Dei's POVNandito na ako sa bahay at nanonood kasama si charie. Pumayag na kasi siya na dito na tumira sa akin kasi wala naman akong kasama dito tsaka ang boring kaya mag isa. Lalo na pag kumakain ako. Ang lungkot ng atmosphere.
"Ate anong gusto mong kainin? Magluluto na ako ng pananghalian natin." Tanong niya. Linggo kasi ngayon. Every sunday kasi laging nakasara yung coffeé shop para naman makapag pahinga din yung mga kasamahan ko.
"Ah gusto ko kasi ng sabaw. Sinigang nalang. At dahil favorite ko ang maasim, pwedeng asiman mo yung sinigang kesa sa mga regular sinigang?" Tanong ko kaya napatawa siya
"Opo naman ate dei. Sige luto lang ako. Manood ka muna diyan at mag nilay nilay" sabi niya habang tumatawa kaya napatawa ako.
Naaalala ko nanaman yung sinabi sa akin ni Rj. Noon ngang sinabi niya yun, hindi pa ako naniwala kasi palabiro yun eh pero nung sinabi niya na sa akin na seryoso siya, parang meron sa sarili ko na ang saya at kinikilig. Kasi salamat at natupad din yung iniimagine ko noong high school pa kami na sana someday magustuhan din niya ako. Ngayon ito na, dininig na ni papa god.
*Flashback*
Nandito kami ngayon sa kusina ko habang ako nag luluto ng order niya kasi dito daw siya mag b-breakfast eh. Ang kulit kasi ni RJ. Kaya sinabihan ko siya
"Costumer ka dito eh. Dapat pag silbihan kita." Sabi ko pero tumawa lang siya pero naging seryoso ulit. Hays baliw na yata to eh.
"Pag silbihan na parang asawa?" Loko niyang sabi kaya kaya hinapas ko siya sa braso
"Luh hahaha sira ka talaga" sabi ko nalang kasi nagulat ako sa sinabi niya pero itinawa ko nalang.
"Seryoso ako dei." Seryoso niyang sabi kaya napatigil ako sa pag aasikaso ng order niya. Tinawag ko muna ang kasamahan ko para siya muna ang mag asikaso sa order ni RJ. Hinila ko siya sa gilid at seryosong tumingin sa mga mata niya.
"Huy anong sabi mo kanina? Tanong ko
"Ang sabi ko seryoso ako. Dei, ayokong masira yung pag kakaibigan natin pero gusto kita. Hindi lang yata kita gusto kundi mahal na kita. Dei noon pa. Sana pagbigyan mo akong iparamdam sayo kung gaano kita kamahal." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin ng mata sa mata.
"Pwede ba kitang ligawan, Miss Dei Maine Mendoza?" Tanong niya ng mahinhin at may halong pag mamahal.
Sasagot na sana si ako ng biglang pumasok yung isang waiter at sumigaw dahil maraming nag oorder ng maichard's italian pasta at miss maine's coffeé.
Nakita ko sa mukha niya yung inis at pagka dismaya dahil ayun na eh sasagot na ako pero hindi pa natuloy.
"Rj, mamaya ko nalang sasagutin yung tanong mo huh? Labas tayo mamaya kapag hindi na busy" sabi ko nalang kaya naman ngumiti siya.
Nang makalipas ng mag hapon at ihahatid na niya ako sa bahay, hindi ako mapakali dahil naaalala ko nanaman yung sinabi niya kaya tinawag ko siya. Handa na ako.
"A-ah RJ. Yung tanong mo kanina. May sagot na ako dun" mahinhin kong sabi. Nakits ko naman ang ngiti sa kaniya mukha
"Talaga? So anong sagot mo sa tanong ko?" Tanong niya ng nakangiti. Kaya ngumiti rin ako at hinawakan yung kamay niya.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend, My Husband ✔
Hayran KurguRank 1 in #mainemendoza #dei #maiden #richardfaulkerson #patricia Isang normal na babae na nagkagusto sa gwapong nilalang. Paano kung ikasisira ng pagkakaibgan niyo ang nararamd...