CHAPTER 1

5.5K 131 27
                                    

Brooklyn

Dapat talaga umuuwi ako matapos siyang ipagluto kasi hindi naman sinabi ni Logan na mag-iistay-in ako. Pero ang gagong amo ko na 'to, ang bossy! Kung sabagay, amo nga naman pala. Pero itong gago na 'to ang dahilan kung bakit hindi ako makaalis, kasi wala naman akong pera e. Ninakaw nga ang bag ko diba? Kung hindi ba naman kasi siya tanga at pinigilan akong lumpuhin 'yong magnanakaw na 'yon e.

"You can sleep on the couch..." Anito. "The one inside my room. Logan and our other friends own the sala."

Nagkibit-balikat nalang ako.
Tumango ako dahil wala naman akong choice. Isa pa, safe naman ako kahit kanino. Kapag itong kumag, nagloko, bali-bali ang buto nito sa'kin.

"Anyway, nagustuhan ko ang niluto mo for dinner. But I'll give you the list of food I do and I don't eat. I'll hand it tomorrow."

"Okay sir. Pero baka nakalimutan niyo po, wala po akong gamit. Hinayaan niyong tangayin no'ng gago kanina e." Hininaan ko ang boses ko nang sabihin ang huling pangungusap.

"I forgot about that. Busog na busog ako. Ayoko ng lumabas. Kumuha ka nalang ng tshirt sa closet ko."

Sinimangutan ko siya para mapigilan ang panggigigil kong gulpihin siya. Ba't ko naman susuotin ang shirt niya? Tsk.

"Babe. Hindi ako pwede ngayon." Narinig kong sabi niya sa katawag niya sa cellphone. "You can't come to my condo. Umuwi ako sa bahay namin."

Sinungaling.

Ibinaba na niya ang phone. Ang buong akala ko ay tapos na siya sa pagtetelebabad. Gago, nakalabas nalang ako ng banyo at nakapagbihis pero siya abala parin sa phone niya. Ang nakakagagong lalo, pareho lang ang sinabi niya do'n sa una niyang kausap kanina. Napailing na tinungo ko nalang ang couch. Sinalampa ko kaagad doon ang nangangawit kong katawan. Ang sarap matulog pero paano ko gagawin? Ang ingay niya. Kung ano-anong pangalan ng babae ang binabanggit niya at ginagamit niya parin ang parehong linya kanina.

Hindi na ako nagtaka nang magising kinabukasan na malalim ang eyebags. Dahil nilabhan ko kagabi ang damit ko kagabi, may pampalit ako matapos maligo para maipagluto na ang amo kong kumag.

"Hey." Tawag ng gago nang madatnan niya akong nagluluto sa kusina.

"May kailangan po kayo? O gustong ipaluto?" Tanong ko na hindi siya tinitingnan.

"What's your name again?"

"Brook." Tinatamad na tugon ko.

"Pangalan 'yan ng aso namin e."

Nilingon ko siya matapos sabihin 'yon. Habang nakangisi siya, sinamaan ko naman siya ng tingin. Gago— Anak ng bakulaw. Magiging ganito ba siya palagi tuwing umaga? Walang saplot? Ang ibig kong sabihin, maliban sa boxer shorts?

"You like what you see?" Pagyayabang nito na nagpataas ng kilay ko. Ano naman ang ibig niyang sabihin do'n? Ibinalik ko nalang ang atensiyon ko sa niluluto ko. "Ba't ka nagya-yaya? Aren't you supposed to be going to school?"

Hindi ko siya sinagot.

"I'm sorry but I need the answer. Since you'll be working for me, I have to know your background."

Napangalit ako ng ngipin para magpigil ng kasungitan. Bakit ba kasi niya tinatanong ang obvious?

"Sir, mas kailangan ko pong magtrabaho kaysa sa mag-aral."

"So it's financial problem then. Ilang taon ka na ba?" Patuloy na pag-uusisa niya.

"Eighteen." Tipid kong sagot.

"Oh? Magkaedad lang tayo e."

Walang nagtatanong. Tsk.

"Oo nga pala, aalis ako ngayon. If my friends will be here sooner nang hindi pa ako nakakauwi, don't mind them. Here are a few things I want you to keep in mind. You can watch TV inside the room. You can read my books and make sure to return them neatly in the shelves when done. Don't get in the other room and or mess up my video games."

SEDUCING THE THORN °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon