10. Love, Gab

6.3K 173 31
                                    

Kanina pa ako nakahiga sa kama pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Palibhasa kasi, nakokonsensiya akong nasa sahig si Uno. Hindi niya naman kailangang do'n matulog kasi siya naman ang may-ari ng condo.

"Gabriella, are you still awake?"

Nang marinig ko ang boses niya, pumikit agad ako at nagkunwaring tulog. Nararamdaman kong bumangon si Uno at tinitingnan ako. Ang hirap pala maging artista. Haha.

"Gabbi, I know you're not sleeping."

"Uno, magpatulog ka nga ng tao!" Pagda-drama ko saka bumalikwas ng higa patalikod sa kanya. Hindi ko kasi mapigilang ngumiti at hindi niya dapat makita 'yon.

Ang gago, tinutusok-tusok niya ng hintuturo niya ang gilid ko.

"Uno, ano ba?"

"I know you're not sleeping." Tumatawang sabi niya habang pinapatuloy ang pagkiliti sa'kin.

Nang hindi ko na matiis ang ginagawa niya, humarap ako para hulihin ang kamay niya. Ilang minuto naming ginagawa 'yon na parang mga timang. Nang mapatitig ako ng hindi sinasadya sa mukha ni Uno, na-paralyzed ako. Tuwang-tuwa siya kasi. Ngayon ko palang siya nakitang tumatawa tulad ngayon, walang kapilyuhan. Talagang masaya lang.

"Unoooooo!" Napasigaw nalang ako nang hilahin niya ako pabagsak sa sahig. Akala ko ay mabubugbog na naman ang puwet ko do'n, buti nalang sa katawan niya ako bumagsak. Niyakap pa nga niya ako.

"Kwentuhan muna tayo Gab."

Itinulak ko siya at umayos ng higa sa tabi niya. Tumagilid si Uno at tumitig sa'kin. Inirapan ko siya bago ako tumagilid para magkaharap kaming dalawa.

"Wala akong magandang kwentong baon rito. Hindi mo naman sinabing kailangan mo ng bedtime stories para makatulog ka," Panunudyo kong nagpatawa sa kanya. "Ikaw nalang, kwentuhan mo 'ko."

"What do you want me to tell you?"

"Kahit ano... pero 'yong masaya lang ha? Ayokong nalulungkot e." Pag-amin ko. Kaya ako nagtatapang-tapangan kasi iniinda ko lang kapag sobrang sakit na. Ayokong maramdaman ang sakit at lungkot kaya niloloko ko ang sarili ko. Tinitiis ko ang sakit.

"I don't like that too."

"Ha? Ang alin?"

"Ang malungkot ka." Saad niyang nagpangiti sa'kin.

"Ako gusto ko ng malungkot ka."Pagbibiro ko para alisin ang napakaseryosong atmosphere. "Para mabawasan naman ang pagka-gwapo mo."

Nagulat ako dahil ngumiti siya ng malapad sa sinabi ko. Masaya pa siya no'n? Na gusto ko siyang malungkot? Tsk. Para talagang ewan 'tong si Uno.

"Gwapo ako, Gabriella? Is that what you mean?"

"Ha? Akala ko ba alam mo na 'yon." Sagot ko, umaaktong normal kahit ang totoo ay kinakabahan.

"Yes, I know that. Akala ko lang hindi mo napansin."

"Matulog ka na nga lang, Uno."

Tumango siya. "Can I have a goodnight hug?"

"Ano? Walang gano'n Uno—" Natahimik ako dahil niyakap na niya ako. He even kissed my forehead.

"Goodnight, Gabriella."

He-He. Goodnight? Goodnight Uno? Paano ako magkakaroon ng good na night kung kinukulong mo 'ko sa bisig mo? Hindi nga ako makagalaw! Hala siya, walang pakialam. Umidlip na yata.

"Uno?" Hindi siya sumagot. "Uno?"Tawag ko ulit.

Baka tulog na talaga Gabbi. Wag ka ngang nanggigising! Para kang timang diyan e.

TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon