Chapter 23

895 74 15
                                    

Rj's POV

Nandito na kami sa condo, tiningnan ko naman si dei, ayun nakatulog na kaya binuhat ko na siya tsaka siya ginising dahil baka mapasma ang likod niya kapag hindi pa siya nag palit.

"Dei, gising na. Nandito na tayo sa condo ko" tapik ko sa mga pisngi niya
"A-ah sorry nakatulog pala ako" sagot niya habang kinukusot pa ang mga mata niya.

"Olay lang. Ah mag palit ka na pala kasi baka mapasma ka kapag natulog kang hindi pa nag papalit"

"Ah okay. Nasan na yung damit ni valeen na ipapahiram niya sana sa akin?" Tanong niya

"Ah eh naiwan sa kaniya eh. Hindi natin nakuha kanina." Nag aalangan kong sabi

"Eh paano na yan?"

"Teka, meron kasi akong kapatid na babae..." panimula ko pero pinutol niya

"Anong connect sa damit?" Tumatawa niyang sabi

"Hays ang kulit. Ang ibig kong sabihin may kapatid akong babae si riza, naalala ko na may iniwan siyang gamit niya incase na matutulog siya dito, naisip ko na pwede mo munang hiramin yun" paliwanag ko sa kaniya

"Ahh hindi ba siya magagalit?" Nag aalangan niyang tanong dahil hindi pa niya na me-meet si riza.

"Hindi naman siguro." Sabi ko at binigay na sa kaniya ang bag ni riza para pumili ng susuotin niya

"Eto oh pumili ka na"

"Okay na siguro to" sabi niya sa dress na color yellow at nag palit na sa C.R

Nandito lang ako sa sala at nanonood, hinihintay si dei para makakain naman kami kasi may mga pag kain diyan sa ref na hindi ko naman masyadong nagagalaw

Napatingin ako sa gilid ko ng lumabas na si dei habang suot suot ang damit ng kapatid ko. Hmm bagay sa kaniya. Dahil nga payat siya at maputi, bumagay yung yellow dress sa kaniya.

"Panget, okay lang ba ito?" Tanong niya sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Panget, okay lang ba ito?" Tanong niya sa akin

"Oo. Panget ka pa rin" tumatawa kong sabi

"Tsk, mas panget ka" balik asar niya sa akin.

"Tama na nga. Wait lang kukuha lang ako ng pag kain sa ref, ano bang gusto mo? Baka meron akong stock sa ref"

"Basta something sweet or spicy" sabi nito kaya kumuha na ako ng gusto niya

Kinuha ko ang isang galon ng magnolia ice cream, lemon juice para sa akin, doritos *spicy flavor* at mikmik.

"Oh ito na po oh" sabi ko sa kaniya na siya namang nag pagulat sa kaniya.

"Uy andami naman niyan pero isa lang ang masasabi ko, WOW!" Tumatawa niyang sabi kaya natawa nalang ako sa mukha niya

Kumain lang kami ng kumain hanggang mag alas tres na ng hapon. Maya maya uuwi na siya para lumipat sa bago nilang bahay. Hanggang sa narinig namin na may kumatok sa pintuan kaya binuksan ko ito.

My Bestfriend, My Husband ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon