Chapter 15: A Tough Coincidence
PAGKAMULAT pa lang ng mga mata ni Eunice ay agad na bumungad sa kanya ang mukha ng asawa. Gusto niya sanang ngumiti ngunit ang mga labi na mismo niya ang nagpigil niyon.
"Baby..." he whispered as he reached for her face. Ngunit mabilis siyang umiwas.
Tinalikuran niya ito ng higa at narinig niya ang malalim na pagbuntong hininga nito. Tatlong araw na ang nakalilipas magmula nang umuwi ito mula sa business trip nito at kasama nito ang anak sa dating girlfriend nito.
Tatlong araw na ngunit hindi pa rin mawala ang sakit kay Eunice. Suddenly, she was cold towards him. Kahit nakikita niya ang sakit sa mga mata nito sa tuwing iiwasan niya ito, hindi niya pa rin talaga magawang maging okay. They can't just kiss and make up for now. She's not yet ready.
At hindi niya alam kung magiging ready pa ba siya.
Pinikit na lang niya ulit ang mga mata para makatulog ulit. Naramdaman niya ang pagbangon ng kama ni Terrence. Sunod ay ang pagbukas ng pinto ng banyo. Pagkasara niyon ay bumangon na rin si Eunice.
Mabilis siyang lumabas ng kuwarto at pumunta sa work room niya. Nagkukulong siya doon nang buong umaga para lang maiwasan makasabay si Terrence sa agahan. Lalabas lang siya roon kapag nakaalis na ito papunta sa trabaho.
Alam ni Eunice na aware si Terrence sa ginagawa niyang pag-iwas rito. Ang ipinagpapasalamat lang niya ay hindi nangungulit o ipinagpipilitan ni Terrence na mag-usap sila. He's giving her the time and space she needs.
Nagtatahi na siya ng damit nang may marahang kumatok sa pinto. "Eunice..."
Saglit siyang napahinto sa ginagawa nang marinig ang boses ni Terrence, ngunit hindi siya umimik.
"Eunice..." the she heard him sighed. "I'm going to work," paalam nito at saka naglakad palayo dahil alam naman nitong hindi rin siya sasagot.
Mula sa bintana ng work room niya ay nakita niya ang pag-alis ng kotse ni Terrence maya-maya. Ganoon na lang sila sa nakalipas na tatlong araw. It was like they were back from the first days of their marriage. Kung dati si Terrence ang cold at tila walang pakialam sa kanya, ngayon siya naman dito.
Lumabas siya ng kuwarto at saka bumaba sa dining room. Hindi pa inililigpit ang hnandang almusal kaya kumain na siya. Patapos na siya nang makita niya si Mang Emman na papasok ng kusina.
"Good morning, Mang Emman," bati niya sa matanda.
"O, Ma'am Eunice! Buti't nag-aagahan na kayo." Hindi man ipahalata ay alam ni Eunice na alam rin ni Mang Emman ang nangyayari sa kanila ngayon ni Terrence. Ang maganda lang rin ay hindi ito nagtatanong pa o nagsasalita sa isyu. "Ah, aalis ka ba ngayong araw?"
"Baka po pumunta ako sa mall. Magsha-shopping at makikipagkita po sa mga kaibigan ko."
Tumangu-tango ito. "Sige, mauna na 'ko sa kusina."
"Ahm, Mang Emman, si... si Cyla po?" hanap niya sa anak ng asawa.
"Nasa taas ang bata. Nasa kuwarto niya. Pagkatapos kumain kanina ay pinaakyat ulit ni Sir Terrence."
Tumango lang siya at saka umalis na si Mang Emman. Mabilis niyang tinapos ang agahan at bumalik na sa work room niya. Mas mabuti nang magtahi na lang siya ng mga bagong designs niya para hindi puro si Terrence at ang sitwasyon nila ang naiisip niya. Sa tingin niya kapag iyon lang ang pinagtuunan niya ng pansin ay mababaliw siya sa sakit.
Papasok siya ng work room niya nang makita niyang bukas na ang pinto na kanina ay iniwan niyang nakasara. Nangunot ang noo niya at saka tuluyang pumasok sa loob, only to find out who is her invader, a little invader.
BINABASA MO ANG
Love at its Toughest (Love Series #2)
SpiritualWith the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging matatag sina Eunice at Terrence para sa isa't isa? What is love? It was answered at its best. But, how tough is it? Written ©️ 2014-2015