Chapter 4 : A Tough Enactment
Genuine love does not say one thing and then act another way. Agape love is not to be used like a mask on a stage in order to pretend that we are someone that we are not.
(Credits: pastorhistorian.com)
❤❤❤
ISANG LINGGO ang matuling lumipas at hanggang sa mga araw na iyon ay hindi pa ring magawa ni Eunice na makipaglaro sa anak ni Terrence dahil ayaw nga sa kanya lumapit ng bata.
She tried many ways to charm the little boy but she always failed. Mas nauna rin itong maging komportable kay Mang Emman. Mas sumasama pa si Renz kay Mang Emman kaysa sa kanya.
Pero hindi naman siya sumusuko at hanggang sa ngayon ay hinuhuli niya pa rin ang loob ng bata kahit na minsan ay napapagod na siya. Aaminin niyang naiinis din siya dahil kahit anong gawin niya ay ayaw sa kanya ng bata. Terrence will always consoled her. Ipinapaala nito sa kanya na ang pagmamahal ay matiisin. All her efforts will take effect one day. Isa pa, bata pa nga si Renz at hindi naman nito alam ang ginagawa.
Meanwhile, laging busy si Alfred sa trabaho nito bilang sales agent sa isang malaking supermarket. Makikita niya lang ito sa umaga kapag papasok na at sa gabi kapag dumarating ito at kinukuha si Renz sa kanila. Hindi pa kasi sanay matulog ang bata na hindi si Alfred ang katabi. Naintindihan naman iyon ni Terrence kaya hindi na nito pinipilit pa na makatabi nito ang anak sa pagtulog. Sabi naman ni Alfred ay kapag mas naging komportable na si Renz kay Terrence at kapag siguro "gusto" na siya ng bata ay makakatabi rin nila ang bata sa pagtulog.
"Why the long face?" tanong ni Terrence sa kanya habang nagbibihis ito ng damit. Papunta ulit sila sa ospital para sa weekly therapy nito.
Hindi naalis ang simangot sa mukha niya. "I'm thinking of another way para naman magustuhan na 'ko ni Renz."
Lumapit ito at tumabi sa kanya sa gilid ng kama. Bitbit nito ang sapatos at doon nito iyon sinuot. "Gusto ni Renz ang mga binili mo sa kanyang laruan kahapon. Gusto rin niya ang tinimpla mong gatas. Marunong na siyang mag-'thank you' sa 'yo, di'ba? Kaunti na lang siguro at makukuha mo na ang loob ng bata."
"Nag-'thank you' nga, sabay talikod. At hindi na 'ko pinansin ulit. Kundi mo lang talaga anak iyon..."
Tumawa si Terrence. "He's just a kid.. And kids can sense when you like them or not. Just continue doing what you're doing. Renz is still adjusting."
"Baka ayaw niya sa'kin kasi naramdaman niyang inaway ko noon ang mommy niya."
"Silly!" natatawang sabi ni Terrence. "Sabi naman sa'yo ni Rachelle sa sulat niya ay hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob sa'yo. Imposibleng pinaglihian niya si Renz sa sama ng loob sa'yo."
"I know. Kahit si Alfred na ang nagsasabi kay Renz na pansinin ako, ayaw pa rin." Lumabi siya. "Feeling ko tuloy, wala akong charm sa mga bata."
"Don't say that. Nag-uumapaw kaya ang charm mo," anito habang nakatingin sa kanya ng diretso sa mga mata.
She pouted her lips more. "At least for you."
"Hindi mo lang alam kung ilang lalaki ang nilingon ka at sinundan ng tingin nang mag-shopping tayo sa mall last week, Eunice," seryosong sabi nito. "Seriously, I got irritated. Gusto kong tusukin ang mga mata nila."
BINABASA MO ANG
Love at its Toughest (Love Series #2)
SpiritualWith the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging matatag sina Eunice at Terrence para sa isa't isa? What is love? It was answered at its best. But, how tough is it? Written ©️ 2014-2015