Prologue: How tough is love?

379K 4.3K 216
                                    

Prologue: How tough is love?

NAKAKUNOT-NOO ang labing-apat na taong gulang na si Terrence habang nakatingin sa kawalan. May take-home essay kasi sa Values subject nila na hindi niya alam kung paano uumpisahan.

            Ang topic nila, gaano daw katatag ang pag-ibig?

            "O, anak, mukhang malalim ang iniisip mo," untag sa kanya ng kanyang ina pagkapasok nito ng kuwarto niya. May dala itong pang-meryenda niya.

            Binaba niya ang hawak na ballpen at saka napakamot sa ulo. "Naiinis ako, Mama. Wala akong maisagot sa assignment ko," iritadong wika niya. Hindi sanay si Terrence na walang naiisasagot sa mga takdang aralin—essay man o Math problems. Ngayon lang talaga siya na-blangko. Mag-iisang oras na yata siyang nakatunganga at nag-iisip ng isusulat.

            "Ano ba ang assignment mo? Math? Patulong ka sa Papa mo," anito habang nilalapag ang sandwich at juice sa study table niya.

            Umiling siya. "Essay 'to, Mama. Tungkol sa love."

            "Love? Eh, di'ba, itinuro ko na sa'yo na ang meaning ng love, sa Bible mo makikita? Go get your Bible," anito.

            "Ma, alam ko na po iyon. Pero ang tanong kasi, how tough is love? Like, seriously? How would I know?" nababagot na sabi niya. For a fourteen-year old boy who just likes to study to achieve higher grades, malay niya ba kung hanggang saan ang kayang suungin at lagpasan na hamon ng pag-ibig?

            Kumuha ng isang upuan ang Mama niya at tumabi ito sa kanya. "Masasagot mo iyan kung talagang naiintindihan mo ang meaning ng 'love' na nasa Corinthians. Ano ba iyong huling  meaning ng love na sinabi roon?"

            Nag-isip si Terrence. Kabisado niya ang verse na iyon pero nakalimutan niya na ata dahil ten years old lang siya nang ipakabisado sa kanya iyon. But Terrence has a good memory, kahit papaano ay nahalukay niya sa isip ang sagot.

            "Love always perseveres," nasambit ni Terrence.

            "Good. Start from there, anak."

            "Anong kinalaman ng pagiging matiisin ng love sa pagiging tough niyon?"

            Ngumiti ang Mama niya. "Kaya matatag ang isang pag-ibig kasi marunong magtiis, handang maghintay, at kayang indahin ang sakit."

            "Huh?"

            His mother chuckled. "Let's put it this way, Terrence," she cleared her throat. "Ang pag-ibig, laging sinusubok iyan. Laging tinitignan kung hanggang saan mo kayang panindigan. Laging may mga desisyong pinipili. Laging tumatanggap ng katotohanan kahit masakit."

            He cocked his head to the side. "Then?"

            "Ang mga pagsubok na iyon, hindi sinusukuan. Hinaharap dapat iyon. Kahit paulit-ulit nangyayari. Doon nagiging matatag ang pag-ibig," her mother patienly explained.

            "And when love is strong..." parang unti-unti nang nakukuha ni Terrence ang ibig sabihin ng Mama niya.

            "When love is strong, toughest times can never shake you. Actually, even when true love is weak, it finds the way to be strong," dagdag nito. Tinitigan siya ng Mama niya at bahagyang ngumiti. "When you know what and how to love at your best, Terrence, mas tumatatag ang pag-ibig. Kung gaano katatag, nasusukat iyon kung hanggang saan mo kayang maniwala na lahat ng nangyayari ay para sa ikakabuti ng lahat. It's the promise of God to those who love Him."

Love at its Toughest (Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon