Dei's POV
6:00 na at nandito pa lang ako sa harap ng looban ng bahay namin. Mga 20 minutes pa bago ako makarating sa bagong bahay namin. Makikita mo rito sa daan ang mga nag iinuman, mga mag jowang nag hahalikan, at may mga batang umiiyak, at nag lalaro nalang kung saan saan.
Naglakad nalang ako agad dahil natatakot talaga ako sa mga tao. Kaya nga introvert. Ngayon naiinis pa ako kay Rj dahil ano? Mas uunahin niya ang panliligaw kesa sa pag aaral niya?! Nakakainis lang -_- Nabalik ako sa realidad ng bigla akong matapilok at napahiga pa mismo sa putik! Ughh ang badtrip!
"Ahahahahhaha!!" Tawanan ng mga bata sa kalye. Napasimangot nalang ako at tumayo pero bago pa ako makatayo, nakaramdam na ako ng sakit sa paa. Parang na sprain ako. Tsaka ugh ang bahooo!!!
"Ilan ang nahuli mong palaka ineng?" Tumatawang tanong ng lalakeng lasing na kaya umalis na ako at pinilit na lumakad kahit sobrang sakit ng paa ko. Nakikita ko na ang bahay namin. Tawagan ko na kaya si papa?
Naisipan kong tawagan si papa dahil mag aalas syete na hindi pa ako nakaka uwi, baka nag aalala na yun.
(A/N: Si tatay teddy po yung bold letters ah)
"Hello p-pa"
"Hello anak. Gabi na ah. Nasaan ka na?"
Tanong ni papa"Pa mamaya ko nalang ipapaliwanag pero pwede po bang lumabas ka muna diyan sa bahay? Malapit na po ako sa bahay natin." Kahit hindi naiintindihan ni papa eh pumayag nalang siya.
"Sige lalabas na ako." Sabi niya sabay patay ng tawag
Nang makita ko na si papa, tinawag ko agad siya at tinuro ang paa ko. Lumapit na din siya sa akin dahil nagulat siya sa itsura ko. Ikaw ba naman ang makakita sa anak mo na putikan at paiyak na.
"Pa!" tawag ko sakaniya at tinuro ang paa ko.
"Anong nangyare sayo anak? Bakit ganyan ang itsura mo. Tsaka bakit yang paa mo?" Tanong niya ng nag aalala.
"Pa kasi natapilok ako tsaka napahiga, ang nakaka inis sa putik pa talaga ako napahiga -_-" kwento ko
"Oh tara na pala sa bahay at ng makaligo ka na." Yaya sakin ni papa
"Eh pa, hindi nga ako makalakad eh. Pa paano na yan?"
"Sige susubukan kong buhatin ka. Tsaka malakas pa ako oh" mapagmalaking sabi ni papa at handa na akong buhatin.
"Sige na nga po."
☆☆☆☆☆
Nandito na kami sa bahay at nakaligo na. Nakaupo lang ako habang naliligo. Kung noong nakaka tayo pa ako, dalawang oras ang pagligo ko pero kanina, naging tatlo't kalahating oras eh.
Hanggang ngayon naiisip ko parin si Rj eh. Ewan ko ba. 'Tsaka sinabi ko na noon dei na kalimutan na yang nararamdaman mo kay Rj. May mahal nga siyang iba eh. Nakakainis ka na ah. Tama na. Ikaw na rin lang ang nasasaktan.' Pangaral ko sa sarili ko at kasabay non ang pagtulo ng luha ko.
"Anak kain na ta-- Oh bakit ka umiiyak? Masakit ba yang paa mo?" Tabong ni papa
"A-ah opo pa. Medyo masakit." Mas ginusto ko nalang na mag sinungaling kay papa kesa malaman niya ang totoo at palayuin pa ako kay Rj. Ayoko naman nun.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend, My Husband ✔
FanfictionRank 1 in #mainemendoza #dei #maiden #richardfaulkerson #patricia Isang normal na babae na nagkagusto sa gwapong nilalang. Paano kung ikasisira ng pagkakaibgan niyo ang nararamd...