Nakakainis talaga 'tong Dos na 'to. Hindi ako makatulog e! Kanina pa nagpe-play ng paulit-ulit ang boses niya sa ulo ko. Bwesit. Nakakaasar talaga. Nang sabihin niya kasi 'yon, ang seryoso ng mukha niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang kaba ko. Tapos, hindi niya man lang ako hinayaang magsalita. Iniwan lang ako agad at pumasok sa kwarto niya.
"Puppy? Ba't ang laki ng eyebags mo?" Tumatawang bungad ng sira-ulo kinaumagahan.
"Oversleep." Mabilis na sinagot ko nang nag-iiwas ng tingin. Bwesit na taong 'to talaga.
"Oversleep? It's more like you haven't sleep at all."
Gago ka. Ikaw naman ang may kasalanan ng lahat ng 'to. Bwesit. Pagsusungitan ko pa sana siya kaya lang ay tumunog ang doorbell.
"Ako na." Boluntaryo niya. "Can you..." Tumingin siya sa paligid habang nag-iisip ng sasabihin. "...clean my room?"
"Sure po. Wala pong problema."
"Okay." Nagtaka ako nang hindi niya pa binubuksan ang pinto. Nakatingin siya sa'kin nang nakataas ang dalawang kilay. "I want you to clean it now."
"Ah..." Napangiwi ako. "Okay po."
Pumasok ako sa kwarto niya at napataas lang ako ng kilay. Ano namang lilinisin ko rito? Napalingon ako sa paligid, naghahanap ng pwedeng linisin. Ang linis-linis na kaya. Binuksan ko ang closet, nagbabakasakaling may makitang makalat o magulo pero gano'n din. In-order lahat. Baka pina-prank na naman ako nitong kumag. Nang maisip 'yon, nagmamadaling tinungo ko ang pinto para lumabas. Mula sa maliit na awang, sinilip ko muna siya. Ayun siya, sa may pintuan. Kakasara niya lang ng pinto. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. May dala siyang bouquet ng bulaklak.
"Sir Dos. Malinis na naman po. May gusto po kayong ipaayos? Mukhang okay naman po kasi—"
"Gago. Talagang seryoso nga siya." Pabulong na sambit niya. Wow. Hindi siya nakikinig sa'kin.
"Okay lang po kayo sir?"
Hindi parin siya sumagot. Nilagpasan niya lang ako at dumiretso sa trash bin sa may kusina. Itinapon niya do'n ang bulaklak na hawak niya. Gusto ko sanang sabihing sayang 'yong bulaklak pero itinikom ko nalang ang bibig ko. Mukhang may malaki siyang problema e. Parang binagsakan ng lupa ang mukha niya.
"Brook, I want you to be honest." Kinabahan ako kaya tumayo ako ng maayos. "Is it possible for you to like Rio?"
"Rio? Sino po?"
"Yong kaibigan ko. Si Rio."
"Ano'ng like pong ibig niyong sabihin? Kasi sir Dos, hindi ko naman po 'yon kilala. Paano ko malalamang kagusto-gusto 'yong tao na 'yon o hindi."
"You're saying that you want to get to know him?"
"Po? Hin—hindi."
"No. That's what you're saying. So you might really like him. Well, just to give you a hint if you haven't seen the obvious, mas gwapo ako kaysa sa kanya." Napataas ang kilay ko sa lakas ng hangin. Wew. "Mas maganda rin ang katawan ko at mas malaki ang..." Ngumisi siya samantalang nanlaki ang mga mata ko. "Mas malaki ang puso ko."
"Oo nga po e. Hindi nga po halata. Buti sinabi niyo." Natatawang sagot ko. Nilagpasan ko siya para tumungo sa balcony.
"Anyway, those flowers are from him. The jerk likes you." Anunsiyo niyang nagpatigil sa'kin sa paglalakad. "Hindi ko nga pala naitanong. May naiwan ka bang boyfriend sa probinsiya?"
"Boyfriend?"
Ngumiti ako ng hilaw dahil sumagi sa isip ko si Jared. Ang gagong si Jared. Tsk. Hay naku! Iwaksi mo sa isip ang isa pang gago na 'yon, Brook.
BINABASA MO ANG
SEDUCING THE THORN °[KathNiel] ✓COMPLETE
Hayran Kurgu[The Palmer Brothers: DOS] - I was surrounded by roses but I ended up loving the thorn. I forgot that it can give pinpricks and could make me bleed.