CHAPTER 36

2.5K 80 29
                                    

When the morning came, I drove back to Logan's house. I looked for the jerk. When I got in his room, I heard the water gushing from the shower so I supposed that he's there. Kaya pumunta nalang ako sa kabilang kwarto at agad na sumalampa do'n. Hindi talaga ako mapakali. Pakiramdam ko iiyak ako kapag wala akong gagawin. Hinablot ko nalang ang unan na hinigaan ko at ihinagis iyon ng paulit-ulit sa ere, nagbabakasakaling maaalis ko sa isip ko ang tumatakbo rito.

"Did you get laid?" Biglang salita ni Logan na nagpatigil sa'kin sa paghagis ng unan. "Hoy? Joke lang. Hey man? May problema ka ba? Okay ka lang?"

Lumapit si Logan at tinapunan ako ng nagtatanong na tingin. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya nang hindi nagiging emotional. Ang tanga ko talaga kasi eh. Buti nalang at biglang tumunog ang phone ko kaya nagkaroon ako ng dahilan na 'wag sagutin ang mga tanong niya. Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko at agad iyong sinagot.

"Kuya?"

"Where are you?"

"Bakit? Gusto mong makipagkita?" Iba kasi ang boses niya, pagak 'yon. Parang galing umiyak. "May problema ba?"

"Hindi. Kailangan ko lang ng makausap. I saw Gabriella."

"Ha? Eh... What—what happened? Did you talk to her?"

"Magkasama kami Dos for a few days. She still loves me."

"O 'yon naman pala. Ano'ng problema? Kuya Uno, 'wag ka na ulit magpakatanga. Bumalik na nga oh. Ang swerte mo nga, mahal ka parin." Naluluhang sambit ko. Totoong naiinggit ako kay Uno. Paanong mahal parin siya ni Gab? After everything?

"Deserve ko ba 'yong anghel na 'yon? Dos, I don't deserve anything as good as her. Gusto ko lang parusahan 'yong sarili ko habang buhay."

"Uno. Lahat nagkakamali." Naiinis na sabi ko. "Tanggap naman 'yon ni Gab. Tanggapin mo na rin. Why won't you just forgive yourself and be happy? Ayaw mo bang maging masaya? Ano? Mahal mo 'yong tao pero tinataboy mo? May mas tanga pa pala sa'kin e.  I'll see you. Babalik na ako diyan."

"Si Uno 'yon? Si Gabriella? Bumalik narin siya? Woah. Ano 'to? Panahon ng pagbabalik ng mga ex?" Nang hindi ko pinansin ang biro niya, sumeryoso ang mukha ni Logan. "Ano'ng hugot 'yong 'ang swerte mo nga, mahal ka parin'? Pati 'yong bumalik na, 'wag ng magpakatanga? Para sa'yo ba 'yon?"

"Babalik na ako ng Manila. Babalik nalang siguro ako dito kapag anniversary na ng company mo."

"Dos. You can always tell me everything."

Umiling ako't napasinghap habang iniinda ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Kasabay no'n ay ang pagpatak ng luha ko.

"Ang tanga ko, Logan. Ang tanga-tanga ko."

"Man—"

"Hindi closure 'yong kailangan ko. I wanted a second chance. I still wanted to have her." Pag-amin ko. "Pero huli na eh. She's engaged."

"Fck dude."

"Buti nalang hindi ako umamin eh. I just... huh... hate her. I hate her, bro. I know she felt how much I'm still into her. Then, she stayed. Ang saya ko na eh. Handa na akong patawarin siya at kalimutan nalang lahat. And then this morning... she left again without telling me. Buti nalang nagtutulug-tulogan lang ako. Ang tanga ko bro. Sinundan ko siya. Kaya ayon... Nakita ko kung sino 'yong sumundo sa kanya. Wanna know who? Who else?" I shook my head in disbelief after recalling what just happened. "Jared. It's still that jerk over me."

"I'm sorry man. I shouldn't have done this. I'm sorry."

"It was just me all along. When I heard about her, it was me who really want to see her again. There's no one to blame but me."

SEDUCING THE THORN °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon