I was walking slowly towards the sala until I saw Daniella eating crackers while she carried baby Alex in her arm. When she saw me running, she immediately raised her hand up in withdrawal.
"Kalma lang Gabriella Palmer. Hindi ko po pinakain si Alex nito. Babygirl, ang OA talaga lagi nitong mommy mo. Tara na nga lang sa pool, swimming tayo. Mag-butterfly stroke ka gaya ng itinuro ko sa'yo." Aniyang nagpalaki ng mata ko. One year old palang si baby Alex!
"Baby, tingnan mo ang mukha ng mommy mo. Naniwala na naman siya." Sabi ni Daniella saka tumawa. Hinampas ko siya ng hawak kong towel pero tinawanan niya parin 'yon. "Ate Gabbi ah! Ang sakit no'n. Nagfe-feeling nanay ka talaga rito sa anak ko."
"Ang kapal talaga ng mukha nito. Kung gusto mong gumawa Daniella, pakasalan mo na si Six. Akin na nga 'yang si Baby Alex ko. Baka kung anong kalokohan pa ang matutunan ng anak ko sa'yo."
"Hoy Gabriella. Bago ka nagkaroon ng Uno at Alex sa buhay mo, ako 'yong baby mo." Tumatawang sigaw nito habang naglalakad ako palabas ng sala. Hindi ako tuluyang nakalayo dahil dumating si Uno.
"Nag-aaway na naman kayo?"
"Eh kasi 'yang babaitang 'yan, pinapakain ng crackers si baby Alex."Sumbong kong nagpalaki ng mata ni Daniella.
"Ano? Kuya, OA lang talaga 'yang babaeng pinakasalan mo. Haleeeer, pamangkin ko kaya 'yan ate! Tsaka, mas mahal ko si baby Alex kaysa sa mahal mo siya."
Tumawa si Uno sa sagot ni Danni. Lagi naman siyang ganyan, sinasabayan niya ang mga kalokohan ng timang kong kapatid.
"Uno, tawagan mo nga si tatay para pauwiin 'yang babae na 'yan."Utos ko sa asawa kong nagpipigil lang matawa.
"Love, ako ang nagpapunta sa kapatid mo." Pag-amin niya saka nagkamot.
Tumakbo si Daniella sa'kin at niyakap ako. Pinaulanan pa ako ng halik sa pisngi. Itong timang na 'to! Lagot 'to sa'kin kapag nakatulog si Alex.
"Kuya! Ang cute talaga ng baby!" Anas ni Danni na kinukurot pa ang pisngi ko. Pasalamat talaga 'to kinakarga ko si baby Alex ngayon ng maayos. Dahil baka kanina ko pa 'to nasapak. "Ate. Joke lang. Miss na kita e kaya ako nandito."
"Ikaw ang magluto."Nakangising sabi ko. "Dito ka matutulog."
"Sure! Basta katabi ko si Baby Alex matulog."
"Mukha mo. Umuwi ka."
"Ang possessive!"Tumatawang saad niya na nagpailing nalang sa'kin. "Ate, pasyal nalang kami ni Alex. Sige na. Kasama naman yaya niya."
"Hindi pwede. Hindi pwede kapag wala ako o kaya ang kuya Uno mo." Sagot ko kaagad.
"Ate. Ba't ang possessive mo?"
"Daniella, anak ko 'yan. Hindi 'yan stuffed-toy." Pagtataray ko. Humagikhik lang ang sira ulo.
"Joke lang naman. Ang seryoso na ng ate ko ah. Ano'ng ginawa mo sa kanya, Kuya Uno?"
Tinapik lang ni Uno si Danni sa ulo bilang sagot. Yup, he still treats her like she's fourteen.
"Sige na love, ibigay mo muna si baby sa tinang niya."Utos ni Uno na nagpaarko ng kilay ko. Hinapit niya ako sa bewang saka hinarap si Daniella. "Basta Dandan, hindi kayo lalabas ng bahay."
"Yes po. You're my favorite parent of Alex talaga, kuya."
Sinamaan ko ng tingin si Daniella bago ibigay si baby Alex sa kanya. Tuwang-tuwa naman ang tinang ng anak ko na itinakbo-takbo pa si baby. Humahagikhik nga ang anak ko e. They're so adorable together, my babygirls. Natigil ako sa panonood kay baby Alex at sa kapatid ko nang yakapin ako ni Uno mula sa likuran.
"Love, sundan na natin si Alex." Pilyong bulong niya. Kinagat pa niya ang tenga ko gamit ang labi niya. Nagsitayuan agad ang mga balahibo ko sa panghaharot niya.
"Sira-ulo ka talaga.Tumigil ka diyan. Behave Uno."
"Sige na. Tara na sa kwarto."Giit niya sabay kindat pa. Napanganga ako, hindi makapaniwalang seryoso nga siya. Hinatak ako papunta sa kwarto e. Gayunpaman, nagulat lang ako nang makitang puno ng balloons ang kisame at ang sahig. Binalingan ko kaagad si Uno na ngayon ay kasama ang kapatid kong nakangiti sa'kin.
"Happy Mother's Day, love."Bati ni Uno na nagpanguso sa'kin para mapigilan ang sariling maiyak.
"Baby Alex, say Happy Mother's Day to mommy." Pagbi-babytalk naman ni Daniella sa anak ko. Yumakap siya sa'kin at hinalikan ako sa pisngi. "I'm so proud of you ate. Mula nang mawala si nanay, ikaw 'yong pumalit sa kanya. Kaya nga nang mag-asawa ka, sure na sure akong maaalagaan mo ng maayos ang pamangkin ko. You've done the same way to me. I know that you will be a good mother and you really are now, ate Gabbi."
Aww.
"Ang ganda ng speech ko ano? Naiiyak ka." Pang-aalaska na niya naman kahit ang totoo siya naman ang naiiyak. Timang talaga e. Ang seryoso na kaya ng atmosphere, binabasag niya. "Ate, 'wag naman masyadong possessive sa pamangkin ko. Kikidnap-in ko talaga 'to kapag nag-iinarte ka pa. Joke lang. I love you, mommmmy Gabbiiii! Say I love you to your mommy Alexandra, wala kang utang na loob ha. Dinala ka niyan sa sinapupunan for twelve months."
"Sira ulo. Ano'ng twelve months. Ikaw nga 'yang kulang sa buwan kaya ka ganyan."
Tumawa lang siya. Pagkatapos ay nasa anak ko na naman lahat ng atensiyon niya. Hinahalikan niya sa pisngi ng paulit-ulit si Alex.
"Laaaab na lab ka talaga ni tinang. Kapag lumaki ka na, lahat talaga ibibigay ko sa'yo. Kaya kapag may gusto kang lalaki baby, kay tita ka lumapit. Hindi ako magdadalawang isip, ibibili kita."
Alam niya talagang sasapakin ko siya kaya tumakbo na palayo ang timang.
"Kuya Uno! Sundan niyo na agad si baby Alex!" Sigaw nito mula sa baba. Grabe talaga, hindi nagbago si Daniella kahit na tumaas ang edad niya. Consistent sa pagiging loka-loka at pagiging hyper niya.
"Ba't ka ba badtrip na badtrip sa kapatid mo? E halos gabi-gabi nami-miss mo 'yan." Sita ni Uno sa'kin.
"Paano ba naman kasi, kung ano-ano ang sinasabi e." Pagdadahilan ko.
"She's trying to make you smile, Gab. Well, anyway. I have a little something for you."
Uno handed me a beautifully ribonned box. It was a wristwatch.
"Thanks, love. But you know that I am really not into expensive things. Maliban sa'yo, ikaw lang ang mahal na gusto ko."
Tumawa si Uno sa ka-cheesy-han ko pero mayamaya pa ay hinalikan niya ako sa pisngi ng paulit-ulit habang nakayakap parin sa'kin mula sa likuran.
"Thank you Gabriella. Thank you for being the best wife and mother. Alexandra and I can never thank you enough for taking care of us. We appreciate everything you do, love. We love you."
"I love you too."I replied with a smile. "Thank you for giving me my little Alexandra and for having you for the rest of my life."
"You're welcome." He whispered mischievously. "Bigyan na natin ng kapatid si Alex."
We both laughed before sharing one passionate kiss. Just so you know, we didn't do it. We can't make it to the bed because there were too many balloons. I smirked victoriously. I just found a reason to stop my husband from his flirtations. He's so good at that. And meee? Nah. It's always my weakness.
It's a happy life; a life blessed beyond measure. I have a wonderful family of in-laws, happily in-love bestfriends, a joyful father, an annoying but adorable sister, a faithful husband and a very beautiful daughter.
Surround yourself with love. Just love.
~ Fin. ©
Glory to God.
BINABASA MO ANG
TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fiksi Penggemar[The Palmer Brothers: UNO] I was just heartbroken one night. In the morning when I woke up, I was naked. Then, my world ended.