BROOK
Ayaw na ni mama na bumalik ako ng Maynila ngunit ipinaliwag ko sa kanya ang trabaho na meron ako do'n pati narin ang pag-aaral ko sa ESA.
"Brooklyn, hindi ko gusto ang lalaking 'yon para sa'yo." Sabi ni mama matapos ko siyang kumbinsihin.
"Ma. Mabuting tao si Dos."
"Ganyan din ang sinabi mo noon kay Jared. E anong nangyari Brook? Pinapahiya ka nila. Tinatapak-tapakan ng pamilya nila ang dignidad at pangalan natin. Anak... ayoko lang masaktan ka ulit. Ayokong sinisiraan ka ng mga tao... na hindi man lang kita magawang ipaglaban." Naiiyak na saad ni mama. Napayakap ako sa kanya.
"Ma. Hindi ako sasaktan ni Dos."Giit ko kay mama. "Ma... Mahal ko na e."
Hindi sumagot si mama. Siguro ay hindi niya inaasahang sasabihin ko 'yon. Hindi niya rin ako matingnan.
"Magtatapos ako ng pag-aaral ma. Pangako... Tutuparin ko ang mga pangarap natin. Magiging karapatdapat ako kay Dos ma."
Hindi siya sumagot bagkus at tumalikod pa si mama at pumasok ng kwarto. Napabuntong hininga ako para mapigilan ang mga mata kong umiyak. Nang makita si kuya Cadmus na nakatayo sa may pintuan, yumakap ako rito.
"Kuya..."Umiiyak na sambit ko.
"Shhh. Magiging okay din si mama. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya. Alam mo namang pangarap ko para sa'yo ang makapag-aral." Pahayag niya. "Ako ang bahala kay mama. Wag kang masyadong mag-aalala sa'min dito."
Naging smooth ang takbo ng lahat pagbalik namin ng Maynila. Sa tulong ni Chef Randy, hindi ko kailangang i-give up ang pagtatrabaho ko sa restaurant dahil sa pag-aaral. From full time, part-time nalang ang trabaho ko rito. Change shift nga lang, hindi ko na makakasama sa kitchen sina chef Randy. 7-10pm ang schedule ko sa trabaho. Dahil hanggang 5PM lang din naman ang mga classes ko, nakakauwi pa ako ng condo para maipagluto ng hapunan si Dos.
"First day of school mo, Brook. Wag kang pasaway." Tumatawang bilin ni Dos bago kami bumaba ng kotse.
"Kailan ba ako naging pasaway?"Nakataas ang kilay na asik ko sa kanya. "Ikaw nga 'yan e. Subukan mong mambabae, durog 'yang buto niyo ng babae mo."
"Hala. Possessive si baby Brookie." Tumawa siya at humarap sa'kin ng maayos. Nakakailang nga eh. Kung makatitig kasi ang mokong... "Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko eh. Hindi na ako maghahanap ng iba."
"Ang sweet natin ano?" Sarkastikong saad ko. "Pero late na tayo."
Bumaba na ako ng kotse. At nang balingan ko ang kumag, nakasimangot siya.
"Wala man lang ba akong kiss?"
"Ikiss mo 'yang nguso mo sa ere. See you tonight."
Tonight. Dahil napagkasunduan namin na as much as possible, gagawin namin lahat para hindi ako mabibigyan ng attention ng mga tao dahil lang girlfriend ako ng isang Dos Palmer. Siyempre, hindi siya pumayag pero nagalit ako kaya napilitan siya. Habang naglalalad sa pasilyo, naririnig ko ang tilian ng mga babae. Nagngingitngit nga ang puso ko nang malingunang si Dos ang dahilan ng ingay. Talaga bang ganyan siya kalakas sa mga babae? Parang nagsisisi ako ngayong hiniling ko sa kanya ang low-key relationship namin sa school.
"Gosh. Dooooosssss!"
"Ang gwapo talaga ni Dos, ano?"
"Ang swerte ng magiging girlfriend nya. 'Yong hindi lang flavor of the day nya. Ang sarap niya sigurong kayakap sa mga gabing malalamig."
"Nakakalaglag panty talaga ang Palmer brothers. Kahit si Dos lang, please!"
"Anakan mo 'ko, papa Dooooos!"
BINABASA MO ANG
SEDUCING THE THORN °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfiction[The Palmer Brothers: DOS] - I was surrounded by roses but I ended up loving the thorn. I forgot that it can give pinpricks and could make me bleed.