Ang galing ko talaga. Lahat nadadaan ko sa pagsisinungaling. Magtatatlong buwan palang mula ng makilala ko si Dos pero mas malaki ang naging espasyo niya sa puso ko kaysa dati kay Jared na nakasama ko ng halos dalawang taon. Love can never really be about time. Love is just... love. Walang paliwanag. Wait. Sinasabi ko bang? Ugh. No way.
"Sir Dos... Ba't na naman po kayo nagluluto?" Tanong ko. Nagising kasi ako't may narinig akong tunog ng piniprito. Alas kuwatro pa kaya ng umaga!
"Nagugutom po ba kayo? Ako na po niyan." Tiningnan niya ako, hinahayaan ang mga mata niyang magsalita para sa kanyang sarili. Napaatras ako. Sinisigaw kasi ng mga mata niya na layuan siya't 'wag siyang pakialaman.
Bumalik nalang ako sa kwarto kaysa magmukhang tanga sa harap niya. Hindi niya naman ako kinikibo! Halos isang oras ko ring tinitigan ang mga gamit sa closet pagkatapos ang malalim na pag-iisip. Magliligpit na sana ako ng mga gamit pero napaisip akong wala nga pala akong damit dito dahil siya naman ang bumili ng lahat ng nakikita ko ngayon sa wardrobe.
"Ito ang tama, Brook." Pagkukumbinsi ko sa sarili ko. "Kung sa tingin mo, ang paglayo ang sagot, gawin mo."
Napatalon ako sa sunod-sunod na katok sa may pintuan habang kinakausap ang sarili. Hindi ako lumapit para buksan 'yon. Kasi hindi naman kumakatok si Dos e. Dire-diretso lang 'yang papasok.
"Kain na tayo."Pagpapa-alam niya mula sa labas ng kwarto. Humigit ako ng malalim na hininga saka lumabas. Nakakailang habang magkaharap kami sa mesa. Hindi siya kumikibo. Hindi niya ako tinitingnan.
"Uhm... Sir Dos."
"Kalimutan mo na 'yong nangyari kagabi." Wika niyang hindi parin nakatingin sa'kin. "Kumain ka na para maihatid na kita."
"Sir... Ano po kasi. Ah." Pauutal-utal na anas ko. Napatingin si Dos sa'kin kaya lalo akong nanlamig sa kaba. "Aalis na po sana ako."
Binitiwan niya ang hawak na kutsara at tinidor. Tumayo narin siya at walang lingon-likod na nagpunta sa balcony.
"Sir Dos—"
"You don't have to leave." Diretsong asik niya sa'kin. "Don't be stupid. You don't have to leave." Sabi niya sa tonong galit. Nagpipigil lang siyang pagtaasan ako ng boses.
"Eh kasi sir, wala na naman po akong ginagawa dito e—"
"Is that so? Alright. Fine. You stay today and cook for me all day. I'll call tito you're sick. Magluto lang pala e. Edi magluto ka—"
"Dos—"
"Will you shut up, Brook?" Singhal niya. "You are not leaving."
Tinohanan niya ngang paglutuin ako ng kahit ano. Pinanood niya ako na para bang hinahanapan ako ng mali. Halos hindi na siya kumukurap. Samantalang nagpipigil naman akong masinghalan siya. Ano ba kasing trip niya sa buhay! Mas mahirap pa siyang i-analyze kaysa sa Math e! Walang formula para maintindihan siya.
"Sir Dos, ang dami na po nitong niluto—"
"I don't care." Sagot niya para putulin ako. "I just want you to cook. That's what you're here for, isn't it?" Walang kangiti-ngiting sabi niya. Napahiwa ako ng mabilis sa mga kailangang hiwain na sangkap upang ibunton nalang do'n ang labis na pagka-asar ko sa kanya. Daig pa niya ang nagpa-fiesta e.
Nang matapos ko lahat ng pinaluto niya, iniwan ko siya agad sa kusina at pumasok sa kwarto. Napasuntok ako sa kama habang nakaupo upang mailabas ang nararamdaman kong inis sa kanya. Mayamaya pa ay naging maingay na ang unit at nang sumilip ako, nandito ang mga kabarkada niyang kasama niya sa inuman at pagpa-party dati.
Ang galing lang! Naglasing ng todo ang mokong at talagang nagpaiwan pa si Logan na halos hindi na rin makatayo sa sobrang kalasingan. Dalawa pa sila ngayong inaasikaso ko. Buti nalang, mabilis na nakatulog si Logan.
BINABASA MO ANG
SEDUCING THE THORN °[KathNiel] ✓COMPLETE
أدب الهواة[The Palmer Brothers: DOS] - I was surrounded by roses but I ended up loving the thorn. I forgot that it can give pinpricks and could make me bleed.