Chapter 12: A Tough Response
"Meekness is the ability to see God at work. It is an active and deliberate acceptance of undesirable circumstances that are wisely seen by the individual as only part of a larger picture."
- Baker's Evangelical Dictionary
❤❤❤
HINDI alam ni Eunice kung anong magiging reaksyon sa sinabi sa kanya ng kanyang Kuya Eugene. At mas lalong hindi niya alam kung paano magre-react sa nakikita ng mga mata niya ngayon.
She's staring at a teenage girl who looks like her when she was her age. Kaya walang duda na anak nga ito ng kuya Eugene niya dahil halos magkahawig lang sila ng kapatid.
"What's her name again?" tanong ni Eunice sa kanyang kapatid.
"She's Heart." Inakbayan ng kapatid niya ang dalagita na halata ang pagkabagot sa mukha. "Heart Aragon. And yes, you heard it right. Anak ko siya."
Napatingtin ulit si Eunice kay Heart. Para lang siyang nakatingin sa salamin noong kaedaran niya ito.
"Papa, I want to go to my room. It's already time to chat with my friends in America."
"Darling, batiin mo naman ang Auntie Eunice mo."
Heart looked at her. "Hi," simpleng bati nito at saka tumalikod na at umakyat ng hagdan.
Napabuntong-hininga si Eugene habang napataas naman siya ng kilay.
"Is that really your daughter? Bakit parang walang manners? At saka... bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin 'to, Kuya? My anak ka pala na... na almost thirteen years old na. Bakit mo, bakit mo itinago sa'kin? Sa'min? Alam ba ni Uncle Johnny 'to?"
Napaupo ang kapatid niya sa sofa at parang mas tumanda ng maraming tao ang itsura nito. "It's a very long story, cupcake. Basta ang masasabi ko lang sa'yo ngayon ay kailangan ko siyang itago noon dahil sa isang importanteng rason. Sana, matanggap mo siya. Matagal na matagal ko nang gusto na maipakilala kayo sa isa't isa."
Napaupo rin siya sa sofa at shocked pa rin sa nalaman. Kaninang umaga kasi ay tumawag ang kapataid niya para ayain siyang pumunta sa dating bahay nilang magkapatid. At pagkatapos pagkarating niya ay bigla itong maghaharap ng anak? Sinong hindi magugulat?
"Sino ang mommy ng bata?" nagtatakang tanong niya.
Humugot ito ng malalim na hininga. "Tanya Aragon. Kukuwentuhan rin ulit kita sa susunod. Sa ngayon, kumain muna tayo."
Napalabi siya. "Kuya Eugene, next time naman i-prepare mo 'ko kung magpapakilala ka ng anak." Parang kailan lang ay pabirong tinanong niya ito na baka may anak ito sa pagkabinata. Hindi diretsong sinagot at tinanggi iyon ng kapatid niya. Kaya pala. "Para ka ring si Daddy Johnny, eh!"
Last three months kasi ay inaya rin sila ng kanyang tiyuhin na maghapunan sa bahay nito. Siya, si Terrence, at ang kuya lang niya ang ine-expect niyang darating. Nagulat siya nang may isang pamilya pa silang kasalo.
Ang mag-asawang Dylan at Lana Guevarra kasama ang apat na maliliit na anak ng mga ito ang kasalo nila sa hapunan. At pagkatapos, bandang pasimula na ang kainan ay biglang in-announce ng Daddy Johnny niya tungkol sa may nawawala pala itong anak na naging dahilan kaya inatake sa puso ang asawa nito at maaga itong nabiyudo. Hindi alam ni Eunice ang tungkol sa kuwentong iyon dahil nangyari ang lahat bago pa siya ipanganak. After almost four decades, hindi inaasahan ni Daddy na makikita pa nitong buhay ang anak.
And it's none other than Dylan Guevarra na kilala sa business world dahil nagmamay-ari ito ng apat o mahigit pang malalaking gym and fitness center sa buong Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Love at its Toughest (Love Series #2)
SpiritualWith the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging matatag sina Eunice at Terrence para sa isa't isa? What is love? It was answered at its best. But, how tough is it? Written ©️ 2014-2015