Rj's POV
Hindi ako makapaniwalang nagawa ni dei lahat ng sinasabi sakin ngayon ni ovrel. Si ate em naman wala pa ring malay. Nandito na nga pala kami sa hospital.
*****
Dei's POV
Hindi ko na alam ang gjnagawa ko sa ngayon. Basta naiinis rin ako kay RJ. Bakit hindi man lang niya ako paniwalaan? Mahal niya ako pero parang hindi niya ako pinagkaka tiwalaan.
Bumaba na muna ako papuntang kusina dahil nauuhaw ako. Ayoko namang inumin yung nasa tabi ko kanina kasi baka nilagyan nanaman ni ovrel ng lason. Ayoko pa kayang mamatay tsk.
Habang nasa hagdan ako, naramdaman ko nanaman yung naramdaman ko kahapon. Parang umiikot yung paligid ko. Kaya humawak ako sa railings ng hagdan pero bigla nalang dumulas yung kamay ko kaya gumulong ako ng gumulong sa hagdan.
Naramdaman kong tumama yung ulo ko sa edge ng hagdan pero nilalabanan ko yung hilo ko tsaka yung sakit ng katawan ko sa pagkakahulog ko.
Umiiyak lang ako. Wala akong magawa kundi umiyak kasi wala si Rj dito. Hindi ko rin kayang tumayo pero pinipilit kong itayo ang sarili ko.
Pero nang hindi ko talaga kinaya, gumapang nalang ako hanggang sa makuha ko yung telephone para tawagan si Rj.
Kita ko rin yung dugo ko sa sahig galing sa noo ko. Tulong Rjjj.
Nang na dial ko na, thank god at sinagot niya.
"Hello dei? May kailangan ka ba?" Seryosong tanong niya sakin pero hindi ako masyadong makapag salita dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"T-tul-longg" utal kong sabi at nabitawan ang telephono.
*******
Rj's POV
Pauwi na sana ako ng may tumawag sakin kaya tiningnan ko ito. Yung telephono pala sa bahay ni dei.
"Hello dei? May kailangan ka ba?" Tanong ko sakaniya ng seryoso sa tono dahil sa nangyari kanina.
"T-tul-longg" utal niyang sabi saakin at biglang nabitawan yung telephono.
"Dei?! Dei, anong nangyayari?? Pauwi na ako" taranta kong sabi sakaniya kahit alam kong wala ng nakikinig sakin sa kabilang linya. Diyos ko, tulungan niyo po kami.
Pagkarating ko sa gate, hindi ko na ipinasok ang kotse at tumakbo nalang papuntang loob ng bahay. Nanlumo ako sa nakita ko. Napatingin ako sa hagdan ng may mga tulo ng dugo hanggang sa sinundan ko ng tingin ang dugong iyon. Nakita ko si dei. Namumutla at wala ng malay kaya pumunta ako agad sakaniya.
"Dei, gumising ka please. Pupunta na tayo ng hospital. Sige na naman oh. Sorry sa mga nasabi ko kanina." Sabi ko tsaka siya binuhat papasok ng kotse at pinaharurot ko din ang kotse para mapunta ko agad si Dei sa Hospital.
Alam kong may trauma siya sa pagpunta niya sa mga hospital dahil dito namatay ang papa niya at dito niya naranasan ang galit,ng mama niya na muntik na niyang ikamatay.
Pagkababa ko, binuhat ko agad si dei at sinakay namin siya sa strecher tsaka pinunta ng emergency room.
Kasalanan ko ito eh. Kung hindi ko siya na-stress kanina, hindi niya mararanasan ito.
Nag hintay pa ako ng isang oras bago ilabas si dei sa emergency room at ipinasok sa private room.
Pinabantay ko muna si dei sa ibang nurse na alam kong mapagkakatiwalaan at bumili ng prutas.
Pumunta rin ako saglit sa kwarto ni Ate Em at ayun, nakita ko siyang gising na at paalis na rin sana sa kwartong iyon.
"Oh sir anjan pala kayo. Sorry po sa abala. Kasalanan kasi ni Ovrel eh. Tinulak niya ako. Sir, huwag niyo ng papalapitin si Ovrel kay Ms. Dei. Masama yun dahil gusto niya kayo." Sumbong ni ate em. Ngayon, nalaman kong wala talagang kasalanan si dei sa nangyare kaninang umaga.
Ako lang naman ang sumisi sakaniya at yun ang pinagkakainisan sa sarili ko. Hindi ko man lang muna inalam ang totoong oangyayari bago isisi lahat kay dei.
"So siya ang may kasalanan lahat ng mga nangyari kanina?!" Galit kong tanong.
"Opo sir. Marami na rin kaming naging pasyente na ginanyan niya. Mas mabuti sigurong ipakulong nalang siya." Sabi ni Ate em na parang gusto kong pagsang ayunan.
"Mas mabuti pa nga para wala na siyang magambala pa." Galit kong saad at tumawag na ng pulis para arestohin si Ovrel.
Nagpaalam na muna ako kay ate em at pumunta na kay Dei. Naabutan kong nag check up sakaniya ang isang nurse.
"Kailan kaya siya magigising?" Tanong ko
"Sir, siguro magigising na si Maam pag maayos na ang pakiramdam niya. Kasi siguro, kaya pa po siya tulog dahil sa sakit na natamo niya kanina." Paluwanag ng lalakeng nurse kaya tumango nalang ako.
"Dei, gumising ka na please. Love, sorry sa mga sinabi ko kanina. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita."
~○▪♡~○▪♡~○▪♡~○▪♡~○▪♡~○▪♡~○▪♡~○▪♡~○
775 words for today loves.
Sorry kung sobrang bitin, pero may itatanong ako sainyo.Okay lang ba kung below 1000 words ang iupdate ko, pero mag uupdate ako every day? Or 1000 words pero every 3-5 day ang gap ng pag update.
Sana nagustuhan niyo tong chapter na to kahit bitin. Marami na kasi kaming ptojects and assignments eh. Grade 10 na kasi ako.
Mag uupdate ako bukas. Plamis!💜
Please Vote and Comment loves!💗
And pakisagot yung tanong ko para alam ko🌟
![](https://img.wattpad.com/cover/168923114-288-k770495.jpg)
BINABASA MO ANG
My Bestfriend, My Husband ✔
FanfictionRank 1 in #mainemendoza #dei #maiden #richardfaulkerson #patricia Isang normal na babae na nagkagusto sa gwapong nilalang. Paano kung ikasisira ng pagkakaibgan niyo ang nararamd...