CHAPTER 10

3.6K 102 27
                                    

Brook

Kakalabas ko lang mula sa kitchen, una kong namataan si Rio na nakaupo sa harap ng isang table, mukhang may malalim na iniisip. Naglalakad ako papunta sa kanya pero napatigil ako nang magvibrate ang phone.

Boss Yabang
We'll go out tonight. Cancel all your appointments. Just so you know, I'm outside waiting.

Ano? Napailing ako and at the same time, natatawa sa kanya. Patawa talaga 'tong sira-ulo. Last week pa siya. Sumilip ako sa labas at nando'n nga siya. Nakasandal sa kotse niya.

"Brook." Tawag ni Rio na hindi ko namalayang lumapit sa'kin. "Let's go?"

"Ah. Naku Rio. Sorry. Nasa labas kasi si Sir Dos. Mukhang may pupuntahan kami. Mago-grocery siguro."

Ngumisi siya habang napapailing kaya nagtaka ako.

"Of course." Anas niya. "Brook, before you leave, I just wanted you to know that I am serious about you. I want to know you better."

Napatungo ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Gusto kitang ligawan." Dugtong niyang nagpatigas lalo ng panga ko. "Wala ka namang boyfriend diba?"

"Ha? Ah—Wa—wala."

"Good. Nothing's going to stop me then." Huminga siya ng malalim. Kinuha niya ang kamay ko para hawakan 'yon. "I really like you, Brook."

Lihim na ipinagpasalamat kong dumating si Dos. Tumikhim siya kaya napakalas ako sa pagkakawak ni Rio habang nabaling naman ang atensiyon ni nito kay Dos.

"Bro, if you don't mind, Brook and I have to go." Paalam ni Dos sa kanyang kaibigan.

"Sure."

Napahinga ako ng malalim matapos sumakay sa kotse. Oh my gosh. Bakit ako kinakabahan ng gano'n? Hindi naman ito ang first time na may nanligaw sa'kin. Woah. Kinapa ko ang nagwawala kong puso na hindi pa humuhupa sa kaba. Puso? Natatakot ka na bang magmahal ulit?

"Okay lang 'yan. Nakakatakot naman talaga." Bulong ko sa sarili ko.

"Ano'ng nakakatakot?" Tanong ni Dos na nagpalaki ng mata ko. Anak ng... Nakalimutan kong nandito nga pala siya tapos kinakausap ko pa ang sarili ko. Tanga mo din minsan, Brook.

"Wala sir. Sa'n nga po pala tayo pupunta mamaya?" Tanong ko para ibahin ang usapan.

"Ano ngang nakakatakot? May ginagawa bang mali sa'yo si Rio?"

"Po? Wala sir!" Mabilis na sagot ko. "Wala." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Did he kiss you?"

"Ha? Hi—hindi. Hindi po." Sagot kong sinasabayan ko ng pag-iling. "Hindi po."

Geez. Naalala ko tuloy ang gagong Jared na 'yon. Paano ba naman? Ang tanga ko't naibigay ko sa kanya ang first kiss ko. Hindi ko naman binigay 'yon, ninakaw niya. Pero okay lang, basag naman ang mukha niya pagkatapos no'n. Hinalikan siya ng kamao ko.

"Really Brook because you look like you're recalling your first kiss right now. Tsk."

"Sir Dos, kung totoo man ang sinasabi niyo, totoo din ang sinasabi ko. Hindi ko naman first kiss si Rio. I mean, hindi kami nagki-kiss." Natatawang paliwanag ko. Ba't ba siya nagagalit? Hindi na maipinta ang mukha niya at magkakasalubong na nga halos ang mga kilay niya.

"So you've kissed someone else already?"Sita niyang nagpapula lang lalo ng mukha niya. "What the hell. Do I know that guy? I'll kill him." Bulong niyang dinig na dinig ko parin.

SEDUCING THE THORN °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon