CHAPTER 45

2.6K 85 74
                                    

Brook

I will be leaving the country, maybe for good. I needed to really be somewhere far so I can move on but there's only one thing that's holding me from going, si Dos. When I turned to leave the memorial park, I saw someone I didn't anticipate to see again. And automatically just like that, tears started to race down my cheeks.

"Brook." Mahinang utal niya ng pangalan ko na nagpapikit sa'king mga mata. Dinamdam ko ang paghaplos ng hangin sa pisngi ko ng ilang segundo. Mayamaya pa ay binuksan ko na ang aking mata at nilingon ko ang puntod. It's what prompted Dos to continue drawing closer. Nagtatanong ang mga mata niya matapos titigan ang puntod. "Brook, what's this?" He started crying as soon as he looked into my eyes.

"Siya 'yong... gusto kong ipakilala sa'yo." Sagot kong pinipilit na huminga ng maayos kahit ang totoo ay hirap na hirap ako. "Si Dos Jr."

I looked at the tombstone of our son.

Dos D. Palmer Jr.

"I don't understand." He said, sounding vulnerably powerless. "Brook, I don't get it."

Tumango ako at nilapitan siya para yakapin. While feeling the warmth of his embrace, while crying the pain with him, I was taken back to the time I lost him and my other precious love.

Ten years ago.

Walang klase sa huling subject ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan nalang ako bigla kaya umuwi nalang muna ako ng condo. On the way, tumawag si Bea.

"Boo? Where are you? Mukhang papunta na si kuya Cad diyan para sunduin ka."

"Ha? Sunduin? Bakit?"

"Boo, teka lang. Kailangan kong puntahan si tita. I'll call you back." Natatarantang paalam ng pinsan ko. Lalo akong kinabahan. Pagdating ng condo, narealize kong nakailang tawag na pala si kuya kanina habang nasa klase ako. Nag-iwan rin siya ng text message.

From: Kuya Cadmus
Answer the phone, Brook. You need to get home.

Tinawagan ko si kuya dahil hindi ako mapakali. Sumagot naman siya kaagad.

"Kuya, ano'ng nangyayari?"

"Brook, paalis na si mama ng bansa para sa operation."

"Ano? Bakit ngayon niyo lang sinabi?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Kuya naman—"

"But Jared's on the way there to get you. He offered to help. Hindi ka kasi sumasagot sa mga tawag namin noong mga nakaraang araw." Sagot niyang nagpailing sa'kin. Totoong hindi ko sila pinapansin dahil galit parin ako sa kanila, sa ginawa nilang pag-away at pagsugod kay Dos. Tapos hiniling pa nilang iwan ko siya. "Sabay kayong lilipad para sundan si mama sa America."

SEDUCING THE THORN °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon