CHAPTER 11

3.4K 119 39
                                    

Sabado ngayon, day-off ko sa trabaho. Maaga akong gumising para ipagluto ng breakfast si Dos. Nang kumuha ako ng gamit ko sa loob ng kwarto niya, kita kong ang himbing ng kayang tulog. Hanggang ngayon, mukhang hindi pa nga nagigising. Ilang minuto lang matapos kong ihanda ang breakfast ay dumating si Logan.

"Bango niyan chef ah!" Bungad niya sa'kin na may ngiting abot-tenga.

"Ang aga mo." Nakangising sabi ko. Ang aga pa para sulungin niya si Dos para sa mga katarantudahan nila.

"Eh kasi wala naman akong cook sa condo. War kami ni dad kaya di ako umuwi. Makikikain lang ako."

"Ano 'yan? Papagurin mo sa pagluluto si Brook?" Sabad ni Dos na naglalakad papalapit sa'min, walang suot na tshirt. Gago 'tong lalaki na 'to, may dalang tshirt pero hindi sinusuot. "Why are you fighting with tito again?"

"Brook doesn't mind bro. She loves to cook." Sagot niya saka kumuha ng apple sa fruit tray. "And about dad, let's not talk about him."

"Puppy, where are you going?" Tanong ni Dos nang umamba akong aalis sa dining area.

"Hindi pa kasi ako gutom."

"Kumain ka. Nagpapalipas ka ng oras sa pagkain e. Umupo ka."Maotoridad niyang utos. Hindi na ako nakapalag dahil hinatak niya na mula sa ilalim ng mesa ang upuan para paupuin ako. Hindi naman nakatakas sa'kin ang ngising abot tenga ni Logan habang tinitingnan kami.

"Bro, I think your girlfriend isn't used to seeing you naked." Tumatawang sabi niya pa.

Sasagutin ko sana siyang hindi ako girlfriend ni Dos pero naunahan ako ni Dos na magsalita.

"Hindi ka parin sanay?" Panunudyo ng mokong. Flinex niya pa ang braso niya, nagyayabang ng muscles niya sa katawan.

Nakakaasar nga e. Ang totoo, ang dami ko ng nakitang lalaking topless. Mga lalaki kaya ang mga pinsan ko na kasama kong lumaki. At si kuya Cad, naglalakad 'yon sa bahay ng walang shirt. Hindi ko lang alam pero hindi ako mapakali pagdating kay Dos.

"Oo na. Magbibihis na ako." Nakangising sabi ng mokong saka sinuot ang puting tshirt na hawak niya kanina pa. "Kain na tayo." Nilapit ni Dos ang mukha niya sa'kin para bumulong. "Eat up or I'll eat you."

"Gusto mong mamatay, sir Dos?" Tugon kong sinadya kong ibulong sa kanya.

"Matagal na akong patay Brook. Patay na patay nga e." Parang mapupunit na ang labi niya sa labis niyang pagngiti e. "Sa'yo." Dugtong niyang nagpakunot ng ilong ko sa pandidiri.

"Ang korni mo. Kumain ka na nga." Asik ko na nagpataas ng kilay ni Logan bago tumawa.

"Brook, did he just talk dirty again? Because yup, he does that."

"Shut up or I'll throw you out." Sita ni Dos rito. Napailing nalang ako.

Naglaro ng playstation ang dalawa buong maghapon samantalang nabo-bored na naman ako dahil walang ginagawa. Tumatawag ako sa bahay pero wala namang sumasagot. Sinubukan ko ring manood ng TV pero inaantok ako sa mga palabas. Nasa balcony ako ngayon, tinitingnan ang mga nagtataasang mga building.

"Puppy."

Napatayo ako nang marinig ang boses niya. Sinenyasan niya akong bumalik sa upuan kaya sumunod ako. Tumabi siya sa'kin mayamaya pa.

"Are you bored?" Tanong niyang nginitian ko lang. "Want to do something fun?"

"Fun? Sa pagkakaalala ko sir Dos, iba ang description mo ng fun." Tumatawang sabi ko.

"It's not that kind of fun, I promise. Fun just means fun when it comes to you."

"Eh si Logan?"

SEDUCING THE THORN °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon