Nagulat ako paggising ko kinabukasan. E paano ba naman? Mabungaran mo ba naman ang mukha ni Logan pagkagising na pagkagising mo. Badtrip 'yon. Haha.
"Ang aga niyo bumalik a. Wasn't it supposed to be a week vacation?
Napaka-usyosiro talaga nitong kumag.
"Buti naman at nagising ka. Nauntog ka ba sa byahe?" He asked in sarcasm and with a grin.
"Oo. Masaya ka na?" Sarkastikong sagot ko. "I'll book myself a flight back to Manila today."
"Just leave in two days para sabay na tayo. Papa-Maynila pa kasi kami ni Auriel."
"Tama ka nga. Hindi ko matitiis ang babae na 'yon. Makikita ko lang ang mukha non, napaparanoid na ako. So I should leave. Baka sa susunod nito, kikidnap-in ko na 'yon."
"Ito naman. Hindi ka naman siguro gano'n katanga."
"Gago. Basta kung ano'ng soonest na available, 'yon ang ibo-book ko."
I booked a flight for tomorrow morning. Logan and Auriel invited me for dinner but I politely declined. I just drove anywhere in the city until I decided to pass by Dos Amores, secretly hoping to see Brook for one last time. The waitress told me that she didn't go to the restaurant this day so I drove straight to her house. Someone opened the gate for me. I'm good at convincing people, you know? Hindi kasi dapat ako papapasukin ng housemaid kaya napilitan akong gamitan ng charm ko. As always, it worked though.
"Nice pool." I complimented after Brook swam to the edge of the swimming pool. Nagulat siya nang makita ako kaya nagmamadali siyang umahon. Damn that perfect curvy body. Magsusuot na sana siya ng robe nang may bigla akong napansin. "Brook? What's this? What happened to your arm?"
"It's nothing." Sagot niya saka nagpatuloy sa pagsuot ng robe.
"Is he hurting you?" Galit na tanong ko. Umiwas siya ng tingin. "Sinasaktan ka ba ni Jared?"
"Of course not! 'Yang pasa na 'yan. Aksidente 'yan. I got it from the falls, remember?"
Napatungo ako. Convincing. Baka nga nagsasabi siya ng totoo. Hindi naman siguro siya sasaktan ng gagong fiance niya. Babasagin ko ang pagmumukha no'n kung susubukan niya.
"I'm sorry." I apologized sincerely.
"Ano ba'ng kailangan mo?"
"Uuwi na kasi ako. Gusto ko lang magpaalam. Masama bang gustuhin kong makita ang isa sa mga kaibigan ko?"
Nagmumukha ka na namang tanga Dos. Ang galing-galing mo diyan ngayon. Ang galing mong magtanga-tangahan. Tsk.
"Babalik ka na ng Maynila?" Tanong niya sa tila malungkot na himig. O nag-aassume na naman ako.
"Oo eh. At may ibibigay nga pala ako sa'yo."
"Ha?"
"Don't worry. Magugustuhan mo 'to." Nakangiting tugon ko. Kumunot ang noo niya, tila hindi naniniwala sa'kin. "Here." I took the box out of my pocket and gave it to her. It's a small velvet box. Nanlaki ang mata niya kaya napangiti akong lalo. "Don't worry. Hindi 'yan singsing."
"Para ka talagang ewan. Ano ba 'to?"
"Mamaya mo na buksan pag-uwi ko."
"Okay." Inayos niya ang tali ng robe at pinanood ko lang siyang ginagawa 'yon. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Pakiramdam ko kasi ito na talaga ang huling magpapakatanga pa ako sa kanya. "Sige na. Umuwi ka na at ng mabuksan ko 'to." Sabi niya at saka tumawa.
"Ang sama nito. Hindi mo man lang ba ako papapasukin o offer-an ng inumin."
"Ah. Yah. Right. Pasok ka. Kumain ka na? Magluluto ako."
BINABASA MO ANG
SEDUCING THE THORN °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fiksi Penggemar[The Palmer Brothers: DOS] - I was surrounded by roses but I ended up loving the thorn. I forgot that it can give pinpricks and could make me bleed.