New book cover of "My Half Sister"
Edited by: yours truly💎Dei's POV
Dalawang linggo na since nangyari yung pasabog ni Rj. Hays at habang tumatagal, talagang tumitibay kami. Buti nalang at walang humahadlang samin at sana hindi na umepal si Stacy.
Tsaka hindi ko pa pala nasasabi sainyo na ang ganda ng sorpresa sakin ni RJ. Siguro nasabi na niya sainyo pero nakaka excite talaga. Sabi niya yun daw yung pag sisimula namin. Eh kasi nakikita na namin yung future namin kasama ang isat isa. Sa pamamagutan ng bagay na yun, mag sisimula kaming mag ipon for our future.
Flashback
"Dei, Sana magustuhan no yan. Buksan mo dali." Sabi sakin ni RJ. May binigay kasi siyang envelope
Binuksan ko na ang envelope at binasa ang nilalaman nito. Sa ngayon, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ang saya saya ko.
"Totoo ba ito?" Tanong ko sakaniya. Tumango siya at lunapit sakin para yakapin ako.
"So kailan mo balak simulan ipatayo tong plano mo?" Tanong ko sakaniya
"Hindi muna ako nag simulang mag plano kasi tayong dalawa ang mag iisip at mag p-plano dahil tayong dalawa ang may ari ng restaurant na ipapatayo natin" paliwanag niya.
"Tsaka ang ganda ng naisip mong pangalan ah. 'Maichard's Delightful Restaurant' galing naman ng love ko" pang lalambing ko
"Syempre naman. Siguro after 3 days, mag p-plano na tayo about sa resto. Okay, nagustuhan mo ba yung surpresa ko sayo?" Tanong niya
"Ako ba niloloko mo RJ? Syempre naman!" Sigaw ko haha
"Happy ka?" Tanong ulit niya. Napatigil naman ako sa pag tawa at nginitian siya ng matamis.
"Happy" tipid kong sagot habang nakangiti at naka tingin ng diretso sa kaniyang mga mata.
Tahimik lang kami at pinapakiramdaman ang isat isa. Wala kaming masabi sa mga nangyayari samin dahil sobrang blessed na kami. Isang taon na kami ni Rj, sa samahan naming isang taon, hindi mawawala ang samaan ng loob pero mas lamang ang saya lang sa aming relasyon.
Dalawang branch na rin ang coffee shop ko. Nakaka tuwa nga eh at ngayon, mag kakaroon na kami ng restaurant ni RJ. Nag papasalamat talaga ako kay papa god. At nag papasalamat din ako kay RJ dahil lagi siyang nanjan sa tabi ko.
End of Flashback
Nag uusap kami ngayon ni RJ ng tumawag si mama sakin kaya sinagot ko ito agad.
"Anak, pwede ba tayong lumabas? May ipapakilala lang ako sayo." Request ni mama
"Uh mag papaalam po muna ako kay RJ. Medyo marami po kasi kaming inaasikaso para sa ipapatayo naming restaurant."
"Ah sige bye muna. Mag aayos lang ako saglit. Bye" sabi naman niya at pinatay na ang tawag.
"RJ uhm may ipapakilala daw sakin si mama eh. Inaaya akong lumabas. Pwede ba?" Tanong ko sakaniya
"Oo naman pero hayaan mo akong ihatid at isundo kita sa pag kikitaan niyo" pag insist niya at ngumiti pa kaya ngumiti rin ako at nag palit na.
Nag text na muna ako kay mama na papunta na ako sa mall na pag kikitaan namin. Ewan ko ba kung sinong ipapakilala niya.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend, My Husband ✔
FanfictionRank 1 in #mainemendoza #dei #maiden #richardfaulkerson #patricia Isang normal na babae na nagkagusto sa gwapong nilalang. Paano kung ikasisira ng pagkakaibgan niyo ang nararamd...