Chapter 64

729 32 9
                                        


This author had not written for a months now. Sorry po, kumakalawang na ang utak ko. Please bear with me loves. Sana maintindihan niyo. Babawi ako sainyo at sa susunod na gagawa ako ng story, hindi na aabutin ng buwan-buwan bago ako makapagupdate. So sana samahan niyo pa ako sa paggawa ko ng bagong storya.

Note: Abangan sa Year 2020 :*

Richard's POV

Maaga kaming nagising ni Maine para i-surprise yung anak namin. Today is her 1st Birthday. Mamaya aayusan na rin siya para sa Birthday Party niya.

Marami kaming inimbitahan na tao. Mga kasama namin sa restaurant namin, mga kilala ni mama at papa. Tsaka mga kapitbahay namin. Marami kasing mga bata dito sa village kaya alam kong matutuwa sila.

Ang theme kasi ng party ni Athena is Disney Princesses. Favorite niya kasi talaga lahat. Pero ang pinakagusto niya ay si Sleeping Beauty kasi pink daw yung dress. Kaya naisip namin na si Athena lang ang mag p-pink dress at yung ibang bata ay iba naman.

"Love, Tara na bago pa magising yun." Sabi ni maine ng pabulong kasi baka magising si Athena.

"Sige love. Dahan dahan" sabi ko kasi paakyat na kami ng hagdan tapos may hawak pa siyang cake kaya di niya masyadong makita yung dinadaanan niya kaya inaalalayan ko. May hawak rin kasi akong breakfast for baby athena. 

Pagkapasok namin sa kwarto, gumalaw ng konti si athena kaya naman lumapit na kami at ginising na siya. Yung reaction niya sobrang cute.

"Happy Birthday our princess❤" Bati namin sakaniya sabay yakap at halik sa lips.

"Chenchu mommy and daddy" nakangiting sabi ni athena na nag palabas naman sa kaniyang malalalim na dimples

Kaya naman napangiti kami ni Maine. 1 year old na siya ngayon.

*************

Maine's POV

Kakatapos lang ng Birthday Party ni Athena at kita sakaniya yung pagod kaya nakatulog agad siya. Nakapag ayos na rin kami ng mga kalat.

Masaya ako sa mga nangyayari sa buhay namin pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang sinabi ni stacy. Alam kong gagawin niya ang lahat para lang masira ang pamilya ko.

Nakapagdesisyon na ako. Hindi ko iiwan ang mag ama ko. Kahit anong mangyari,sa hirap man o sa ginhawa. Ayoko ng maging duwag katulad noon.

Ang naging desisyon ko nung nakaraan ay mali. Dahil siguro sa sobrang kaba at lagi itong bumabagabag sa aking isipan.

Pro-protektahan ko ang mag ama ko. Hindi ko hahayaan na makalapit si Stacy sa kanilang dalawa. Marami na akong napagdaanan na mabibigat na pagsubok at hindi na ako matitinag dito.

Dahil tulog na si Athena, bukas nalang niya bubuksan ang mga regalo niya na bigay namin ng daddy niya at mga bisita kanina.

May anim na buwan pa para ihanda ang mag ama ko. Sa susunod, sasabihin ko na rin ang mga sinabi ni Stacy sakin kay Rj. Gusto ko dalawa kaming lalaban sa pagsubok na ito para sa anak namin.

Hindi na ako natatakot kay Stacy at sa mga banta niya samin. Dahil kasama ko ang asawa ko.

Napag isipan ko na bukas ko nalang sasabihin kay Rj ang lahat lahat. Dahil pare-pareho naman kaming napagod kanina.

*******

Kinabukasan, nagising ako ng may ngiti sa labi dahil sa bumungad sakin. Ang mag ama ko, nakayakap sakin. Gising na pala si Rj pero si Athena hindi pa. Bumangon na kaming mag asawa at hinayaan munang matulog si Athena.

Para na rin mapag usapan namin ni Rj ang mga sinabi sakin ni Stacy. Napapansin na rin siguro ni Rj yung mga kinikilos ko ng mga nakaraang araw. Kita ko yun sa mga mukha niya dati basta tatahimik ako at lutang.

"Rj, may sasabihin ako. At sana samahan mo ako sa pagsubok na ito." Panimula ko kaya napatingin siya sakin at kita sakaniya ang pag aalala.

"Ano yun love? Kinakabahan ako sayo eh" sabi nito at hinawakan ang kamay ko.

"Binantaan ako ni Stacy na kung hindi ko kayo lalayuan ng anak natin, may mangyayaring masama sainyo. Kita mo naman siguro sa mukha ko ang pag aalala noon diba. Kaya ako lutang lagi dahil sa mga sinabi niya. Natatakot ako Rj pero lalaban ako para sa pamilya natin." Nakatingin kong sabi sakaniya.

"Bakit ngayon mo lang sinabi sakin love? Hindi na talaga tumigil yang babaeng yan eh. Eto ang tatandaan mo ah, hindi ko hahayaan na masira niya ang pamilya natin. Marami na tayong pag subok na napagdaanan at alam kong marami pa ang dadating. Ang gusto ko lang, maging malakas ka para sa akin, sa anak natin." Seryoso niyang sabi at niyakap ako.

Ang swerte ko dahil may asawa akong katulad ni Rj. At may anak kaming katulad ni Athena.

"Rj, handa na akong maging super woman para ipaglaban ang ating pamilya. Ikaw, handa ka na ba?" Tanong ko ng nakangiti. Dapat positive always.

"Handang handa na akong maging superman love. Para sa inyo ni Ath-." Di niya natuloy ang sinasabi niya dahil bumungad saamin si Athena na kakagising lang.

"Heyow mommy and daddy, i wuv you" sabi nito at hinalikan kami sa labi ng daddy niya. Napakasweet.

"Are you hungry baby?" Tanong ni Rj habang kandong niya si Athena

"Yes daddy. And Im exshited chu open my giftsss" masayang sabi niya kaya napatawa kami.

Masaya kaming kumakain nang may nag doorbell.

"Ako na mag bubukas love" tumayo ako upang buksan ang pintuan.

Pagbukas ko wala namang tao pero may box na nasa harap ng pintuan namin kaya kinuha ko ito at dinala sa mag ama ko.

"Oh sino nagdala niyan? Bat di mo pinapasok?" Tanong ni Rj..

"Eh walang tao love pero may box kaya kinuha ko na. Buksan na natin" sabi ko at tumango naman si Rj.

Pagkabukas ko biglang tumambad samin ang baby doll na puro duguan at may letter na nakasabit doon. Alam ko na kung sino ang may pakana nito. Si Stacy. Walang hiya talaga iyon.

'Tik tok tik tok. Dont waste your time' yan ang nakalagay sa papel na nakasabit sa baby doll na duguan

"Itapon na natin yan. Wag kang mag alala. Pro-protektahan ko kayo ng anak natin. Ang kailangan nating masiguro ay ang kaligtasan natin. Habang may oras pa love, lalayo tayo." Sabi ni Rj. Gumaan naman ang loob ko sa sinabi niya pero hindi pa rin napapanatag ang loob ko.

Stacy wants to play? Okay We're In.

                       ***************************

1050 words for tonight loves!

Sorry sa mga pinaghintay ko ng napakatagal. Sana may magbasa pa rin ng MHS na soon to be MBMH. Salamat sa mga nag stay. Mahal ko kayo.

Sorry talaga kasi kinalawang yung utak ko. Pero I hope y'all like it. 🥰💞

Merry Christmas and Happy New Year!🎆

My Bestfriend, My Husband ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon