Teddy's POV
Nandito kami ngayon sa ospital. Nasa emergency room ngayon si dei. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyareng masama sa anak ko. Kanina nung nakita ko siyang nakahiga sa lapag, alam kong tinulak siya ni mary dahil nakita ng dalawang mata ko yon.
Nawala ako sa wisyo ng lumabas na ang doctor."Sino po ang mga kamag anak ng pasyente?" Tanong ng doctor
"Doc papa po niya ako. Kamusta na po ang anak ko?"
"Tatapatin ko na po kayo... Ang anak niyo po ay nakararanas ng Head Injury, in which the brain is shaken and it cause her brain bleed. Kailangan po natin siyang i-monitor 24 hours dito sa ospital dahil hindi biro yung mag dugo ang utak niya. Dahil kapag napabayaan ito, mawawala ang iba niyang ala ala."
Nanlamig ako sa narinig ko. Napakabait ng anak ko bakit sakanya pa ginawa to ni mary?! Ang sama niya! Pero hindi komuna iintindihin yon ang uunahin ko muna ay ang anak ko.
"Ah sige doc. Gawin niyo po lahat ng makakaya niyo para lang hindi mawala ang mga ala ala niya"
"Opo gagawin po namin lahat. Sa una pong pag gagamot sa anak niyo ay gagastos tayo ng 20,000 para sa dalawang itutusok namin siya para tanggapin ng katawan niya ang gamot na matapang para sa kondisyon niya. Aabot tayo ng ilang linggo dito dahil mahirap ang sitwasyon ng anak niyo. Maghanda lang po kayo ng malaking pera para kay dei." mahabang litanya niya
"Ah sige po doc."
Sa totoo lang hindi na kaya ng budget namin ang gagastusin dito. Manghihiram nalang siguro ako sa mga kaibigan ko para dito.
Dalawang araw na ang nakalipas simula nung nangyare kay dei yun. Hindi ko parin alam kung anong gagawin ko dahil marami nang pera ang naga-gastos, marami na kong nautang sa mga kaibigan ko nakakahiya na nga eh pero lahat gagawin ko para kay dei.
Nawala ako sa wisyo nang biglang tumunog ang machine na nasa tabi ni dei. Kinabahan na ko dahil naka-flat line na ito! Agad kong tinawag ang doctor dahil ayokong mawala ang anak ko!
Nagsipasukan na lahat ng nurse at ang doctor upang tinagnan ang nangyayare kay dei. Pumunta muna ako sa chapel ng simbahan oara magdasal na sana wag pang kunin ang anak ko sakin
"Panginoon. Alam kong kayo lang ang pinaka dakilang mangga gamot sa lahat. Huwag niyo po munang kunin saakin si dei. Napakabait na bata ni dei kaya sana po huwag niyo muna siyang kunin. Marami pa siyang pangarap sa buhay at marami pa rin po akong pangarap para sa anak ko. Kayo na po ang bahala sakanya
_______
Dei's POV
Pagdilat ko, sobrang liwanag ng nasa paligid ko. Maaliwalas teka nasa langit na ba ako? Nilingon ko ang buong paligid at may nahagip ako! Lumapit siya sakin at kinausap ako.
"Magandang araw sayo" nakangiting sabi ng matanda teka si San Pedro yata to
"Magandang araw din po. Uhh nasan po ako?" Balik tanong ko sakanya
"Iha nasa langit ka pero wag kang mag alala, hindi mo pa oras. Marami ka pang gagawin sa lupa." Nakangiti nitong saad
"Naku salamat po akala ko katapusan ko na eh. Salamat din po sainyo papa jesus"
"Sige na. Bumalik ka na sa lupa. Marami kapang gagawin. Nag aalala na din sayo ang papa mo"
"Sige po. Paalam"
"Paalam iha"
_________
Teddy's POV
Hanggang ngayon hindi parin ako mapakali dahil nire - revive parin si dei. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung mawawala si dei sakin.
Nabuhayan ako ng bigalang lumabas ang mga nurse at ang doctor, lumapit ito sakin at nagsalita
"Kayo po ba ang tatay ng pasyente?"
"Ako nga po. Ano pong balita sa anak ko?"
Natatakot akong marining na wala na ang anak ko ngunit inalis ko iton sa aking isipan"Sa ngayon, mabuti na ang lagay niya. Kanina muntik na siyang bawian ng buhay buti nalang naagapan ito agad"
"Hay maraming salamat! Maraming salamat sa panginoon at sayo doc!" Napakasaya ko ngayon!
"Haha pwede mo na siyang makita pero hindi pa siya gising dahil mahina pa ang katawan niya"
"Sige doc. Thank you ulit"
Pagkatapos ng usapan namin ni doc, gad akong pumasok sa kwarto ng anak ko dito sa ospital.
_________
Rj's POV
Dalwang araw na simula nung hindi na pumasok si dei. Miss na miss ko na yung bestfriend ko. Ano kayang nangyare sakaniya? Puntahan ko kaya siya sa bahay nila? Bakit ako lang mag isa? Isasama ko narin sila valeen para hindi nakaka hiya.
"Sam! Je! Tara dito!"
"Bakit ka ba nasigaw?" Iritang sagot ni je sakin
"Diba dalawang araw ng absent si dei nang hindi natin alam? Tara ounta tayo nila pat at val sa bahay nila" Aya ko sakanila
"Ano tara?" Val
"Tara!" Buong tropa
______
Nang nakatapat na kami sa gate nila dei, tinawag namin ang pangalan niya.
"Dei! Tao po?!" Sigaw namin pero parang walang tao?
"Dei!" Sigaw namin ngunit may biglang lumabas sa pinto nila
"Bakit? Sino sila?" Tanong ng babae
"Ah hinahanap po namin si dei. Nasaan po ba siya? Marami na po kasi siyang na-miss na lessons namin eh"
"Ah ako yung nanay niya. Nasa ospital si dei"
"Po? Bakit? Ano pong nangyare sakaniya?"
Tanong ni pat"Aba'y ewan ko sa batang yun! Napaka kulit!"
"Naku maam. Alam niyo po ba kung saang ospital dinala si dei?" Tanong ni Sam
"Ah oo sa 'Mendoza General Hospital' Malapit lang dito saamin."
"Ah sige po. Maraming salamat"
Pero bakit ganon? Parang walang paki alam sakniya nung nanay niya? Totoo nga yung sinabi ni dei sakin noon na masama ang pakikitungo sakniya ni tita mary.
Pag dating namin sa ospital agad naming tinanong kung saan ang hospital room ni dei.
"Nurse, san dito yung room ni Nicomaine Dei Mendoza?" Tanong ko
"Ah sir sa Room 0716 po sa 3rd Floor" ah sige salamat!"
Agad kaming pumunta sa sinabing room ni dei at nakita nga namin dun si tito sa labas nag hihintay yata?
"Ah hello po. Kaibigan po kami ni dei. Pinuntahan po namin siya sa bahay niyo kanina pero si tita mary lang po ang naka usap namin. Ano pong nangyare kay dei?" Mahaba kong sabi
" Ah paumanhin kung hindi namin nasabi agad ah? Tinulak kasi siya ng nanay niya habang pinapagalitan siya tapos nakita kong may dugo yung ulo ni dei pero agad lang siyang pumunta sa kwarto niya. Pero nung tatawagin ko na dapat siya para kumain, Hindi na siya sumasagot at mahina na rin ang pulso niya kaya agad kong tinakbo siya rito. Akala ko mabuti na siya pero hindi pa pala. Kanina muntik na siyang bawian ng buhay ngunit lumaban ang anak ko. Salamat sa diyos." Mahabang kwento ni tito teddy
"Naku yan pa si dei? Palaban yan eh" sabi ni je
"Oo nga! Hintayin nalang natin siyang magising." Sabi ni val
"Tara! Wag tayong mawalan ng pag-asa gagaling si dei" sabi ko
"Maraming salamat din sainyo ah? Napakabait niyong mga kaibigan ni dei" sabi ni tito teddy
"Your welcome po" sabay sabay naming sabi at pumasok na sa kwarto ni dei.
•☆☆☆☆•
(1180) words for this chapter!
Thank you sa pag babasa!
Nairaos din😂💖Vote & Comment na po mga loves!🤗
![](https://img.wattpad.com/cover/168923114-288-k770495.jpg)
BINABASA MO ANG
My Bestfriend, My Husband ✔
FanficRank 1 in #mainemendoza #dei #maiden #richardfaulkerson #patricia Isang normal na babae na nagkagusto sa gwapong nilalang. Paano kung ikasisira ng pagkakaibgan niyo ang nararamd...