Dahil nabasag niya ang TV screen sa kanyang kwarto, nagyaya siyang manood ng movie doon sa kwarto na ginagamit ko. Nakakatawa lang isipin dahil hindi naman kami nanonood ng movie na pinagkasunduan namin. Eh ang timang kasi, nang-aasar, kanina pa nakatitig sa'kin. Sa huli, nagkwentuhan nalang kami, parehong nakahiga sa kama.
"Dos..." Tawag kong nagpalingon sa kanya. Nakatitig kasi siya sa kisame ng ilang segundo.
"Mahal mo na ako?" Nakangising untag niya matapos akong balingan.
Tinakpan ko ng palad ang mukha niya. Tumatawa siya habang inalis 'yon saka hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
"Yong seryoso, bakit ayaw mong papasukan 'tong kwarto dati?"
Hinalikan niya ang kamay ko saka ibinalik ang titig sa'kin. Matapang na sinalubong ko ang mga mata niya.
"The real reason why I want to stay here is because of Jeanette." Pahayag niyang nagpakislot ng palihim sa puso ko. "I had this condo since three years ago. Pero hindi ako dito nag-iistay. Jeanette and I used to meet secretly. Just almost a half year back, after a year that she left me, I was hoping she'd return. She will find me here... I used to tell myself. We've made so many memories and this room is where I kept them."
Tumingin si Dos sa kisame, napapailing.
"Life is always a fan of surprises. No'ng bumalik si Jeanette, pagpasok ko ng silid na 'to, it felt so much different. I knew back then I was willing to throw everything away about her." Binalingan niya ulit ako saka nginitian. "And I did. Dahil 'yon sa'yo."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang gusto ko lang gawin ng sandaling 'yon, titigan siya sa mata.
"Mom is a music advocate and she wanted us to be just like her. Growing up, she introduced us to music teachers aside from herself. Until three years ago, I met Jeanette. She brought out the best in me when it comes to art... to music. She's the same person who brought the worst in me as well. Believe me, Brook. I don't care about girls trying to get my attention before. Wala akong pakialam sa kanila."
"Pero nang iwan ka niya, saka mo nilandi ang buong population ng babae sa paaralan mo." Sabad ko para baguhin ang napakaseryosong atmosphere.
"Hindi ko sila nilandi. I just gave them the chance to feel what it's like to have me." Mayabang na sagot niya.
"Ang dami tuloy nagmay-ari sayo."
"Hindi ah. Tama ka naman, ginago ko lang sila. Walang nagmamay-ari sa'kin." Inirapan ko siya samantalang ngumiti naman siya. "So? If you'd be so kind, please take me and make me yours, Brookie."
"Ewan ko sa'yo. Manood na nga lang tayo." Tugon ko saka tinutok sa TV screen ang mga mata. Mayamaya, nahuli ko si Dos na nakatitig sa'kin. Ginantihan ko rin siya ng titig.
"Dos. May aaminin ako sa'yo."
"Mahal mo na rin ako?" Nakangising tanong niya. Napairap ako sa kakapalan ng mukha niya. "Oo na. Seryoso na, ano 'yon?"
"Wag kang magalit sa'kin."
"If it's about you and Rio kissing, magagalit ako."
"Dos!"
"Oo na. Seryoso na. What is it?"
"I went here. Pumasok ako sa room na 'to at nakita ko lahat." Nawala ang ngiti sa labi ni Dos. "Sorry. Hindi ko naman sinasadya 'yon e."
"So you've seen it all? Brook..." Tumitig siya sa'kin ng maigi. "Does she have something to do with why you're not giving me the chance?"
Ibinalik ko sa TV screen ang tingin ko sa halip na sagutin siya.
BINABASA MO ANG
SEDUCING THE THORN °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fiksi Penggemar[The Palmer Brothers: DOS] - I was surrounded by roses but I ended up loving the thorn. I forgot that it can give pinpricks and could make me bleed.