Chapter 1

4.2K 133 36
                                    

Kasalukuyang nag hahabol ng oras ngayon si dei papuntang school niya dahil mahuhuli na siya sa kanilang klase.

Ang school nila ay isang napakainterisadong lugar dahil maraming mababait, maloko, talentado at iba pa. Pero isa ang pinakapangit sa eskwelahang ito ay ang mga Gang na halos pumatay na ng tao.

Kaya maingat na nag lalakad si dei patungong classroom nila hindi dahil lampa siya kundi dahil isa siya sa pinagkakainitan ng isang kilalang gang. Minsan nga umuuwi siya ng sugatan at puro pasa dahil sa pam bu-bully sakanya ng kilalang grupo rito sa school ang 'The Spice Gang" pinamumunuhan ni Nicole at ang iba pang kasamahan niya.

Habang naglalakad siya papuntang classroom nila, biglang may bumunggo sakanya dahilan para mabitawan niya ang mga libro niya

"Oh? Hello Ms. Lampa!" Pang-aasar ni Nicole kay dei

Hindi na umimik pa si dei at pinulot na rin ni dei ang kanyang libro. Lalakad na sana siya ng biglang may humila sa buhok niya sabay sampal pag harap niya

"Wala na ba talaga kayong magawa?! Bakit ako nalang lagi ang trip niyong saktan?!" Pasigaw habang umiiyak na saad ni dei

"Aba! Sumasagot na si Ms. Lampa oh?!"

"Kaya mo na kami?!"

"Upakan na kaya natin ito?!"

Kantyaw ng mga kasamahan ni nicole

Natakot naman si dei sa mga narinig niya, isang dahilan ay takot siyang upakan at takot siyang umuwi ng puro pasa at sugat dahil alam niyang pag sasabihan nanaman siya ng mama niya

"Wag!" Takot na saad ni dei dahil papalapit na ang mga ka grupo ni nicole sakanya

Pero hindi sila nakinig kay dei kundi tinuloy nila ang plano na saktan ulit si dei

Tadyak diyan, tadyak doon. Sampal at suntok. Yan ang mga ginagawa nila kay dei na nanghihina dahil sa lakas ng mga natatamo niyang mga tama sa grupo ni nicole. Dahil na rin may hika si dei, unti unti niyang naramdaman na kinakapos na siya sa pag hinga at tuluyan na nga itong nawalan ng malay dahil sa hirap nitong natatamo

Natigilan ang mga kasamahan ni nicole ng mapansin nilang wala ng malay at puro dugo ang mukha't katawan ni dei kaya naisipan nilang itigil na ang pang bugbog dito.

Nilagay nalang din nila si dei sa gilid ng garden at iniwan na doon na para bang walang nangyare

Ilang saglit may mag kakaibigang pumunta sa garden dahil dun raw nila pag uusaan ang projects nila

Umupo sa gilid si valeen, patricia, sam at jerald. Mahuhuli pa raw ang dating ni richard dahil nag banyo muna ito. Sisimulan na sana ang meeting ngunit may napansin si valeen sa kabilang gilid na nakahiga

"OMG! Guys tingnan niyo! May sugatan dito sa gilid!!" Gulat na saad ni Valeen sa barkada. Nilapitan naman nila lahat ito at tinitigan mabuti ang dalaga

"Im sure pinagkainitan nanaman siya ng mga gang dito. Salbahe talaga sila." Sabi naman ni Sam

"Tara na guys! Buhatin na natin!!" Nag mamadaling saad ni Patricia

"Hoy!! Ano tutungangahan niyo tong babae? Maging gentleman naman kayo!" Saad ni valeen sa dalawang lalake

_________

Rj's POV

Natapos na akong mag banyo at lalabas na sana ng may kumausap sakin. Si coach!

"Richard, Intrams na natin nextweek baka gusto mo ulit maging player ng basketball? Kasi ang galing mo eh" Sabi ni coach habang inaayos ang kaniyang damit.

My Bestfriend, My Husband ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon