Chapter 60

981 46 11
                                    


Richard's POV

Kabuwanan na ni Maine ngayon. Mas lalo kaming nae-excite sa pag dating ng aming prinsesa. Pero hindi ko pa ring maiwasang kabahan dahil sabi ni Mama, napakahirap daw manganak.

Nakakapanood din kasi ako ng mga babaeng nanganganak. Maraming nahihirapan dahil nga first time nilang magka anak.

Pero malaki ang tiwala ko sa asawa ko. Alam kong kaya niyang ipanganak ang aming prinsesa ng mabuti.

Ang ipagdadasal ko nalang, ang maging successful ang panganganak ng asawa ko. At sana walang masamang mangyari sakanila.

Gabi nanaman. Si maine nandun lang sa kwarto. Gusto laging matulog. Ganun daw talaga pag buntis.

Kakatapos ko lang mag hugas ng pinagkainan namin. Nag hugas muna ako ng kamay para hindi ko malagyan ng bacteria ang mag ina ko. Mahirap na. Uso pa naman ang mga sakit ngayon. Lalong lalo na ang  dengue.

"Hello mag ina ko" nakangiti kong bati sakanila. Nakahiga lang siya habang nag babasa ng libro kung paano manganak ng maayos.

"Hello love. Gutom kami ni baby" nakangiting sabi ni maine habang niyayakap ako

"Gutom nanaman kayo? Kakatapos lang natin kumain ah?" Tanong ko

"Eh sa gusto naming kumain eh. Tsaka dalawa na kami ni baby na kumakain." Pilit niya kaya pumayag nalang ako.

"Oh sige, anong gusto niyo mag ina ko?" Tanong ko.

"Gusto namin ng fruits daddy. Yung apple with kiwi yogurt love." Sabi ni maine habang nakahawak sa tiyan niya. Kita ko rin sa mata niya na nasasaktan siya

"Oh bakit love? Anong masakit?" Tanong ko. Kinakabahan ako eh.

"Wala love. Sumakit lang ng kaonti. Latley kasi medyo sumasakit akit ang tiyan ko pero kaya naman. Siguro malapit na talaga akong manganak. Pati likod ko, ngawit na ngawit na eh" sabi niya habang hinihimas ang tiyan niya. Naaawa tuloy ako.

"Hmm sana ako nalang nakakaramdam ng sakit na nararamdaman mo. Para man lang makatulong ako." Malungkot kong sabi. Wala talaga akong magawa eh

"Ano ka ba daddy. Sa pag tulong mo sakin, sa pag alalay mo sakin at sa pag aalaga mo samin ni baby, marami ka nang nagawa. Kaya I love you daddy" sabi niya habang hawak ang kamay ko tsaka ako hinalikan sa labi.

Ang maganda sa buntis, yung napaka clingy niya. Tapos gustong gusto ko pag hinahalikan ako lagi ni Maine. Ang lambing eh. Kaya di namin maiwasang mag make out pero dahan dahan lang. Tsaka okay lang daw sabi ng OB ni Maine.

Ginawan ko muna ng yogurt si maine at si baby para di na sila magutom mamaya. Baka magising nanaman kami ng alas 3 ng madaling araw.

Nag slice muna ako ng apples tsaka kiwi tapos kinuha ko na yung yogurt para pag halu-haluin sila.

^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_

Maine's POV

Kabwanan ko na ngayon at malapit na naming mahawakan ang aming prinsesa. Nakakatuwa kasi noon, puro morning sickness palang. Ngayon, lagi ng natadyak si baby tsaka sumasakit na rin ang likod at tiyan ko.

Malapit na talaga naming makita si baby. Siguro 2 to 3 days nalang mailalabas ko na siya. Sana maging safe kami pareho.

Kaninang nag babasa ako ng about sa giving birth, naiisip ko kung kaya ko bang ilabas ng maayos si Baby kasi syempre first time ko.

Ang gusto ko lang pag nanganak na ako, nasa tabi ko ang asawa ko. Sakaniya kasi ako hunuhugot ng lakas eh. Siya ang lakas ko.

Yung nag request ako ng yogurt kanina kay Alden, masakit na naman yung tiyan ko. Parang manganganak na. Pero di naman pumutok yung panubigan ko kaya wala pa.

My Bestfriend, My Husband ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon