Maaga akong gumising at dumiretso sa shower para makapagluto ng agahan ni Dos. Nagulat nalang ako nang madatnan siya sa kusina na nag-iislice ng mga spices.
"Dos! Ano na namang ginagawa mo?" Sita ko sa kanya. Lumapit agad ako at binawi ang kutsilyong hawak niya. "Magre-resign na talaga ako kapag sinubukan mo pa ulit."
"E..." Nagkamot siya ng ulo. "I just want to know how to cook."
"Fine. Tuturuan kita pero hindi ka magluluto kapag nandito ako. E wala na akong silbi no'n."
"Talaga? Tuturuan mo 'ko?"
"This weekend na. Mahirap na baka ma-late ako sa trabaho e. Baka slow learner ka." Pang-aasar ko.
"Fast-learner 'to oy. Isang segundo lang yata kitang natutunang mahalin e."
Tinapunan ko siya ng masamang tingin.
"Napakabolero talaga nito. Tsk."
"It's the truth puppy." Giit niya pa. "Ngayon mo nalang ako turuang magluto. I'll call Denis or tito Levi himself—"
"Sapak, gusto mo?" Ngumisi lang ang kumag. "Hindi mo naman kailangang magluto e. Nandito nga ako para do'n diba?"
"Eh paano kapag nagkasakit ka?" Pangungulit niya.
"E di kumain ka sa labas o kaya magpadeliver ka."
"Nope. What if we get married and you get pregnant and you crave for something that I cook?"
"Unang-una, hindi tayo ikakasal, hindi ako magbubuntis ng anak mo kaya hindi 'yan mangyayari." Nakangising bara ko sa kanya.
"Ang sakit no'n a." Pabulong na sambit niya habang nakasandal sa counter. Nagfocus nalang ako sa paghihiwa. Nang hindi parin nagsalita si Dos makalipas ang ilang minuto, sinulyapan ko na siya. Nakatitig siya sa kawalan, seryosong-seryoso ang mukha.
"Sir Dos?"
"Don't apologize to me for being honest."Aniya pa bago ako tinalikuran. Letche. Bakit sumisikip ang dibdib ko? Joke lang naman kasi 'yon! Ugh. Nakakaasar naman o. Minadali ko ang pagluluto para puntahan si Dos. Napakunot ako noo nang makita siyang naglalaro ng playstation sa halip na maghanda para sa klase niya.
"Sir Dos?" Maysuot siyang headset kaya hindi niya siguro ako narinig. Kaya kinalabit ko nalang siya upang makuha ang atensiyon niya. Tumingala siya para tingnan ako; magkasalubong ang mga kilay niya. "Kain na po."
"Mauna ka na." Sabi niya't bumalik sa paglalaro. Hindi ako gumalaw. Mayamaya ay binalingan niya ulit ako. "Mauna ka ng kumain." Pag-uulit niya.
Nairita siguro siya dahil hindi ako kumibo, tumayo siya ng padabog at hinila ako papunta sa dining area. Napatitig siya sa mga nakahain sa mesa pagdating niya. May isang plato na may lamang dalawang sunny-side-up na itlog na nagmistulang mata at isang slice ng orange para mabuo ang smiley face. Sa isang plato naman ay may tatlong pancakes na nakapila pataas at sa ibaba nito ay may nakasulat na 'SORRY' gamit ang chocolate syrup nito. Nang tumingin siya sa'kin, ngumiti ako.
"I told you it's okay." Sabi niya't naupo na.
"Hindi ka naman okay e. Joke lang naman kasi 'yon."
"Joke? Di ba dapat nakakatawa ang joke?"
"Oo na. Sorry na."
"Kiss mo 'ko."
Tinaasan ko siya ng kilay saka inirapan. Matapos kumain ng isang pancake at uminom ng gatas, nagpaalam na agad akong umalis bago pa ako ma-late.
"Ihahatid na kita. Kukunin ko lang ang susi." Sigaw ni Dos nang nasa may pintuan na ako.
"Hindi ka pa tapos kumain e—"
BINABASA MO ANG
SEDUCING THE THORN °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfic[The Palmer Brothers: DOS] - I was surrounded by roses but I ended up loving the thorn. I forgot that it can give pinpricks and could make me bleed.