Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Malulungkot ba dapat ako? Masasaktan? Magagalit? Kasi ang totoo, gusto kong magalit pero feeling ko wala naman akong karapatang maramdaman 'yon. Bakit wala Gabriella e ikaw ang sinabihang mahal ka! May karapatan kang magalit—
"Gabriella?" Patakbo na lumapit si Uno sa'kin. "Hey? Ba't ka nag-iimpake?"
Nagtatanong pa siya? Huh! Sa sobrang inis ko ay sinampal ko siya ng malakas.
"Wag mo akong pipigilan! Nakakarindi ang boses mo! Sinungaling ka! Ang gago mo! Napakagago mo Uno! Sinungaling ka!" Sinuntok ko siya ng paulit-ulit pero nasasalo lang niya 'yon. Ang mas nakakainis, kahit nagpumiglas ako ay nakuha niya akong yakapin. "Bitiwan mo 'ko Uno!"
"Gabriella, where is this coming from? We were fine before you left—"
"Maybe because I really never left!"
"Hindi ka umuwi?" Binitiwan niya ako at tinapunan ng masamang tingin. "Sa'n ka nagpunta buong araw? Gab, you don't have to lie to me."
"Ang kapal talaga ng mukha mo!" Sinampal ko ulit siya, hindi parin siya nakaiwas. "Nakita kita Uno! Ang tanga-tanga ko talaga! Kasalanan ko bang hindi ko alam na may anak at girlfriend ka pala! Uno, ang gago-gago mo!"
"What are you talking about?" Kung maka-deny ang gago, kapani-paniwala talaga. Siguro kung hindi lang nakita ng dalawang mata ko? Malamang, naniwala na ako sa kanya. "Gabriella? Sabihin mo naman sa'kin."
"Ang galing mo Uno! Ilan kami ha? Ilan kaming ikinama mo, tinakot mo para maging babae mo?"
"Ano ba naman 'yan Gab? Ano ba'ng tanong 'yan? Where's that coming from?"
"Nagmamalinis ka ngayon? Hindi ba 'yan naman ang ginawa mo sa'kin?" Huminto ako sa pagsumbat para humugot ng malalim na hininga. Naninikip ang dibdib ko.
"Gab? Gabriella, come on! Don't do this to me. Ano ba'ng nangyayari?"
"Ang sakit-sakit Uno. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko!"
"You're not. Baby, please tell me. Ano ba'ng mga pinagsasabi mo? Ano'ng anak? Ano'ng babae?"
"Sinundan kita Uno! Sinundan kita! Kita ng dalawang mata ko! Kasama mo 'yong babae mo! Binilhan mo pa nga ng bulaklak!" Humagulhol ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. "Nakakainis. Ang cute-cute ng anak mo. Manang-mana sa'yo."
Bwiset! Ba't siya tumawa? Ano'ng nakakatawa?
"Gabriella, you're so ugly when you cry."
Ah! Nakuha pa niyang manglait sa'kin! Hinablot ko ang hanger na namataan ko. Pinaghahampas ko siya no'n sa sobrang asar.
"Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal ng mukha mo! Gago ka Uno! Gago ka! Sana 'di ka nalang inere ng mommy mo! Sana nagcontraceptives nalang sila! Gago ka!" Sigaw ko habang panay ang paghampas ko sa kanya.
"Gab, tama na. Nasasaktan na ako." Tumigil ako at kinuha na ang maleta ko para umalis nalang. "Gabriella, pinsan ko 'yong bata! At asawa ni tito Levi 'yong babae."
"Ang galing mong magsinungaling. Tama na nga Uno."
"Gabriella, if only you aren't so cute in my eyes right now, I would have been pissed off. Bumalik ka dito. Come on."
Pinsan niya 'yong bata? Asawa ng tito niya ang babae? Wait. Kung sabagay, hindi ko naman nakitang hinalikan niya ang babae. Siguro kaya nasa kanya ang bulaklak dahil... pinahawakan? Pero para kanino 'yong bulaklak?
Nilingon ko si Uno pero wala na siya sa pasilyo kaya bumalik nalang ako ng kwarto. Napatingin ako sa bulaklak na nasa mesa. Dammmmmnit Gabbi.
BINABASA MO ANG
TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfic[The Palmer Brothers: UNO] I was just heartbroken one night. In the morning when I woke up, I was naked. Then, my world ended.