CHAPTER 12

3.3K 97 48
                                    

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o mairita kay Dos. Tinotoo niya kasi ang sinabi niyang hindi niya ako titigilan hangga't hindi niya ako mapapasagot. Ayaw kong ipagkaila na minsan, nakakakilig ang mga ginagawa niya pero nakakainis din kasi ayaw ko ngang maulit ang nangyari sa'kin noon. Maaaring iba si Dos kay Jared pero ayaw ko paring subukan. Alam kong ang tulad ko ay hindi magiging karapat-dapat sa kanya.

"Good morning puppy. Breakfast is ready."

"Ano?" Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Napatakbo ako papunta sa dining area. Totoo nga. Nakahanda na nga ang agahan. Ano'ng oras ba siya gumising at naunahan niya pa akong magluto?

"Sir Dos naman e!"Naiinis na angal ko. "Kinukuhanan niyo na po ako ng trabaho. Mabuti pa siguro, sisantihin niyo nalang ako."

"Ito naman. Para ngayon lang e. 'Wag ka ng magalit." Aniyang nakanguso pa. Letche. Para siyang bata na hindi mo hihindian kapag may hiningi sa'yo.

Napatingin ako sa scrambled eggs, sa corned beef at hot dog na niluto niya. Lahat na-overcook maliban sa corned beef na ligong-ligo sa mantika. Nakonsensiya tuloy ako dahil talagang nag-effort siyang magluto kahot palpak-palpak lahat. 😂🙈

"O sige na. Kain na tayo." Sabi ko. "Pero hindi ka na ulit magluluto habang nandito ako. Trabaho ko 'yan e."

Ngumiti siya ng abot tenga.

"Masusunod, kamahalan." Tumango nalang ako saka sumandok na ng pagkain. Pinanood ako ng mokong na kumain. "Is it good?"

Maalat ang corned beef at halos wala namang lasa ang scrambled egg.

"Oo. Okay lang. Kumain ka na." Nilagyan ko na ang plato niya ng pagkain para makapagsimula narin siya. "Hotdog nalang ang kainin mo at... itong...itong itlog."

"Why? What's wrong with the corned beef?" Nagtatakang tanong niya.

"Ah...ano e. Masyadong maraming mantika. Ayaw mo no'n, remember?" Tumango nalang siya't nagkibit-balikat.

"So?"

Napaangat ako ng ulo para tingnan siya. Ano'ng so?

"So? Ano'ng so?" Asik ko sa kanya nang nakakunot ang noo sa labis na pagtataka.

"Kailan mo 'ko sasagutin?" Nakangising tanong niya.

Gago.

"Kumain ka nga. Gutom ka e. Alam mo, masarap 'yang corned beef. Kumain ka niyan." Sabi ko dahil sa pagkakataranta. Nilagyan ko pa nga ng isang sandok ng nasabing pagkain ang plato niya. Nang nakangisi, kumain naman ang kumag noon. Napatakbo siya sa sink. Imbes na makonsensiya ay tinawanan ko siya.

"Ang sama mo." Sita niya pagbalik sa upuan. "Ang sama talaga ng ugali mo."

"Eh gano'n naman pala. Eh ba't mo 'ko gusto?" Bulalas ko nang wala sa sarili. Natampal ko ang bibig ko matapos sabihin 'yon. Abot tenga na naman ang ngisi ng mokong.

"Bakit kita gusto? Ewan ko din sa sarili ko. Ang dami namang magagandang babae diyan."

"Che! Kupal ka! Bilisan mo na nga lang diyan." Naiinis na sambit ko sabay tayo. Dinala ko sa sink ang pinagkainan ko na hinugasan ko rin kaagad.

"Ito namang baby ko." Saad ng sira-ulo matapos akong yakapin bigla mula sa likuran. Hindi ko naman siya namalayang lumapit dahil nga naghuhugas ako. "Wag ka ng magalit. Ikaw lang talaga ang gusto ko kahit na marami namang mas  magandang babae sa mundo."

"Alam mo kung ano ang gusto ko Dos?"

"Ako? Gusto mo 'ko."

"Ang kapal ng mukha mo. Gustong-gusto na kitang patayin. Bitiwan mo 'ko ngayon din kung ayaw mong balian kita ng buto."

SEDUCING THE THORN °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon