Chapter 18: A Tough Role
MAY mga pangyayari sa buhay na hindi inaasahang maagang mararanasan. It was that moment when one needs to mature and grow, and change his or her ways.
For Frances Lorzano-a business tycoon's only daughter, she can have everything she wants and be who she is and just shut the world off. Lahat na ng luho ay ibinigay na sa kanya ngunit lumaki pa rin siyang makasarili at tanging iniisip lang ay sarili.
But she's not really a certified graded-A bitch. May puso rin naman siyang marunong magmahal sa mga taong gusto niya lang mahalin.
Lumaki siya sa States, but her parents-who were both Filipinos- came back to the Philippines. Wala siyang choice kung hindi sumama sa mga ito at doon mag-aral ng college.
Akala niya hindi siya magiging masaya sa college life niya. Pagkatapak niya pa lang kasi sa university na papasukan niya, ang sama na agad ng tingin sa kanya ng mga tao-lalo na ng mga babae. Naisip niya nga noon, may mali ba sa suot niyang white top and green miniskirt? Or is it the fault of her sparkling five-inch pair of Jimmy Choo silver sandals? May problema ba sa natural brown niyang buhok? O hindi ba terno ang Gucci bag niya sa suot?
But whatever it is, Frances never really cared about what people thought. She focused on studying. Hindi lang naman puro pagsa-shopping at pagpa-party ang alam niyang gawin. Hindi man halata, she's a grade concious student. She's from a successful clan of businessmen and she has no plans of being called "stupid" in their family. Kaya nag-aaral talaga siya.
And then, she met Terrence Aranzamendez-a hot shot brown-eyed engineering student who aced his classes and was running for Magna Cum Laude. Siguro ramdam agad nila ang atraksiyon sa isa't isa kaya naging sila agad na wala nang paligoy-ligoy.
Their relationship was such a bliss! So wonderful! Climactic, adventurous, fun, and so sweet! She loved Terrence so much. Si Terrence lang yata ang lalaking kahit alam niyang mahal siya ay pinaparamdam pa rin nito bawat araw na mas tumitindi ang pagmamahal nito. His love strengthened as days and months came by.
They were young and in love, as they say. They made future plans together. They made promises to each other.
Masaya na lahat. Kaso, nalaman ni Frances ang tunay na kondisyon ng pamilya nila. Their business was failing. And to save their asses from the cruel media and judgmental people, they hasd to leave the Philippines bago pa tuluyang ma-bankcrupt ang Daddy niya.
Nagwala siya noon. Hindi pumayag na sumama sa mga ito. Pero, nag-iisang anak lang siya kaya hindi papayag ang mga magulang na maiwan siya. Inutusan pa siyang makipaghiwalay na kay Terrence dahil kahit kailan daw ay hindi na sila magkikitang binata.
And how would she break up with Terrence? Ayaw niya. Ayaw niyang maghiwalay sila. They promised to marry each other after college! Nagwala na naman siya. Umiyak nang umiyak. Nagmakaawa sa mga magulang na sa Pilipinas na lang siya manatili.
But things don't go that way. Even if it hurts, she had to break with Terrence. Pero hindi niya sinabi ang totoong rason rito dahil siguradong hindi ito papayag na maghiwalay sila.
The lamest excuse she told him was she's in love with somebody else. At wala na itong nagawa. Nagalit pa ito sa kanya. Awang-awa siya rito. Awang-awa siya sa sarili. Nanghihinayang siya sa "kanilang" dalawa.
Akala niya ang drama ay sa mga libro lang nababasa? But why the hell did she have to go through it? At bakit sobrang kailangan niyang masaktan? Bakit siya ang nasaktan, eh, hindi naman niya kasalanan kung bakit nalulugi ang negosyo nila?
What's worse? Itinakwil pa sila ng mga kamag-anak dahil isa raw disgrace sa pamilya nila ang mga bumagsak na negosyo. They were exciled to Australia and her parents vowed to never come back to the Philippines.
BINABASA MO ANG
Love at its Toughest (Love Series #2)
SpiritualWith the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging matatag sina Eunice at Terrence para sa isa't isa? What is love? It was answered at its best. But, how tough is it? Written ©️ 2014-2015