Chapter 9: A Tough Closure
AFTER the talk with Alfred, gumawa na agad ang lalaki ng paraan para masabi sa mga kamag-anak ang katotohanan na ito talaga ang ama ni Renz. At sa pag-amin nito, hindi rin naging madali para sa iba na agad na matanggap iyon. Rachelle's family got angry. But later on, they understood and forgave Alfred. Afterall, pinatunayan naman ni Alfred noong nabubuhay pa ang asawa nito kung ganito nito kamahal si Rachelle. He provided everything for his own family.
At nang mas kalmado na si Terrence at mas malinaw na ang isip ay ito na rin ang personal na lumapit kay Alfred para manghingi ng tawad sa pagsuntok na ginawa nito. Ilang beses ding humingi ng tawad sa kanila si Alfred. Nakita naman nila na sincere ang lalaki kaya pinatawad na nila ito. He might be wrong for deceiving them, but they have no right to judge him.
Nangyari naman na ang lahat. Tapos na. Wala na silang magagawa. Kitang-kita naman kay Alfred ang pagsisisi. Wala na silang karapatan pang mas pabigatin ang loob ng lalaki.
People around Alfred forgave but still, nahahalata pa rin ni Eunice rito na ang pinakagusto nitong hingan ng tawad at makaringgan ng pagpapatawad ay imposible pa nitong makausap.
As for baby Renz, hindi naman natuloy agaran ang heart surgery na gagawin sa bata. Sa ngayon ay maayos ang pag-respond ng gamot sa puso nito. Kaya naman ang tanging payo lang ng doktor ay mas maganda kung ilalayo muna sa lungsod ang bata. Mas makakabuti daw rito ang sariwang hangin kagaya ng sa probinsya.
Kaya naman nagpasya sila na mas mabuti kung iuuwi muna ni Alfred si Renz sa probinsiya ng pamilya nina Rachelle. Doon mas maganda nga ang environment ng bata. Kumuha rin si Terrence ng health plan para kay Renz. Para siguradong financially okay ang lahat ng kailangan ni Renz para sa kalusugan nito.
"Knock knock," ani Eunice sabay marahang katok sa bahagyang nakabukas na pinto na kuwarto ni Alfred.
Ngayon na ang alis ng mga ito kaya abala pa ang lalaki sa pag-eempake.
"Ikaw pala, Eunice. Pasok ka," anito nang makita siya. Lumapit ito sa isang aparador at naglabas doon ng mga damit.
"May kailangan ka?"
Umiling siya. "No. I just want to check if everything's okay. Nagluto pala kami kanina ni Terrence ng puwede niyong baunin habang buma-biyahe. Gumawa rin ako ng sandwiches. Malayo daw kasi ang biyahe papuntang Nueva Ecija. Nilagay na rin namin sa likod ng kotse iyong mga pagkain saka drinks na rin." Ipapagamit ni Terrence ang kotse nito para maihatid ang mga ito at komportable si Renz sa biyahe. Si Mang Emman ang magda-drive para sa mga ito.
"Nag-abala pa kayo. Maraming salamat. Sa kabila ng nagawa ko, ang bait niyo pa rin."
Nagkibit-balikat siya. "Kalimutan na lang natin. Ang mahalaga ngayon ay si Renz at ang wellness niya. Siguro dito ka na mas bumawi. Prove to everyone that your mistake from the past will never define what you've become right now. Be the father that Renz will be proud of."
Ngumiti ito kasama ang mga mata at ngayon lang iyon nakita ni Eunice. Mas lumiwanag ang aura ng lalaki dahil doon. "Salamat. Iyan ang paghuhugutan ko ng bagong simula namin ng anak ko."
"Also, don't forget to pray for more inner peace and divine intervention. Malay mo, sa Nueva Ecija, matutunan mong magmahal ulit. Bigyan ka ulit ni God ng babaeng puwedeng bagong mommy ni Renz."
BINABASA MO ANG
Love at its Toughest (Love Series #2)
SpiritualWith the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging matatag sina Eunice at Terrence para sa isa't isa? What is love? It was answered at its best. But, how tough is it? Written ©️ 2014-2015