Chapter 29

865 70 22
                                    

Valeen's POV

Nung may tumawag saking pulis alas 3:00 na kaya tinulog ko muna. Pero ngayon tinawagan ko yung tumawag sakin na pulis at tinanong kung sino at saang ospital sila.

"Hello maam" sabi sa kabilang linya.

"Hello. Kuya saang ospital kayo at sino bang kaibigan ko yung sinasabi niyo?" Tanong ko dahil nag aalala na talaga ako. Pero may naaalala ako. Birthday na pala ni dei bukas. Kailangan kong puntahan si Pat mamaya.

"Dito po sa Richards Hospital. Si Dei Mendoza po. Kaya kayo po yung tinawagan namin dahil number mo ang nakita namin sa wallet niya." Paliwanag ng police

"A-anong ba-bang nangyari kay dei?" Natataranta kong tanong

"Maam mamaya nalang po namin ipapaliwanag. Ang mahalaga po ay pumunta na kayo dito.

"Sige po. Salamat" agad kong pinatay ang tawag at tinawagan si pat para siya ang kasama ko pumunta sa ospital kung nasan si dei.

"Hello pat!"

"Ano?! Ang ingay naman ng bungad mo. Ano bang problema mo?" Tanong niya.

"Si dei nasa ospital! Puntahan natin." Sabi ko nagulat naman siya

"What?! Bakit siya nandun? Anong nangyari sakaniya?!"

"Teka mahina ang kalaban pero may tumawag kasi saking pulis. And nasa Richards Hospital daw sila. Tara na. Magkita tayo sa harap ng Bailey's coffee shop" pinatay ko na ang tawag at pumunta na sa coffee shop.

*************

Nandito na ako sa coffee shop at natatanaw ko na si pat na tumatakbo.

"Tara na dali!" Sabay kaming tumakbo para maghanap ng taxi sa bandang gilid.

Rj's POV

Sa kabilang dako naman. Si Rj ay inaasikaso pa rin si Kamri kahit na wala na sila sa ospital. Nang naisipan niyang pumunta muna sa Bailey's Coffee Shop para bumili ng Mochaccino frappe ay nakasalubong niya sina Pat at Val na tumatakbo at hingal na hingal.

"Oh val, pat. Bakit kayo tumatakbo?" Tanong ko ng nakangisi. Para kasi silang hinabol ng aso.

"Hoy wag mo kaming tawanan kailangan namin makapunta sa Richards Hospital kasi nandun si dei!" Pagkarinig ko yun ay napatanong ako agad sakanila.

"Bakit? Anong nangyare sakaniya?" Nagaalala kong tanong

"Malay namin. Pulis lang yung tumawag samin eh. Bye na!" Tatakbo na sana ulit sila ng pigilan ko.

"Dito nalang kayo sumakay sa kotse ko. Sasama ako." Kaya naman ay sumakay na sila at agad kong pinaharurot ang sasakyan ko. Anong nangyari kay dei. Kagabi si Kamri ngayon si dei.

**************

Nang nandito na kami sa ospital ay tinanong namin sa nurse kung nasaan ang room ni Dei.

"Saan po dito yung room ni Miss Dei Mendoza?" Tanong ni patricia

"Ah maam sa Room 245 po." Sagot naman niya

"Ah sige. Thank you po" pagkatapos namin malaman ang room number ni dei ay tumakbo na kami agad para hanapin ang room niya.

Pagkahanap namin sa room niya ay agad naming binuksan yun. Nakita namin si dei na nakaupo at napatingin ito saamin.

"Dei ano bang nangyari sayo?!" Tarantang tanong ni pat

Pero wala kaming nakuhang sagot sakaniya. Nakita nalang namin na tumulo ang luha niya at walang tigil ito sa pag agos.

My Bestfriend, My Husband ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon