Rj's POV
Kanina ko pa tinatawagan si dei tsaka marami na rin ang texts sakaniya pero ni isa wala siyang sinasagot. Nag aalala na ako. Gusto kong pumunta sa kaniya ngayon pero 10:00pm na ng maka uwi ako. Busy rin kasi dahil maraming kaming napag usapan kanina kasama ang ilang trabahante ko.
Naalala ko kanina na may pagkaing nahulog kanina pag labas ko sa office ko. Nag tataka ako kung bakit merong rumi roon kaya pinalinis ko. Kanino kaya galing yun.
Nag aalala pa rin talaga ako kay dei. Hindi ako makatulog dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya sinasagot ang text messages ko. Tawagan ko kaya si charie. Tama, tatawagan ko nalang siya.
Calling: Charie
"Hello kuya Rj" Sabi nito sa kabilang linya.
"Hello charie. Nandiyan ba si Dei?" Tanong ko
"Opo kuya. Bakit mo naitanong?" Tanong nito sakin.
"Hindi kasi siya sumasagot sa mga tawag ko eh. Kanina ko pa rin siya tinetext pero hindi siya nag reply" kwento ko rito
"Eh kuya, may sakit kasi siya eh. Hindi na siya nag dinner. Teka kuya rj. Titingnan ko lang sa kwarto niya kung gising pa siya" sabi niya kaya mas lalo akong nag alala sa kaniya dahil may sakit pala siya
"Sige sige. Salamat" sagot ko naman
"Ah kuya tulog na siya eh. Kanina pa kasi kami dumating. Mga 8:00. Tsaka kaninang tanghali nung dumating siya sa coffee shop, umiiyak siya. Ewan ko kung bakit. Hindi niya naikwento sakin eh. May alam ka ba na sa nangyayari kuy Rj?" Tanong ni charie. Baka naman nakita niya yung kanina. Dun sa opisina ko. Nasabi niya kasi sakin noon na anytime daw bibisitahin niya ako sa bar. Pero hindi niya sinabi kung kailan. Surprise daw eh. Nakaka excite pero may kutob akong pumunta siya kanina sa bar at nakita kami ni stacy. Kung nakita man niya kaming mag kahalikan, babawi ako sakaniya at mag papaliwanag ako.
"Ah wala eh. Hindi nga kami nag kita kanina. Nag tataka lang ako kung bakit hindi niya sinasagot yung mga tawag at nirereplyan lahat ng text messages ko. Pupunta nalang ako diyan mamaya para alagaan siya." Kako kahit na gabi na, aalagaan ko siya. Gusto ko, pag gising niya bukas, ako dapat ang una niyang makikita
"Ah sige kuya RJ. Hihintayin nalang kita" sabi nito. Bilib din ako kay charie dahil para na talaga siyang kapatid ni dei. Gabi na pero nagawa pa akong mahintay.
"Sige. Mabilis lang ako. Salamat ulit charie." Sabi ko at sumakay na sa kotse. Pero dadaan muna ako ng pabilihan ng gamot, malapit dito sa village namin. Naisip ko na tapat lang pala ng bahay ni dei ang pabilihan ng gamot kaya pinabilis ko na ang takbo ng sasaktyan ko upang makainom ng gamot si dei. Nabanggit din kasi ni charie na hindi na nag dinner si dei kaya hindi na din nakainom ng gamot.
![](https://img.wattpad.com/cover/168923114-288-k770495.jpg)
BINABASA MO ANG
My Bestfriend, My Husband ✔
FanficRank 1 in #mainemendoza #dei #maiden #richardfaulkerson #patricia Isang normal na babae na nagkagusto sa gwapong nilalang. Paano kung ikasisira ng pagkakaibgan niyo ang nararamd...