Hindi ko sinabi kay tatay at Danni ang pag-uwi ko ng isla. Bumalik akong mag-isa dahil gusto kong kasama ang sarili ko. Ilang taon na ba ang lumipas mula ng huling nandito ako? Nine or ten years na. Ang tagal na ano? Ang dami ng nagbago... halos lahat maliban sa bahay namin na ayaw kong may mabago kahit na isa.
"Gabriella?"
Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Kilala ko kasi ang boses kahit na naging mas modulated 'yon kaysa dati.
"Sabi ko na nga ba e. Ikaw nga."Nakangiting wika ni Bowie. Niyakap niya ako saka ginulo ang buhok ko gaya ng dati niyang ginagawa. "Alam mo, kahit siguro isang strand ng buhok mo makikilala ko. Dumaan lang ako e. Nagjo-joyride mag-isa tapos namataan kitang nakatayo. Ba't hindi ka pumasok?"
"Hindi na. Aalis narin naman ako. Babalik na ako ng Maynila."
"Ang tagal na nating hindi nagkita Gabbi, ten years din ano? Mukhang, bigatin na a. Mukhang natupad mo talaga lahat ng pangarap mo. Masaya ako para sa'yo."
"Salamat."
Niyakap niya ulit ako. In that moment, I needed it so I hugged him back.
"Bago ka umuwi, baka gusto mong pumunta muna sa tambayan? May ikukwento din kasi ako sa'yo." Yaya niyang hindi ko na hinindian. Nakangiti akong nakaupo sa malaking bato habang tinitingnan ang mga bahay at pananim sa ibaba ng bundok. Marami pa palang hindi nagbago sa isla.
"Ano ba'ng gusto mong ikwento? Kumusta ka na nga pala?"
Ngumiti si Bowie ng isang malungkot na ngiti. Napaayos tuloy ako ng upo habang nakatitig sa kanya at naghihintay sa sasabihin niya. Mayamaya ay itinaas niya ang kamay niyang may singsing.
"Wow. You're married!" I cheered gleefully.
"Oo Gab. Limang taon kaming kasal." Kwento niya sa naiiyak na tono. "Mahal na mahal ko ang babaeng 'yon. Georgie. Yon ang pangalan niya. Alam mo Gab... ang hirap tanggapin. Kasi lahat ng pangako niya, binali lang niya. Hindi lang siya sa'kin nangako Gab, pati sa Diyos." Lumuluhang kwento niya. Lumapit ako at niyakap siya.
"Where is she?"
Ngumiti siya ng mapait bago sumagot. "Kasama si Clinkz."
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang marinig ang sagot niya. Si Clinkz? Si Clinkz na kasama naming lumaki?
"Oh God." Nasambit ko nalang. "Alam kong iba ang pinagdaanan natin Bogs. Pero alam kong walang pagkakaiba ang nararamdaman mong sakit sa nararamdaman ko. Kahit naman maliit o malaki, pag masakit, masakit talaga." I cried out. "I'm sorry to hear it. At alam mo, proud ako sa'yo. Proud ako na hindi ka nagbago. Hindi mo sinira ang buhay mo."
Ilang minuto ang lumipas, sa damuhan na kami nakaupo, nakasandal ang mga likod sa malaking bato. Walang nagsasalita sa'min. Pinapakiramdaman lang namin ang mga puso naming nawawasak pero hindi tumitigil sa pagtibok. Mayamaya ay napalingon kami sa isa't isa at sabay naming tinawanan ang mga sarili namin.
"Nakakatawa ka parin kapag ang seryoso ng mukha mo." Bulalas kong nagpasama ng tingin niya. "Ang pangit mo parin kapag umiiyak, Bogs."
"Pasalamat ka maganda ka kahit ano pang iyak ang gawin mo." Tumatawang sagot niya. "Gabriella, may naaalala ako."
"Ano 'yon?"
"Yong huling nandito tayo? Naalala mo pa?" Tumango ako. Napakunot ako ng noo nang tumayo siya at may hinahanap na bato tapos nang makita ito ay tinawag niya ako. "Yong gusto kong ipakita sa'yo na hindi ko tinuloy? Nandito."
Napakunot siya ng noo nang hindi ko man lang sinubukang silipin. Tiningnan ko lang ang mukha niya.
"Nakita ko 'yan no'ng araw na 'yon Bogs."
BINABASA MO ANG
TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETE
Hayran Kurgu[The Palmer Brothers: UNO] I was just heartbroken one night. In the morning when I woke up, I was naked. Then, my world ended.