Chapter 10

1.1K 83 16
                                    

Teddy's POV

Nang hindi ako mapakali dahil hindi pa umuuwi si mary ay nag alala na ako. Kilala ko ang asawa ko at kaya niyang saktan ang anak namin. Kaya nag palit ako ng panglabas tsaka umalis at nag tungong hospital.

Nang makarating ako sa room ni dei, pag bukas ko, nagulat ako ng walang nakahiga sa higaan niya pero natuon ang pansin ko sa kabitan ng dextrose na naka tumba na nang sundan ko ang dextrose ay laking gulat ko ng makita ko ang anak ko. Kaya tinakbo ko ito.

"Anak! Dei!" Tapik ko sa mukha niya pero ayaw niyang magising. Nakita kong medyo nag kukulay ube siya kaya binuhat ko muna siya at ibinalik sa kaniyang kama.

Gigil na gigil ako sa kung sino amn ang may gawa neto sa anak ko. Pero ngayon pa lang, alam ko na kung sino. Kaya mabilis kong tinawag ang doctor at mga nurse para tingnan ang lagay ng aking anak. Pumunta muna ako sa gilid dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung mawala ang anak ko sa akin. Tsaka kapos na kami sa pera, bahala na. Uutang nalang ako sa aking mga kaibigan. Nakakahiya man, kakapalan ko ang aking mukha para lang sa aking anak. Nang hindi ko na napigilan ang galit, nasuntok ko ang pader na nasa harapan ko, dumugo man ang kamay ko wala akong paki alam at kulang pa itong sakit sa kamay ko sa nararamdaman ni dei ngayon. Magbabayad ang may gawa nito sa anak ko.
Nabalik ako sa wisyo ng biglang magsilabasan ang mga nurse at ang docotr ni dei. Doon pa lamg kinutuban na ako.

"Doc. Kamusta po yung kalagayan ng anak ko? Maayos lang po ba siya?" Nag aalala kong tanong sa doctor habang tumutulo ang luha sa aking mata.

"Kumalma po kayo. Pero sa ngayon hindi maganda ang lagay ng bata. Mahina ang katawan ng anak niyo kaya kailangan talagang tutukan. Gagawin namin ang aming makakaya. Pero sa ngayon sa ICU muna namin siya dadalhin"

"Sige po. Basta gumaling lang ang anak ko."

"Pero sir. Paano napunta ang anak niyo sa baba? Tsaka napansin namin na humina ang pulso niya kanina, at parang nag kukulay ube ito. Sa pag kakakita namin sa anak niyo kanina, may sumakal dito kaya nawalan ng hangin ang anak niyo"

"Doc may CCTV naman sa kwarto ng anak ko diba. Baka pwedeng i-check natin. Malalagot ang may gawa nito sa anak ko"

"Meron po. Sige po. Ipapasama ko nalang kayo sa isa sa mga nurse."

"Niki, pakisamahan mo nga si sir sa CCTV room." Utos nito sa isang nurse

"Sige po doc. Tara na po sir" sabi ng nurse

"Maraming salamat doc. Sige tara na"

"This way sir" turo ng nurse sa daan papuntang CCTV room.

Ngayon mag babayad ka kung sino ka man.
Pag pasok namin sa cctv room area ay dali dali kong kinausap ang nandito.

"Sir, pwede naming i-check ang cctv sa room 163?

"Sure po sir. Wait lang po." Sabi nito

"Sige. Maraming salamat" sabi ko

"Sir mauna na po ako." Sabi ng nurse na sumama sa akin

"Oh sige sige. Salamat ah" sabi ko rito

"Sir, ito na po ying CCTV footage sa room 163" turo niya sa screen kaya agad akong lumapit sa kaniya

Nakita ko na nakaupo at gising ang anak ko sa oras na yon. Pero may isang nurse na pumasok at natuon doon ang pansin ni dei.
Nakita naming nag uusap sila pareho pero nakikita ko sa mukha ng anak ko na hindi niya gusto ang kausap. Pero nagulat kami ng biglang pilitin ng nurse si dei at naka hawak na ito sa kamay ni dei upang hindi maka galaw. Nakita ko namang lumaban si dei. Tinadyakan niya ang nurse sa tiyan ngunit malakas ang babae kaya tinulak niya si dei, dahilan para matumba ang lagayan ng dextrose ni dei at kita kong nanghina ang aking anak sa pagkaka tulak niya. Nagsimula na akong atakihin ng galit nang makita ko ang buong pag mumukha ng nurse. Este nag papanggap na nurse. Pagbabayaran ni mary ang ginawa niya sa anak ko! Natuon ang pansin ko kay mary na inupuan niya ang tiyan ni dei at sinakal ito. Tama nga ang doctor kaya nawalan ng hangin ang anak ko ay dahil sa pag kakasakal. Kanina lang ay sinasakal niya si dei, ngayon naman kumuha siya ng unan at inilagay sa buong mukha ni dei upang hindi ito makahinga. Awang awa ako kay dei. Dapat hindi ko nalang pinabayaang si mary lang ang pumunta kay dei. Nakita ko si mary na habang nakalagay ang unan sa mukha ng anak ko ay sinasakal na rin niya ito. Ngunit nakita kong pumapalag pa si dei at may isinigaw ngunit hindi ito malinaw pakinggan. Pagkatapos sumigaw ni dei ay siyang mas nilakasan ni mary ang pag pwersa siya para mawalan ng hininga si dei. Pag katapis noon ay napapansin naming hindi na gumagalaw si dei. Pagtanggal ni mary ng unan sa mukha niya ay kulay ube na ito kaya dali dali niyang ipinunta sa gilid si dei upang hindi ito agad mapansin.

"Sir. Kailangan niyo na pong pumunta sa police station at ipakulong ang may gawa nito" sabi ng taong nasa harapan ko

"Dapat lang. Sige ipapakulong ko ang babaeng yan. Kahit na asawa ko pa yan" mahinang sabi ko sa salitang yun. Dahil nakakahiya pero sa kasamaang palad, narinig ito ng nasa harapan ko.

"Po? Asawa niyo po yun?" Gulat na tanong nito.

"O-oo" tipid kong sagot

"So anak niyo po yung nandito sa ospital?" Tanong naman ng isa

"O-oo" ulit kong sagot

"Paano niya po nagagawa sa sariling niyong anak yun."

"Ewan. Pero kailangan niyang makulong"

"Tama po."

Umalis na ako sa CCTV room. Imbis na pumjnta na ako ng Presinto, naisipan ko munang dumaan sa ICU. Room number 32

Naaawa ako sa lagay ng aking anak. Dapat ako ang nandiyan. Masyado nang mahirap at masakit ang kaniyang sinapit. Nag palit muna ako ng hospital wear para hindi malagyan ang kwarto ni dei ng bacteria, ngunit hindi ito maiiwasan.

Lumapit ako sa kaniya at hiwakan ang kaniyang kamay.

"Anak, Dei. Mag palakas ka ah? Tsaka wag mong iiwan ang tatay. Mahal na mahal kita. Pag babayaran ng walanghiya mong ina sa ginawa niya sa iyo. Mag pagaling ka. Ang tatay ang gagawa ng paraan" sabi ko sakaniya habang tumutulo ang mga luha ko sa aking pisngi..

**********

1068 words for tonight loves!

Good evening loves💕
Hello po! Sorry mga loves. Na-late sa pag update pero eto na po💜

My Bestfriend, My Husband ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon