto mong paniwalaan Syd. Sige."

Ako na ang umalis. Tumakbo ako papunta sa likod ng building at do'n humagulhol.

Gabbi, it's okay. It's okay. Gano'n talaga e. Hindi lahat ng tao mapipilit mong manatili sa buhay mo. Karamihan sa kanila, dumating sa buhay hindi para pumirmi kundi para dumaan lang. Baka isa si Sydney sa mga taong 'yon.

Ang hirap lang kasi. Mula highschool, siya lang ang naging kaibigan at kakampi ko sa mamahaling paaralan na 'to. Nakapasok ako dito dahil sa scholarship. Pangarap ni nanay na dito ako makapagtapos dahil alma mater niya ang paaralan na 'to mula elementary hanggang sa college. Maaga nga lang nawala si nanay, pitong taon palang si Danni no'n.

"Ate Gabbi?"

Napalingon ako sa tumatawag sa'kin. Wait.

"Don't tell me, nakalimutan mo na ako. Ako si Six, kapatid ni—"

"Of course... Dito ka rin pala nag-aaral?" Tanong ko habang pilit na ngumingiti.

"Umiiyak ka ba ate Gabbi? Sabihin mo lang sa'kin kung sino ang nanakit sa'yo, uupakan ko 'yan."

"Ano ka ba? Okay lang ako. May binabasa lang na...ah... aklat." Pagsisinungaling ko. Kinunotan niya ako ng noo na para bang hindi siya naniniwala. "Ang mga kapatid mo din ba dito nag-aaral?"

"Yup. All of us go to the same school. Kahit si kuya Uno. Suma Cum Laude 'yon gumradweyt dito e. You should know that kung dito ka sa ESU nag-highschool. Siyempre alam mo 'yan, girlfriend ka nga pala ni kuya." Nakangiting pahayag niya.

TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon