Chapter 43

1K 56 17
                                    

Stacy's POV

Hello guys! So kilala niyo naman na ako diba. Ako ang step sister ni Dei. Ni Miss Nicomaine Dei Mendoza. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga gusto noon yung nanay nanayan ko eh. Pero sa ginagawa niya sakin, parang nanay ko na rin siya. Si daddy kasi gustong gusto niya si Tita mary noon pa kaya tinuring ko na rin itong tita.

Pero may isa pang hindi alam si tita mary. Napag isip namin ni daddy na, mag higanti sa tatay noon ni dei na ngayo'y patay na at susunod naman si dei.

Alam kong hindi niyo pa alam ang mga pakay namin at dahilan namin ni daddy pero sasabihin ko na sainyo ngayon ang dahilan kung bakit namin pinapatay si Teodoro Mendoza.

Noong na-ospital si Dei, isa sa hiniraman ng pera ng tatay niya ay ang daddy ko. So dunating yung araw na nainis si daddy dahil hindi na nag babayad yung tatay ni dei kaya pinapatay niya ito. Muntik na nga din ipapatay si dei noon pero humindi muna si daddy para hindi naman daw sad ang readers.

Pero who cares?! Ngayon, inaagaw ni dei si tita mary kay daddy, kaya nawawalan na ng time si Tita Mary kay daddy. Hintayin niyang mabwisit si daddy sakaniya at ipapapatay niya na rin ito sa susunod.

Marami na kaming plano ni daddy para jan sa babaeng yan. At may sarili din akong plano. Alam niyo ba kung ano? Syempre hindi kasi hindi ko pa sinabi sainyo.

Gusto kong agawin si Mr. Richard Faulkerson sakaniya. Oo, tama kayo ng nabasa. Pero kahit magalit kayo sakin, itutuloy ko pa rin ang plano kong pag hiwalayin silang dalawa.

Humanda siya. Sa ngayon, mga simple simpleng bagay muna ang gagawin ko at lulubayan ko muna sila ng ilang linggo o buwan, at gagawin ko na ang plano ko kapag makita kong masayang masaya silang dalawa.

Gusto ko yung sa mismong napaka sayang araw para sakanila ko ilabas ang plano ko. Katulad ng anniversary nila o kaya mas magandang sa proposal nalang kaya? Hahaha baliw na kung baliw. Basta gusto ko si Mr. Richard at gusto kong bumuo ng pamilya kasama siya. Hmm Im so excited!

Im so excited to see My Half Sister's face. Yung tipong umiiyak, yung kawawang mukha. Ayoko yung ngayon, masaya siya at palaban. Mag iisip ako kung anong magpapahirap sakanilang sitwasyon bilang magma relasyon.

**************

RJ's POV

9 months later📌

1 year na kami ng mahal na mahal kong si dei.*oh kinilig ka naman*. Sa lumipas na mga buwan, napakasaya lang namin pero hindi talaga maiiwasan ang tampuhan at bangayan. Lahat naman kasi ng relasyon dapat may ganyan hindi lang puro happy happy. Dahil sa mga awayan niyo, yun ang magpapa tibay ng inyong relasyon.

Gusto ko siyang isurprise. Tsaka nga pala dalawang branch na ang Maine's Coffee Shop. Ang saya nga eh kasi ang successful na ng mahal ko. Tapos ako naman, plano ko ulit mag tayo ng restaurant. Pero gusto ko , kasama ko din dun si dei. Yung dalawa kaming owner. Ang iapapangalan ko sa magiging restaurant namin ay "Maichard's Delightful Restaurant" Yan ang naisip kong surprise para kay dei pero gusto ko ding dalhin siya sa special na lugar para sakin. Ang Lover's River. Noong bata palang ako, jan na kami pumupunta ni lolo, asawa ni lola lita, kwento niya sakin na nung mag jowa palang sila ni lola lita, pinunta niya raw don si lola at dun sila nag date. Ang saya saya nga daw eh. At dun din sila nag sumpaan na mag mamahalan sila forever and ever. Hanggang sa huli nilang hininga.

Naging totoo nga, hanggang huling hininga ni lolo tony, sinabi niya na mahal na mahal niya si lola lita. Oo, matagal ng patay ang lolo tony ko kaya hindi ko siya nakwento sainyo. Gwapo siya at kamukha namin ni papa si lolo tony. Dahil sa kwentong yun ni lolo tony, dun ko dadalhin si dei. Ang babaeng minahal ko ng totoo at seryoso. At mamahalin habang buhay... Hanggang sa huling hininga.

My Bestfriend, My Husband ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon