Akala ko okay na kami ni Uno pagsapit ng bukas. Siguro, okay naman talaga kami. Hindi lang siguro ako sanay na hindi na siya tumatawag para lang marinig ang boses ko. Mula no'ng umalis siya ng bahay dahil sa nangyari sa kwarto, hindi ko pa narinig ulit ang boses niya. Nagte-text lang siya every night and every morning. Naaasar ako sa kanya kaya hindi ko siya nire-replyan. Nagsorry naman na ako sa kanya ng ilang ulit. Hindi ba dapat okay na kami?
Gabbi, ang praning mo! Okay nga lang kayo. Ikaw lang ang nag-ooverthink at nag-iinarte dahil hindi ka tinatawagan. Napakademanding mo ng oras at attention! Paano kung busy? Tsk.
"Ang lalim ng iniisip a? Hindi ko masisid, Gabriella!"
"Bowie? Hooooy!" Tumayo ako para salubungin siya. "Ano'ng ginagawa mo dito?"
"Sinusundo ka po, mahal na prinsesa."
"Ha? Sa'n ba tayo pupunta?"
"Tambayan." Sagot niya sabay lingon sa nakaparada niyang bike sa 'di kalayuan.
"Wooo? Marunong ka ng magdrive sigurado ka?" Paninigurado ko. Big bike pa naman 'to. "Dati, mas magaling pa akong magbisekleta kaysa sa'yo."
"Come on Gabriella. Let me get you out of here. Dinadamutan mo naman ang isla sa kagandahan mo e." Saad pa niya bago ibigay sa'kin ang helmet.
"Alright. Magpapaalam lang ako saglit kay tatay."
Gaya ng sinabi ni Bowie, pumunta nga kami sa dati naming tambayan. Dito kami tumatambay noon bago umuwi galing sa skwela kapag hindi namin kasama si Clinkz. Bantay sarado kasi 'yon ng mommy niya. May sundo 'yon parati. Kami lang ni Bowie ang pumupunta rito. Nasa tuktok kami ng mabatong bundok. May mga malalaking bato do'n na inuupuan at inaakyatan namin dati.
"Akalain mo 'yon Bogs, dati pangarap mo lang magkaroon ng bigbike. Ngayon meron ka na. Paano ka binilhan ni tito Leander?"
"Sos. Alam mo naman 'yon si papa. Kapag cool tingnan ang anak niya, gagastos talaga.Kasi nga rockstar siya no'ng kabataan. Tss." Umiiling na kwento niya. Totoo naman. May banda ang papa niya no'ng kabataan. Sikat pa nga e. Nagkaalbum ito hanggang sa madisband sila dahil nag-solo ang vocalist nila. Drummer din si tito Leander gaya ni Bowie.
"Pasalamat ka sa papa mo. Mukha ka kayang ewan no'n. Ako lang talaga ang tanggap ka ng buo kahit gano'n ang pagmumukha mo. Napilitan lang 'yang si Clinkz." Pagbibiro kong nagpa-akto sa kanyang tinamaan ng espada sa puso.
"Ang sakit no'n Gabriella." Aniya pa. "Pero aminin mo, ang gwapo ko ngayon?"
"Medyo lang."
"Sos. Ayaw pa umamin." Inirapan ko siya. Tumawa lang ang mokong. "So? That Uno Palmer? Mapagkakatiwalaan ba 'yon?"
Napangiti ako sa tanong niya. Ganito talaga 'tong si Bowie. Super-protective. Kung hindi nga lang 'to nagpuntang Amerika after 2nd year highschool, hindi siguro ako magkakaboyfriend. Mas strict pa 'to kay tatay e. Ang pag-alis niya ng bansa ang isa sa maraming dahilan kung bakit nawalan kami ng communication. Remember, hindi naman ako nagpe-facebook.
"Mahal mo na?"
"Magbo-boyfriend ba ako kung hindi ko mahal?"
"Ang swerte ng gago'ng 'yon a." Ngumisi siya. Nakaupo kami sa tig-isang bato kaya malayo kami sa isa't isa. Mayamaya ay tumabi siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. "Masaya ako para sa'yo Gabriella. Basta, 'wag mong kakalimutan ang sarili mo, ang mga pangarap mo. Iingatan mo palagi ang sarili mo."
Isang matamis at malapad na ngiti ang kumorba sa labi ko bago ko siya niyakap.
"Mahal na mahal kita. Para na kaya kitang kapatid." Dugtong niya sabay gulo ng buhok ko.
BINABASA MO ANG
TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfic[The Palmer Brothers: UNO] I was just heartbroken one night. In the morning when I woke up, I was naked. Then, my world ended.