Abs ni Dos ang bumati sa'kin pagpasok ko ng unit. Nasa sala kasi siya, nagte-tread mill. Bumili siya ng work-out equipment? Wala 'to dito dati e.
"How's your day, puppy?"
"Naubusan ka na ba ng damit? Ipaglalaba kita." Sagot ko instead.
"Ano'ng problema mo sa abs at muscles ko, baby?"
Nagkibit-balikat nalang ako. Pumasok ako ng kwarto para magbihis. Paglabas ko, nakadamit na ang mokong.
"Labas tayo, Brook."
"Ba't di mo imbitahan ang mga kaibigan mo? O kaya ang girlfriend mo, si Jeanette?"
"Kakalabas lang namin kanina ni Jeanette."
Napatingin agad ako sa kanya nang sabihin niya 'yon. Abot tenga ang ngiti niya habang sinasalubong ang tingin ko.
"Baby! I'm joking!" Tumawa siya't lumapit sa'kin. "Selos ka naman e."
"Selos? In your face!"
"Ayaw pa aminin e." Panunudyo niya. "Please. Sige na, samahan mo na ako. Labas tayo. Gusto kong kumain ng seafoods."
"Mag-order ka. Magpadeliver."
"Ayaw." Parang bata na sambit niya. "Please samahan mo 'ko. "Do'n sa kinainan natin minsan? Yong nagkakamay lang?"
"Ayoko nga. Ang kulit mo."
"Broooookiiiieeeee." Utal niya sa naglalambing na tono. Bwesit. Nagpa-pout pa ang kumag. Ang cute. Ugh! Brook, mga sinasabi mo, hoy! Ano 'yan?
"Ano'ng gagawin ko para makaintindi kang ayoko?" Pagtataray ko parin.
"Samahan mo 'ko." Pang-aasar niya. Nakangiti pa ang kumag, halos pikit na ang mata.
"Asungot ka talaga."
Nang makita ako ni Dos mula sa kwarto niya, nakangiti na naman ang mga mata niya. Napatingin ako sa suot niya. The denim cap. Suot niya ulit samantalang suot ko rin 'yong isang light denim cap na magkasama niyang binili. Gaya ng suot din namin dati noong unang lumabas kami.
"Is this like a couple thing? Matching get up and—"
"Shut up." Tumawa siya ng malakas saka kinurot ang nanahimik kong ilong. Sinamaan ko siya ng tingin pero binalewala niya lang 'yon.
Mga dalawang minuto na akong nakatitig kay Dos mula ng i-serve ang order namin. Nagsimula na siyang kumain samantalang pinapanood ko naman siya.
"Bakit ba ang sungit mo sa'kin ngayon?" Sita niya. "Kumain ka na."
"Ba't ba kasi gusto mong dito kumain e hindi ka naman marunong kumain ng nakakamay? Hindi kita ipaghihimay gaya ng dati. Bahala ka diyan."
Hinayaan ko nga siya pero ilang minuto lang ang nakalipas, nakonsensiya akong panoorin siya. Pinaghimay ko siya ng hipon at ng alimango na inorder niya.
"Sabi ko na, hindi mo 'ko matitiis." Nakangising wika niya.
"Dito ka lang. Baka may kutsara't tinidor sila dito. Magtatanong ako."
Iniwan ko siya para pumunta sa counter.
"Ate, may kutsara't tinidor po kayo? Eh ang kasama ko kasi... Hindi marunong magkamay." Sabi ko sa isa sa mga serbedora ng kainan.
"Maghahanap ako sa kitchen. Sandali lang hija."
Ngumiti ako bilang pagsagot. Halos isang minuto narin akong naghintay na bumalik ang babae. Nabagot ako kaya nilingon ko si Dos.
Anak ng...
"See? You learned how." Sabi ng babae na nagturo kay Dos kung paano kumain ng nakakamay habang naghahanap ako ng kutsara kanina. Ang bilis nakapambabae ah. Mahaba kasi ang mesa sa kainan, parang nakadesinyo para sa boodle fight. Katabi ni Dos 'yong babae. Kinabahan akong nakatingin sa babae, feeling ko mapunit ang mukha niya sa lapad ng ngiti niya e.
BINABASA MO ANG
SEDUCING THE THORN °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfic[The Palmer Brothers: DOS] - I was surrounded by roses but I ended up loving the thorn. I forgot that it can give pinpricks and could make me bleed.