Hello po! Good morning🤗 Medyo maagang update muna😂
************
Dei's POV
"Mahal, kilala ko ang anak natin, hindi siya nakikipag away."
"Ma. Pa tama na yan. Mano po."
"Akyat na po ako sa kwarto"
Matamlay kong sabi"Mag usap tayo mamaya dei" Sabi ni mama sakin
Alam ko namang sesermunan nanaman niya ako kahit hindi naman niya alam ang totoong pangyayare
Pagka pasok ko sa kwarto agad akong sumalampak sa kama ko... Hayss ang sakit ng katawan ko para akong lalagnatin na ewan. Mag papahinga muna ako ng konti bago mag maglinis ng katawan ang sakit kasi talaga ng katawan ko.
Pag gising ko kahit ayoko pa namang gumalaw masyado dahil nanghihina ako, hindi pwede baka mas lalo akong pagalitan ni mama. Kaya habang wala pa si mama nag ayos na ako ng sarili at niligpit ang ilang gamit ko.
Nang mapagod ako, humilata nalang ako sa kama at natulog ulit. Hindi na ako kakain kahit wala pa naman akong lunch kanina.
Nagising ako ng maramdaman kong may pinapahid sa aking mga sugat, Taena ang hapdi! Agad kong minulat ang mata ko para makita kung ano yun.
Sila mama at papa, ginagamot yung sugat ko. Masaya ako sa nakikita ko pero nag tataka ako, kailan pa naging concern sakin si mama?
"Ahhh!" Daing ko ng biglang diniinan niya ang pag pahit saking mga sugat
"Ma naman masakit"
"Sorry naman" malokong sabi ni mama
"Anak sino ba may gawa sayo niyan?" Saad ni papa
"Sino pa po ba? Edi yung grupo nanaman nila nicole"
"Anak bukas pupunta kami ng school. Ipapa kick out na namin yang mga yan"
" Pa hindi mo sila basta basta mapapa kick out basta basta. Malapit na kamag anak nila ang may ari ng school."
"Ah ganon ba? Basta ipapa guidance nalang namin sila. Hindi naman sakanila yung school eh. "
"Pa wag na. Baka mas lalo pang uminit yung ulo nila sakin"
"Ako ang bahala anak"
"Oh tama na yan. Kumain na tayo" Putol ni mama samin ni papa
"Ma, Pa. Hindi po ako kakain. Busog pa po ako"
"Sige mag pahinga kana anak. We love you sweetie" Malambing na sabi ni papa
"Good night pa. I love you too"
"Good night ma. I love you"
"Sige na" Walang ganang sabi ni mama
Pagkalabas nila mama at papa napaisip ako
Bakit ba ganon ang pakikitungo niya sakin? Mama ko ba talaga siya?
______________
Pag gising ko ng unaga ang bigat ng pakiramdam ko kaya. Para akong lalagnatin pero para sa kinabukasan papasok parin ako.
Tumayo na si dei at inayos ang higaan. Ppag katapos ayusin ang higaan pumunta na siya ng banyo at naligo upang di na ma late pa sa klase.
"Good morning mama! Good morning papa!" Nakangiti kong sabi sakanila
"Walang good sa morning ngayong nakita na kita" sarcastic na sabi ni mama
"Oh anak kumain ka na. Good morning din"

BINABASA MO ANG
My Bestfriend, My Husband ✔
FanficRank 1 in #mainemendoza #dei #maiden #richardfaulkerson #patricia Isang normal na babae na nagkagusto sa gwapong nilalang. Paano kung ikasisira ng pagkakaibgan niyo ang nararamd...