CHAPTER 4

3.7K 121 39
                                    

Takte. Mag-aalas nuwebe na, hindi pa lumalabas ang mokong. Nakailang katok na ako pero walang sumasagot kaya naman, pumasok na ako. Tulog na tulog pa siya. Geez. Ayan kasi. Parang timang.

"Sir Dos." Hindi siya sumagot. "Sir Dos." Tawag ko ulit sabay kalabit sa balikat niya. "Sir Dos."

"I want to sleep all day, puppy. Get out or get on the bed." Wika niyang nakapikit ang mga mata.

"May klase ka po sir."

"Kapag di ka titigil sa pangungulit, hahalikan talaga kita."

Napatayo ako ng maayos sa sinabi niya. Mukha namang hindi niya 'yon gagawin. Kaya makalipas ang ilang segundo, kinalabit ko siya ulit.

"Sir Dos, may klase po kay— Kyaaaah!" Napatili ako nang higitin niya ang kamay ko pabagsak sa kanya. Mabilis na nakahila ako ng unan at tinakip 'yon sa mukha ko.

"Don't play hard to get on me now, puppy." Mayabang na saad niya. "You want me to kiss you. I know it. Get that off."

Nakadagan siya ngayon sa'kin. Hinihigit niya ang unan na itinakip ko sa mukha ko.

"Sir Dos, kapag hindi ka aalis, bubog-bugin talaga kita." Pananakot ko. Totoo naman kasi. 'Wag siyang magkakamaling gumawa ng kung ano dahil mababalian ko talaga siya ng buto. Blackbelter ako ng Taekwondo no'ng highschool.

"Bubugbogin mo 'ko ng halik?"

"Sir Dos, seryoso ako."

Nang magtagumpay siyang hablutin ang unan sa mukha ko, nakangising-aso siyang bumungad sa'kin.

"Ang cute-cute nitong puppy ko talaga." Anas niya sabay kurot ng magkabilang pisngi ko.

Hindi siya tumigil sa kakakurot sa'kin kaya gumalaw na ako. I rolled over hanggang sa ako naman ang nasa ibabaw sa kanya. Mabilis na dinaganan ko ng kamay ang dibdib niya. Gumanti ang mokong. Gumulong siya at pumaibabaw ulit sa'kin. Ginamit ko naman ang pagkakataon na 'yon para i-chinlock siya.

"Lumaki ako sa pagre-wrestling, sir Dos."Nakangising sabi ko habang iniipit parin siya. Hindi siya makagalaw kahit nagpupumiglas siya.

"Para ka talagang amazona. Sa'n nanggagaling 'yang lakas mo e napakaliit mo?"

"Ako? Maliit?" Hinigpitan ko ang pag-ipit sa kanya pero tinawanan lang niya 'yon. Tunog ng doorbell ang nag-save sa mokong. Pinakawalan ko siya saka bumaba samantalang sumalampa ang mokong sa kama niya.

"I am wondering." Anas niyang nagpalingon sa'kin. Nasa may pintuan pa kasi ako. "What are you like when you're sweet?" Ngumisi ako.

"I guess, hindi mo 'yan malalaman."

Iniwan ko na siya ng tuluyan at binuksan ang pinto para sa bisita. Si Rio ang dumalaw.

"Good morning po." Bati ko.

"Good morning, perfect face."

Napalingon ako sa likuran ko. Ako ba ang kausap nito? Mukhang ako nga. Ako lang naman ang kaharap niya.

"Ah, sir... tatawagin ko lang si sir Dos." Naiilang na sabi ko at nagmamadaling tumalikod. "Sir. Si Rio po."

"Alam mo Brook, gusto kitang gawing prinsesa." Wika niya na may pilyong ngiti imbis na sumagot patungkol sa kaibigan niyang dumalaw sa kanya. Bumangon siya sa kama para matingnan akong mabuti. "And you will be Cinderella."

Sinamaan ko siya ng mukha. At tumawa naman siya ng mahina habang hindi inaalis ang titig sa'kin.

"Cinderella." Anas niya. Tumayo siya para lumabas ng kwarto. Ngunit bago tuluyang lumabas, huminto siya sa tapat ko at bumulong. "I want to make your clothes disappear at midnight."

SEDUCING THE THORN °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon