Chapter 8: A Tough Consequence
"Everyone says love hurts, but that isn't true. Loneliness hurts. Rejection hurts. Losing someone hurts. Envy hurts. Everyone gets these things confused with love, but in reality, love is the only thing in this world that covers up all pain and makes someone wonderful again.
Love is the only thing in this world that does not hurt."
–Anonymous.
❤❤❤
SA muling pagkarinig nila sa pag-iyak ng bata ay doon lamang parang nakahinga si Eunice. Hindi pa rin kumakalma ang tibok ng puso niya habang nakatingin siya sa kama ni Renz na pinapalibutan ng maraming doktor at nurses. Na-revive ito! Nagawang muling patibukin ang puso ng bata.
"Kayo po ba ang mga magulang ng bata?"
"I-I'm the father, Doc," sagot ni Terrence. "Kumusta na po ang anak ko?" nag-aalalang tanong nito.
"We can't say he's safe. Dahil kailangan pa namin ng maraming test. Kaunti lang ang cases na nare-revive ang pagtibok ng puso. And your son is lucky. The child needs to be admitted in the hospital for further tests. Baka anumang oras ay kailanganin ng bata ang heart surgery."
Patuloy sa pag-uusap ang doktor at si Terrence. Habang siya naman ay hindi hinihiwalayan ng tingin ang bata na pinapakalma na ng mga nurses. Bawal pa silang lumapit kaya walang magawa si Eunice kundi tumingin na lang. O mas akmang sabihing, nakatulala na lang siya.
Although the child was brought back to life, nanginginig pa rin sa takot si Eunice. She was like thrown back to the time when she and Terrence got in the car accident a few months ago.
Sa pagkapa niya sa hindi na pagtibok ng puso ng bata kanina ay tila narinig niya ulit nang sinabing wala nang buhay si Terrence noon.
It was horrible.
"Eunice? Baby?"
Napapitlag si Eunice at napalingon kay Terrence. Napakurap-kurap siya.
Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Eunice, are you okay?"
Wala sa sariling napailing-iling siya. "N-No... I-I'm not o-okay. I w-will n-never b-be okay..." she murmured, trembling. Napabaling ulit ang atensyon niya kay Renz na napatahan na. Tahimik lang ang bata habang inaasikaso ng mga nurse.
Nakita niya na lang ang sarili na kinakabig ni Terrence sa loob ng mga bisig nito. She's still shaking.
Maya-maya pa'y humahangos na dumating ang dalawang malalapit na kinakapatid ni Rachelle na sina Cara at Chelsea. Nag-usap ang mga ito at si Terrence.
"Anong nangyari kay Eunice?" nag-aalalang tanong ni Chelsea nang makita siyang nanginginig pa rin sa takot.
"She's still in shock. But she will be okay. Ako nang bahala sa kanya."
"Sige, kami muna ni Chelsea dito. Kami nang bahalang umasikaso muna kay Renz," ani Cara.
Tumango si Terrence. "Kayo na rin ang tumawag kay Alfred."
"A-Akala ko patay na siya..." pabulong na nasambit niya habang nakatingin pa rin sa bata. Nililipat na ito sa isa pang kama na magdadala sa bata sa pribadong kuwarto. Napatingin siya kay Terrence. "P-Parang katulad noon. When the medics said your heart wasn't beating anymore, I c-can't cry. It was like I died, too."
"Shhh. Tapos na iyon. Renz was revived. I'm still alive," kalmadong wika nito. Sa mga sumunod na sandali ay natagpuan na lang ni Eunice ang sariling nagpapaakay sa asawa palabas ng emergency room.
BINABASA MO ANG
Love at its Toughest (Love Series #2)
SpiritualWith the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging matatag sina Eunice at Terrence para sa isa't isa? What is love? It was answered at its best. But, how tough is it? Written ©️ 2014-2015