(A: Here comes my favorite chapter so far! ♥ Don't forget to vote and comment your reactions. Luh. Bahala kayo diyan! XD)***
DOS
The following days were happy and tickled pink ones. Masaya lang ako parati —na nakikita ko si Brook at nakakasama. Brook and I spend everyday together, maybe more than 10 hours a day. Minsan, kapag napipilit ko siya, she stays with me in the suite. And tonight is one of those.
"Mahal." Tawag ko matapos ang ilang minuto ng katahimikan. Nakahiga kaming pareho ni Brook sa kama. Akala ko nga natutulog na siya e.
"Hmm." Anas niya sabay isod ng mas malapit at saka yumakap sa'kin.
"Naalala mo 'yong gabing pinuntahan kita sa bahay mo?" I asked her.
"Oo. 'Yong binigyan mo 'ko ng knorr cubes."
Napangiti ako matapos balikan ang alaalang 'yon. Kaya lang ay agad ding nawala ang ngiti sa labi ko.
"May nakita akong pasa no'n sa braso mo. You lied to me about it, didn't you?"
Brook looked up to meet my eyes. She just smiled a small and sad smile.
"Bakit ka niya sinasaktan?"
Silence. She answered me with silence. I was about to ask her again but then she butt in.
"Because I deserve it."
"Don't be stupid Brook. You can be everything except that." Naiinis na sabi ko.
"Hindi Dos. Iyon ang deserve ko. Si Jared...nasa tabi ko palagi 'yon e." Nagsimula na naman siyang umiyak. "Ilang taon ko siyang pinagtabuyan pero hindi siya umalis. Hanggang sa... 'yon, binigyan ko siya ng pagkakataon kasi alam ko naman no'n na wala akong karapatang bumalik sa'yo. A year ago, akala ko okay na. Akala ko, natutunan ko na siyang mahalin ulit tapos... bumalik ka. Pinilit ko 'yong puso ko na si Jared ang piliin kasi ikakasal na kami diba? Palagi siyang nagseselos kaya nasasaktan niya ako."
"Ba't mo siya hiniwalayan?" Tanong kong hirap na hirap akong bigkasin kanina.
Biglang bumangon si Brook at ibinaba ang kumot na nagtakip kanina sa hubad niyang katawan. May hinawakan siyang peklat sa gilid ng bewang niya.
"When he woke up in the hospital after your fight, he threw a scissor at me. Hindi niya naman sinasadya 'yon—"
"Gago na 'yon. Paano kung natamaan ka somewhere? Sira-ulo pala 'yon e!" Nanggigil na anas ko matapos bumangon.
"Hindi niya 'yon sinasadya Dos—"
"What the heck! Ipagtatanggol mo pa ang gagong 'yon Brook?"
"Dos, he could have hurt me before but he didn't. Nadala lang siya ng selos niya. Natatakot lang siyang ikaw ang piliin ko. Natatakot siya kasi alam niya kung gaano kita kamahal."
"Brook, hindi mo deserve 'yon. Hindi."Umiiling na saad ko. "Gustong-gusto ko siyang saktan ulit."
"Dos. I'm okay. Okay na ako." She assured me and again covered herself.
"Halika nga dito." Tawag ko nalang para pakalmahin ang sarili kong nanggagalaiting bugbugin ang gago.
Niyakap ko si Brook ng mahigpit. Naninikip ang dibdib ko sa nalaman ko. Napakagago ng Jared na 'yon. Paano niya nakakayang gawin 'yon sa anghel na 'to?
"I love you, baby. I love you. I promise you will not go through that again. I'm here. Aalagaan kita Brook at mamahalin kita habang-buhay."
"Thank you Dos. Thank you for never giving up on me."
BINABASA MO ANG
SEDUCING THE THORN °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfiction[The Palmer Brothers: DOS] - I was surrounded by roses but I ended up loving the thorn. I forgot that it can give pinpricks and could make me bleed.