Chapter 14: A Tough Marriage

124K 2.5K 330
                                    

Chapter 14: A Tough Marriage

"MY EX-GIRLFRIEND way back in college called me five months ago. Sinabi niya sa'kin na nagkaanak kami. Hindi ako naniniwala sa umpisa. Because when we broke up, she said she's inlove with another man. Pero kaya niya daw patunayan na anak ko si Cyla. I dared for a DNA test, and she agreed," panimulang paliwanag ni Terrence kay Eunice.

Sa kuwarto sila nag-uusap habang mahimbing nang natutulog ang anim na taong gulang na si Cyla sa kama nila. Nakaupo sa tabi nito si Terrence habang si Eunice ay nakatayo sa may tapat ng bintana.

"Nag-umpisa kaming magpa-DNA test. First, nagpadala ako ng DNA sample sa isang ospital sa Australia. And then, nagpadala rin siya ng DNA sample ni Cyla rito para sabay naming i-test."

Sa Australia na daw nanganak at tumira ang ex nito na hindi niya alam ang pangalan-dahil hindi siya interesadong alamin pa. Doon nanirahan ang babae at doon nito pinalaki at inalgaan ang anak for almost seven years.

"After months, lumabas ang resulta. She emailed me saying that she'll send the results to me. It's positive. Muntik ko na ngang makalimutan ang tungkol sa DNA test magsimula nang maging sobrang busy ako sa trabaho. Then, when I received the results from the hospital in Australia and from here..." Humina ang boses nito. "It's really positive."

Biglang pumasok sa alaala ni Eunice ang envelope na pinadala para kay Terrence ng isang ospital. Iyon ang may "CONFIDENTIAL" na nakalagay sa likuran niyon. Marahil ay doon nakalagay ang resulta ng DNA test.

She silently let out a breath. Naninikip ang dibdib niya.

"Natuliro ako, Eunice. Hindi ko alam ang gagawin ko, halu-halo ang nararamdaman ko. I was nervous, excited, mad, furious... happy. Mad at myself because I doubted my own child. Excited to see Cyla... nervous of what would happen next..."

Buti na lang at nakatalikod siya rito. Nagbabanta na kasi ang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata na kanina niya pa pinipigilan magmula nang dumating ito.

Halata sa boses nito ang kasiyahan sa pagkilala sa anak nito.

Naisip niya, kaya ba niya pine-pressure ang sarili na mabuntis dahil sa kaalaman ng puso niya na sasaya nang ganoon si Terrence kapag nabigyan niya ito ng anak? Kaya ba siya kinakabahan sa tuwing malalaman niyang hindi siya buntis dahil sa nakatakdang presensiya ni Cyla sa buhay nilang mag-asawa?

"The business trip in Australia was true, Eunice. Umayon sa panahon ang business trip na iyon para makita ang anak ko. After a day in Australia, I finally saw my daughter..." His voice softened.

"The first time I held her, I knew she's really mine..."

Nakikinig siya rito ngunit hindi gumagana ang utak niya sa pag-intindi ng mga sinasabi nito. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang isipin. Gustong niyang intindihin, ngunit hindi niya talaga ma-absorb ang mga nangyayari. What happened shocked her whole system because she wasn't prepared.

Ang tanging pumapasok lang sa utak niya ay muling nagkita si Terrence at ang ex-girlfriend nito. Nagkita ang mga ito para sa anak ng mga ito na hindi niya rin alam, dahil nilihim sa kanya ng sariling asawa... Hindi niya rin pala alam ang pagkakaroon ng communication nito sa babaeng minsan siguro nitong minahal.

"Frances doesn't want Cyla from the very start. Pinagtitiisan niya lang ang bata sa nakalipas na pitong taon, iyon ang sabi niya."

Frances. So that's the name of the bitch.

"And she's getting married now. Ayaw ng mapapangasawa niya sa anak niya kaya nagulat ako nang basta niya lang ibinigay sa'kin ang bata. She's really selfish. Mas pinili niya ang lalaki kaysa sa anak niya. I got so mad that I decided to bring Cyla with me. Hindi siya tumutol doon at para ngang natuwa pa siya. Tinuturing niyang pabigat ang sarili niyang anak."

Love at its Toughest (Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon